AODIE KASALUKUYAN pa din kaming nasa kotse ni Cold at naghahanap ng maganda magpaghihintuan ng kotse niya. Nandito kami sa isang parang public place sa Manila. Hindi ako maalam dito kaya naman sunod-sunuran lang ang peg ko sa kan'ya. "Saan ba tayo pupwesto? Nahihilo na ako," reklamo ko sa kan'ya. Tumingin lang ito sa akin bago bumalik sa paghahanap ng parking. Napanguso na lang ako at humanap na din ng parking. Hanggang sa nakakita ito sa isang gilid ng pwedeng pagparking'an. Sa wakas! "Just knife, Aodie," mahina nitong saad sa akin nang makita na ilalagay ko sa likod ko ang baril ko. "We don't want to attract them," usal pa nito kaya naman tumango na lang ako at iniwan iyon. Nakita ko din na naglagay siya ng balisong sa bulsa ng pants niya at small knife naman sa paa niya. Mata

