Chapter 1

2229 Words
First kiss "Crisha may nagpapabigay sa'yo!" Tumakbo sa akin ang kaklase kong babae habang hawak-hawak ang flowers at chocolate na galing sa first year na nagkakagusto sa akin. Agad na nalukot ang mukha ko kasi hindi naman ako interesado sa mga ligawan lalo na sa mga mas bata sa akin. "Wow Crisha, mabenta ka talaga sa mga freshmen!" Pang-aalaska sa akin ni Jasper. Asar ko siyang siniko at inirapan. Tumayo ako sa kinauupuan ko at agad kong tinahak ang labasan para ibalik ang mga binigay niya sa akin. "She's here bro! Nilabas ka!" Asar ng kaibigan niya at sabay-sabay naman nilang tinulak yung batang lalaki. Tinignan ko sila isa-isa bago ko tignan yung lalaking nangungulit sa akin. Mukha silang mayayaman at lahat sila gwapo pero namumukod tangi ang lalaki. Sa sukat ko ay hanggang balikat ko lang siya at mukha talaga siyang bata. Magmumukha akong ate kapag kasama ko siya. Mahaba ang buhok niya na nakaipit, mahaba ang linya at makapal ang kilay, maganda ang hugis at kulay ng mata, matangos ang ilong, at mamula-mula ang mga labi. Sinilip ko muna si Jasper mula sa bintana at kita kong nakikipag-kwentuhan siya sa isa naming kaklase at bigla siyang napatingin sa akin at binigyan niya ako ng matamis at nakakalokong ngiti na biglang nagpasaya sa puso ko. Lumingon ulit ako sa lalaki "Sorry... Hindi kita type, e." Diretchahang sabi ko. "Ohhh..." dagdag ng mga kaibigan niya. Unti-unting nawala ang mga ngiti niya at napalitan ito ng pagkapahiya at lungkot. Alam kong masakit ang rejection pero minsan kailangan na'tin ito sa buhay para matuto tayong makita ang mas magandang bagay na para talaga sa atin. Malamya siyang lumakad palayo at sinubukan pa siyang i-comfort ng mga kaibigan niya pero tinataboy niya ang bawat pag tapik sa balikat nito. Nang makalayo may lumapit sakanyang babae at may ibinigay itong box pero nilagpasan niya lang ito. Pumasok ulit ako ng classroom at kita ko ang pagka-dismaya ng mga kaklase kong nakarinig at nakakita sa 'min. "Crisha ba't mo naman binasted agad? Hindi mo ba siya kilala?" Tanong ni Vianca isa sa malapit sa amin ni Jasper. "Hindi, Kaya nga nireject 'di ba?" Pamimilosopo ko at napailing naman siya. "Siya si Lei Ethan Ojascastro yung sikat na bagong basketball player, Crisha! Leo na 'yun naging bato pa! Kung ako liligawan no'n baka sagutin ko na agad siya kahit 'di pa nag-tatanong." Aniya at bumalik na sakanyang upuan dahil sakto namang dumating ang teacher namin. Nasa gitna kami ng diskusyon tungkol sa lesson namin ng mautusan akong kunin ang librong naiwan ng teacher namin sa faculty niya. Sinunod ko naman ito at dali-daling lumabas ng classroom. Nang papalapit na ako sa hagdan nakarinig ako ng nag-aaway. Sinilip ko ito at nakita ko yung babae kaninang nag-abot ng box kay Leo. Pinalilibutan siya ng tatlong babae. "Alam mo papansin ka! Pwede bang layuan mo na si Leo! Hindi kayo bagay! Look at yourself, you're so weird!" Anas ng babae habang dinuduro nito ang noo nung isang babae. Walang siyang magawa kundi tumungo lang kaya naman nangielam na ako. "Hoy! Anong ginagawa niyo d'yan?!" Sigaw ko ng hindi nagpapakita at narinig ko naman na nagsi-takbuhan ang mga babae. Sinilip ko ulit ang hagdan kung nasaan ang babae at nahuli niya akong nakasilip kaya lumabas na ako. Nag-lakad ako sa harap niya at nagkunwaring walang nangyari pero tinawag niya ako. "Wait, ate!" Napa-tigil ako at humarap sakanya. May bangs siya, may tigyawat, at braces ang ngipin. Pero kung tititigan mo siya maganda siya. Mistiza, matangkad, at balingkinitan ang katawan. Kailangan niya lang talaga ayusan. "A-Anong pangalan mo? A-Ako nga pala si Yuna." Nahihirapan niyang sabi sa tonong pang-hapon. "Ako naman si Crisha." Mahinahon kong sabi at inabot ko ang kamay ko sakanya na tinitigan niya muna bago niya ito tanggapin. "T-Thank you sa pag-ligtas sa'kin" nahihiya niyang sabi. Tanging tango nalang ang naisagot ko sakanya at nagpauna na akong mag-lakad na sumunod naman siya pababa kung nasaan ang faculty. Nang nasa baba na napahinto ako sa pag-lalakad dahil dumaan si Leo. Napatingin ito sa akin at kita ko ang gulat sakanyang mata, pero bigla itong nag-bago ng makita niya yung nasa likod ko si Yuna. Naging inis at busangot ang itsura nito. Nagpapalit ang tingin ko sa kanila at isang beses ko pang tinignan si Yuna ay nag-paalam na ako sakanya 'saka ako pumasok sa faculty na katabi lang 'din ng hagdan. Hindi ko na alam kung ano ng nangyari sa pag-iwan ko sa