George Point of View Kinilabutan ako bigla sa sinabi ko na iyon. Ano bang meron sa bibig ko at nahawaan na yata ni Antonio. “Ikaw girlfriend ko?” sabi nni Lyndon na hindi makapaniwala, “Kilabutan ka nga sa sinasabi mo, George,” napangiwi ako sa ginawa niyang pag duwal-duwal at pinagpagan ang sarili niya. “Kung alam mo lang kanina pa ako kinikilabutan nu’ng sinasabi ko ‘yun,” “Sabihin mo nga may lihim ka bang gusto sa akin noh?” tanong ni Lyndon. Nagpunta ako sa may upuan at kumuha agad ng throw pillow at ibinato ko sa kanya iyon at naka-was naman siya sa ginawa ko. “Kapal ng mukha mo kala mo gwapo hindi naman, kailangan kong mag mumog ng holly water dahil samga sinabi ko,” akala ba niya siya lang ang nandidiri ako din kaya. “E ano ‘yung sinasabi mo kanina? Ha!” tan

