Natigilan ako at nagulat naman si Eri. Hindi ko sure kung nakapag picture sya o hindi. Yumakap ang babae sa kanya na mukhang excited na excited nang nakita siya. Kumapit naman siya sa bewang nito at gulat ang mga matang nakatitig sa babae. Parang uminit ang aking pisngi sa selos. Lumayo ako at bumalik sa isang sulok ng kanilang garden. Magkahawak na sila ng kamay at papunta sa lola ni Henry. Bumati ang babae na may dala pang regalo kay Lola at masayang sinalubong naman ito ng matanda. I felt bad and insecure at that time. Ni hindi ako nililingon ni Eri at umakbay pa ito sa babae. “Miles, are you ok?” saad ng tita ni Eri. “Ok lang po tita. Napag-usapan na namin ni Eri ang tungkol kay Cass.” “You know that it was nothing, right?” “Opo. Alam ko po.” “Dyan ka lang at kakausapin ko si C

