PAGKAALIS ni Toby ay nagbukas si Gordon ng email at hinanap ang ipinadalang files nito. Saglit niyang binasa ang iba pang impormasyong naroon. Napangiti siya nang makita roon ang address nina Jerimie at Maddy. Sabi sa email ni Toby, hindi nagtatrabaho si Maddy at umaasa lang ito sa sustento ni Jerimie. Agad siyang gumayak para puntahan ang tinitirhan ni Maddy. Sana ay abutan niya sa bahay nito si Maddy. Siguradong tatanggapin nito ang business proposal na iaalok niya. Sakay ng kanyang kotse ay narating ni Gordon ang bahay ni Maddy. Humanga siya sa nakitang facade ng bahay. Moderno ang architectural design nito at alam mong ginastusan talaga. Nag-doorbell siya at hinintay na may magbukas ng gate. Hindi naman siya nainip. Sinalubong niya nang matamis na ngiti ang babaeng nagbukas ng malii

