BRYAN “KUYA?” I immediately turned my gaze to Ani who was actually seated behind me. I know she might have heard what Aodie and I were talking about. “Yes, Ani? May problema?” tanong ko sa kan’ya. I stood up from my seat to see her clearly. Hindi na kasi siya nagsalita pa matapos niya akong tawagin kaya naman ako na mismo ang magtatanong at kusang titingin sa kan’ya. “May problema, princess?” ulit kong tanong nang makita kong nakatingin lang sa akin at parang inaasahan ang paglingon na gagawin ko. “I just want to ask if…” Napataas ang kilay ko nang putulin niya ang sasabihin niya ay bahagyang tumingin sa bintana ng eroplanong pagmamay-ari din naman niya. “They're fine,” sagot ko agad sa tanong na gusto niyang itanong. Kita ko naman ang pagbalik nito ng tingin sabay nguso sa

