AODIE “STAY here for a while habang nasa Russia kami nila Ani,” usal ni Cold habang nag-aayos ito ng gamit niya nadadalhin pabalik ng Russia. Nandito kami sa walking closet niya. Kung siya ay nag-aayos ng gamit ako naman ay nakaupo sa lapag habang yakap ang dalawa kong tuhod habang pinapanood siyang maglagay ng gamit sa duffle bag niya. Hindi na ako pinasama nito dahil maysado na raw delikado sa akin kung babalik pa ako ng ibang bansa. Dahil kasi sa nangyari kay Christine ay nalaman namin na natunugan kaming dalawa na buhay pa at nagtatago lang. “Pwede ba ako kila mama?” tanong ko sa kan’ya na ikinatigil nito sabay tingin sa akin. Malamlam naman ang mata kong nakatingin sa kan’ya at nanghihingi ng kasagutan. Gusto ko lang muna makasama sila mama dahil alam kong kapag natapos na n

