AODIE “I WANT to ask something?” tanong ko kay Cold habang nakahiga na kami dito sa kama niya dito sa kwarto sa bahay ni Ani. Nandito pa rin kami since tomorrow ay may party dito sa bahay nila at kami lang naman. I mean, sila lang naman na magpipinsan ang darating para salubungin ang bagong taon. Marahan ako nitong hinila papunta sa kan’ya, ipinaunan niya ako sa braso niya at niyakap ng mahigpit bago ko naramdaman na umangat ito at ipinatong ang ulo sa akin. “What is it?” bulong nito sa tenga ko sabay halik doon. Bahagya naman akong nakiliti sa pagkakasalita niya kaya marahan kong naitulak ang ulo niya para malayo doon. Hindi naman ako nabigo sa pagtulak sa kan’ya dahil kusa naman din niya ibinaba ang ulo niya kaya naman ako na ngayon ang humarap sa kan’ya. “Did Kean knows th

