Natetense na ang lahat dahil sa matagal na pagsusuri ng mga judge. Tanghali na pero hindi pa sila tapos sa kanilang pagcheck kaya nagpakain muna ng lunch ang staff ng contest. Tatawagin na lang daw kami kapag may result na para sa top 3 winners. Nagkita kami ni Henry sa labas ng hall na naghihintay rin sa result. “Kinakabahan ka ba?” tanong nito sa akin. “Di naman gaano pero ineexpect ko rin na sana manalo para hindi naman sayang ang effort naming apat.” “Magaling ka kaya for sure mananalo ka,” confident na sabi nito at proud sa akin. “Basta ayoko lang din umasa para hindi gaanong masakit kapag natalo.” “Sige, kapag natalo ka, dadalin kita sa private resort namin. Sa isang island at tayong dalawa lang doon.” “Wait, parang ikaw naman ang panalo doon?” “Hindi ah. Ikaw lang ang mag-een

