AODIE NAKASUNOD lang ang tingin ko kila Cold at Ani na nagpunta sa likod bahay nila Kean. I'm actually curious what they are talking about kasi kanina pa ako hindi pinapansin ni Cold, nihindi nga ako kinakausap o hi man lang ay wala kaya medyo nababother ako. Namimiss ko pa naman ang malamig na tao na iyon tapos hindi ako papansinin. “May problema ba kayo ni Bry?” Agad na napunta ang tingin ko kay Kuya Lester nang marinig ko ang tanong niya na iyon. Kausap ko kasi si Val at katabi naman siya ni Val kaya panigurado ay nahahalata niya ang hindi namin pagpapasinan ng pinsan niya. “Hindi ko po alam e. We're okay before they left. He even called me when he was in Russia,” tugon ko na ikinatango niya. “Mukhang nagmemenopause na si Bryan ha! Mauunahan pa ata ako,” birong usal nito na

