NAGSALUBONG ang kilay ni Jerimie. Bakit biglang nagtanong si Cheska ng tungkol sa pagkatao niya? "May problema ba tayo?" prangkang tanong niya kay Cheska sa paraang hindi naman ito mao-offend. "Wala naman. Naisip ko lang na tutal madalas na tayong magkakasama, hindi naman siguro masamang makilala natin nang totoo ang isa't-isa," palusot niya. Bumubuwelo pa siya kung paano isisingit ang gusto niya talagang itanong. "Ano exactly ang gusto mong malaman tungkol sa akin?" Sasagot na sana siya pero pumasok sa silid ang waiter na dala ang in-order nilang pagkain kaya hindi na muna siya nagsalita. Nang makaalis ang waiter ay naunahan naman siya ni Jerimie. "Kain na muna tayo. Puwede naman tayong mag-usap habang kumakain." "Ah, s-sige..." Tiningnan niya ang mga pagkain sa mesa at naglagay ng

