AODIE “COLD,” malambing kong tawag sa lalaking nasa couch ng kwarto niya habang nakatutok ito sa laptop niya. Dito na kasi ako natutulog ngayon at dito na ako nagsstay. Kung baga nasa iisang kwarto na lang kaming dalawa. He insist that part dahil matagal na niya iyong gusto. Marahan itong tumingin sa akin na nakaupo sa kama niya. Wala kasi akong ginagawa ngayon at wala din ang pamilya nila Ani dito dahil nagbakasyon sila habang kami naman kasi ni Cold ay hindi pwedeng lumabas ng bansa dahil malalaman ng mga kalaban namin na buhay kami at nagtatago sa kung saan. “Why? Need something?” tanong nito. “Nabobored ako,” usal ko dito na ikinatawa lang naman niya. Ilang buwan na din ang lumipas matapos naming mapadpad dito. I already met Kalvin and Jai– Kalvin’s wife. I also met Kean, y

