AODIE “SALAMAT po sa masarap na hapunan,” saad ni Cold kay mama matapos naming magpahinga. Totoo namang masarap ang pagkaing niluto ni mama e. Hindi lang ang paborito ko ang niluto niya, may iba ding putahe. Gusto ko ngang tawanan si Cold dahil hindi ko akalain na makakarami siya ng kain. Kapag kasi sa bahay nila Ani ay tama lang ang kain niya pero ngayon kung hindi ko pa siya pinigilan ay baka mataob ang kaldero nila mama o baka biglang magsaing pa si mama. Hindi ko nga alam kung ginagawa niya ba iyon dahil luto ni mama o talagang nasarapan siya. Matanong nga siya mamaya. “Wala iyon, ako dapat ang magpasalamat sa iyo dahil pinatira mo kami dito pati na sa pag-aalaga mo sa panganay ko,” usal ni mama na tipid na ikinangiti ni Cold. “Wala pong anuman. Kaligtasan po ninyo ang pray

