HINDI nagustuhan ni Melanie ang sagot sa kanya ni Edward nang gabing komprontahin niya ito tungkol kay Odeza.
"It's not a big deal, Melanie. Afterall, may say ako to decide kung maghahire ako sa kompanya at kung sino ang tatanggapin ko."
"I'm still you wife. I have all the rights the know." Mariing tugon niya. "And I just want to remind you just in case nakakalimutan mo, parte ako ng kompanya."
Napatigil ito sa ginagawang pagpupunas ng basang buhok. Katatapos lamang nito mag-shower ng dumating siya.
At ayaw niyang magsinungaling sa sarili pero sobrang namimiss na niya ang asawa. She have no idea when was the last time they have s*x. Sa tagal, she can't even remember.
"Pag-aawayan na naman ba natin ito, Melanie?"
"No. Pero kung ganyan ang paniniwala mo na nakikipag-away ako, just go on."
Iiling-iling siya nitong tinalikuran sa halip na sagutin ang sinabi niya. At hindi niya ito pinigilan nang lumabas ito ng silid nilang mag-asawa ng walang paalam.
Gusto niyang maiyak dahil sa tinitimping hinanakit kay Edward pero walang luhang gustong pumatak buhat sa kanyang mga mata.
Suko na ba siya agad? Pagod na ba siya?
No!
Hindi ang isang kagaya ni Melanie Isidro Monteverde ang basta-basta na lamang sumusuko ng hindi lumalaban.
MABILIS na lumipas ang mga araw. Hanggang naging linggo at naging isang buwan. Nanatiling malamig ang pakikitungo ni Edward kay Melanie at nagpatuloy ang lihim nilang relasyon ni Odeza.
Batid niyang konukutuban ang kanyang asawa kaya nagdoble ingat siya para sa kapakanan ng lahat. Araw-araw naman silang nagkikita ni Odeza sa opisina at kapag naroon silang dalawa, very casual ang turing nila sa isa't isa just like a employee-employeer relationship.
"Hey," mahinang wika niya nang bumukas ang pinto ng kanyang opisina at nakangiting mukha ni Odeza ang bumungad. Agad siyang tumayo mula sa pagkakaupo.
"I just bring this papers for you." Anito na humakbang palapit sa kanya at iniabot ang piraso ng papel. "A proposal from supplier."
"Thank you," aniya sabay abot ng papel. "By the way, what is your plan later after office?"
"Of course I want to home." Tugon nito ng nakangiti. "I'm not feeling well since this morning."
Naalarma naman siya sa narinig. Agad niyanitong nilapitan at kinapa ang leeg kung may lagnat. Nakababa naman ang blind ng window and nobody can see them from outside.
"Bakit hindi mo sinabi agad kanina para I can let you go home early or naihatid kita pauwi."
"I have a lot of things to do and ayoko naman maging burden dito sa company ninyo. At umiiwas ako na makuwestyun ako ni Melanie."
"Huwag mo nang hintayin ang oras ng uwian. Ihahatid na kita ngayon." Aniya at mabilis na inayos ang gamit niya sa lamesa.
"Edward, you don't need to---"
"This is emergency so---"
"Emergency?"
Sabay na lumipad ang mga tingin nila ni Odeza sa dahon ng pintong nakabukas ng mga sandaling iyon at nakatayo ang kunot-noong si Melanie.
"Is there anything wrong?" Muling tanong nito na humakbang na papasok sa loob ng silid at nagpapalipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa ni Odeza.
"Emergency meeting, Melanie. That's what we are talking nang dumating ka," very casual niyang sabi. "Sasamahan ko si Odeza to meet the supplier ng mga materyales na kakailanganin sa mga barko."
"And Odeza can't do it alone?"
Napabuntong-hininga siya saka palihim na pinukol ng tingin si Odeza na tahimik lamang na nakikinig.
"This is not just a supplier, Melanie. Well-known supplier at sila lamang ang pasok sa qualification ng mga materyales na kailangan natin. They refused the bargaining proposal submitted by Odeza. Kaya kailangan kong sumama sa meeting to convinced them or least get the best price." Hindi niya alam kung saan niya nahugot ang ganoong klase ng kasinungalingan just to escape.
Hindi na niya hinintay pa na makapagsalita ang asawa.
"Let's go, Odeza." Pinukol niya ng tingin ang dalaga.
"E-Excuse me, Mam Melanie."
TARANTANG napalabas sa loob ng kanyang sariling opisina si Melanie nang makarinig ng malakas na kumusyon sa labas.
Nang tingnan niya ang relong suot, almost ten 'o clock in the morning pa lamang at alam naman ng mga empleyado kung kailan ang oras ng harutan at trabaho.
"What happened, Dina?" Kunot-noong tanong niya sa kanyang sekretarya na nasa labas lamang ng opisina niya nakapuwesto. Maging ito ay aligaga
"Naku, Mam Melanie!" Anito. "S-Si Odeza po kasi bigla na lamang hinimatay."
"What? Where is she?" Dumako ang tingin niya sa kumpol ng mga empliyado at saka niya namataan sa sahig si Odeza na walang malay habang kalong-kalong ng kanilang janitress. "Tumawag na ba ng medic at---"
Bago pa niya natapos ang kanyang sasabihin ay lumipad ang kanyang tingin sa asawang si Edward na hangos naman na lumabas sa kabilang pinto kung saan naroon ang opisina nito. Hindi niya inaasahan na bigla itong susugod sa kinaroroonan ng nakahandusay na si Odeza matapos tabigin ang ilang empleyado na nakaharang sa daan.
This is the first time na nakita niya ang asawa na ganoon ang ikinilos. Kitang-kita sa mukha nito ang labis na pag-aala sa kanilang Marketing Manager.
"Call the ambulance now!" Malakas na utos nito sa mga tao sa paligid habang siya ay tulalang nakamasid lamang.
HINDI makapaniwala si Edward sa narinig na sinabi ng doktor na sumuri kay Odeza nang isugod sa ospital. Nang mga oras na iyon ay may malay na ang dalaga.
"Isang buwang buntis na si Miss Arquibel, Mr. Monteverde. Marahil ay dala ng kanyang pagdadalang-tao kung kaya nawalan ng malay kanina." Wika ng doktor pero hindi pa rin siya umiimik. "But nothing to worry because the baby is safe."
Hanggang sa magpaalam ang doktor, walang maapuhap na salita si Edward. Halo-halong damdamin ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon.
"E-Edward..." Paos ang tinig na wika ni Odeza. "I'm sorry kung hindi ko agad sinabi sa iyo,"
Kunot ang noong napatitig siya sa mukha ni Odeza.
"Last week ko pa natuklasan na buntis ako. Wala lang akong lakas ng loob to tell you dahil natatakot ako na baka iwanan mo ako at hindi panagutan ang bata."
"Paano mo naman naisip ang mga bagay na 'yan, Odeza? Ako ang ama ng sanggol na dinadala mo at may karapatan akong malaman ang katotohanan."
"I'm sorry...a-alam ko naman na wala sa plano natin ang bumuo ng bata dahil---"
"Shhhh..." putol niya sa pagsasalita nito. "Hindi ko tatalikuran ang obligasyon ko sa inyong dalawa ng magiging anak natin. Nangako ako sa iyo hindi ba na hindi kita pababayaan at sasaktan?"
Nangilid ang mga luha nito at saka ngumiti.
"S-Salamat. P-Pero paano si Melanie? Paano kung malaman ng asawa mo ang tungkol sa atin at sa bata?"
"Sa ngayon, magpahinga ka at magpalakas. Ako na ang bahala sa asawa ko, okay?"
Marahan itong tumango saka muling ngumiti. Kinintalan naman niya ito ng mabining dampi ng halik sa mga labi.
"WHAT the hell do you think you're doing, Kuya Edward?" Lukot ang mukhang tanong ni Justin.
Pawang madilim ang mukha nina Meynard at Justin matapos niyang ipagtapat ang tungkol sa kanila ni Odeza.
"Nasisiraan ka na ba talaga ng bait, Kuya Edward? Hindi mo lamang niloko ang pamilya mo ipinasok mo pa sa kompanya natin ang babae mo." Saad naman ni Meynard.
Inaya niya ang dalawang kapatid na kumain sa isang restaurant malapit sa kanilang opisina ng araw din na iyon na maihatid niya sa sariling bahay si Odeza mula sa ospital. Ang dalawa ang agad niyang tinawagan.
"I know, hindi ko naman sinasadyang matutunan na mahalin si Odeza."
"Naririnig mo ba ang sinasabi mo, Kuya?" Salubong ang kilay ni Meynard. "May asawa ka. Kasal kayo. May dalawa kayong anak. Hindi dahilan ang pagkakamali ni Ate Melanie para mambabae ka at bumuntis ng iba."
"Hindi dapat malaman ng Ate Melanie ninyo ito."
"Itatago mo? Hanggang kailan? At si Odeza, hanggang kailan mananatili sa opisina at magpapanggap na isang butihing empleyado?" Ani ni Justin.
"Alam ko mali pero andito na. Nangyari na. Kailangan kong harapin." Aniya. "Kaya ko sinasabi sa inyo into dahil kailangan ko ng taong makakausap at makakaintindi."
Nagkatinginan ang dalawa.
"Pasensya na, Kuya Edward. Sa ibang bagay puwede ka namin maintindihan pero hindi sa ganitong sitwasyon na umabot ka sa puntong nambababae ka para lamang gumanti sa ginawa sa iyo noon ni Ate Melanie." Iiling-iling na turan ni Meynard.