kanila. Nang matapos ang klase nagkayayaan ang mga kaklase namin na pumunta sa basketball court dahil marami daw poging freshmen na nagta-try out. Gusto nila 'yung makita pero ako ayuko. Kaya lang ako sumama dahil pinilit ako ni Jasper. Pumwesto kami sa harap kung saan madali kaming malalapitan ng mga player dahil nasa harap namin yung upuan kung saan sila umuupo. "Ano teh kaya mo pa ba today?" Tanong ni Jasper, Napansin niya sigurong naiinip na ako. Sasagot na sana ako ng biglang tumili ang isa naming kaklase. "OMG nandito pala si Leo!" Malakas niyang pagkakasabi at nag-simula na silang tuksuhin ako. Ayuko! Ayuko ng ganito! "Ano ba kayo! Para kayong ewan!" Masungit na saad ko. Napalingon ako sa likod ko at nakita ko si Yuna doon ng mag-isa. Nginitian niya pa ako at kinawayan kaya ginawa ko rin 'yun sakanya. Gusto ko sana siyang paupuin sa malapit sa 'min kaso natatakot akong ma-op siya. Magsisimula na ang try out at pare-pareho na nilang hawak ang mga cartolina na sinulatan nila ngayon. Halos ipasok ko na ang buong daliri ko sa aking tainga dahil sa sobrang lakas ng mga sigaw nila ng mag-simula na silang mag-practice. Gusto ko ng umuwi! Gusto ko ng i-higa sa kama ang katawan ko. "Crisha, Paki-hawak naman, oh!" Inabot niya sa akin ang cartolina kahit hindi pa ako pumapayag "Punta lang ako sa C.r!" Aniya habang sapu-sapo ang puson niya. Tumingin ulit ako sa nag-lalaro at nakita kong si Leo na ang may hawak ng bola ngayon.Nagulat ako ng bigla akong hawakan sa magkabila kong kamay at bigla nitong tinaas ng dalawa kong katabi na si Jasper at Shine. "GO LEO!" Sigaw nila. Napatingin sa amin si Leo at nagpakawala ito ng isang matamis na ngiti bago nito shinoot ang bola at naka-3 points siya. Nagkatitigan kami saglit at hindi pa din mawala dito ang ngiti niya. Tinignan ko ang nakasulat sa cartolina at nanlaki ang mata ko ng makita ang nakasulat dito. GO BABY LEO! I LIKE YOU! Rawr! Nalukot ko ang hawak ko sa sobrang pagkapit dito habang nanginginig pa dahil sa sobrang gigil. Tumingin ako ng masama sa dalawa kong katabi at tanging hagikgik lang ang sinukli nila sa akin. nagtangka pa akong umalis pero hinarangan nila ako. Pinag-krus ko nalang ang mga braso ko habang nakalukot pa rin ang noo. Nakakahiya! Baka kung ano ang isipin niya! Hindi ko siya gusto at never ko siyang magugustuhan! Sobrang sigaw ang binuhos nila ng manalo sila Leo sa unang laro. Halos ang dami din nanunuod pero kami yung pinaka-maingay. Habang ako nakatunganga lang nakatingin sa mga player na nagsasaya sa pagkapanalo nila. Nanlaki ang mata ko ng mapansin kong tumatakbo na si Leo patungo sa direksyon namin. Kita ko pa ang pawis na tumatalsik sa katawan niya. Nang makalapit nagulat ako ng bigla siyang tumungo at hinila ang batok ko para halikan ako. Dumampi sa akin ang malambot niyang labi kaya naman sobra pa sa sobra ang kaba ko. Hindi ko maimagine na nangyayari 'to sa akin ngayon. Ito ang una kong halik na nirereserba ko para kay Jasper! Pero bakit sa batang 'to napunta! AHHHHH! GUSTO KO MAG-DABOG. Nang bitiwan niya ako wala akong nagawa kundi ang titigan siya. Bago niya ako iwan sa upuang 'yun iniwanan niya pa ako ng nakakakilabot na ngiti. Kahit ang mga kaibigan ko ay nanlalaki ang mga mata sa sobrang pagkabigla. Tinignan ko sila isa-isa na parang nagsusumbong sa ginawa sa akin ni Leo pero ng makabawi sila sa pagkabigla ay nakatanggap ako ng tulak, hampas, at kiliti sa sobrang kilig nila. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi ko magawang magreklamo sa mga oras na 'to pero sa loob ko gusto kong lapitan si Leo para sampalin. Nang mag-uwian hindi ako makalabas ng building dahil sa ulan. Nauna na kasi si Jasper umuwi dahil may emergency sa bahay nila, yung mga kaklase naman namin nasa classroom pa nag-lilinis. Wala akong choice kundi mag-hintay tumila ang ulan. Habang nakatayo sa gilid nagulat ako ng biglang dumating si Yuna. "Hi! Ate! Gusto mo sumilong?" Aya niya sa akin habang hawak-hawak ang itim niyang payong. Pumayag na rin ako kasi gusto ko na rin umuwi. Alam kong mag tatanong lang siya sa akin tungkol kay Leo dahil may gusto siya sa tao kaya naman naman napapa-isip na ako kung ano-ano ang mga isasagot ko. "Ate— 'Di ba po ni-reject mo na si Leo? Pero bakit nag-ki–" naputol ang sinasabi niya ng bigla kong takpan ang bibig niya. "Ay! Sorry! Sorry!. ikaw naman kasi wag mo ng binabanggit 'yan. Hindi ko gusto si Leo, Ok? Hindi ko nga alam kung bakit ako hinalikan ng mangmang na 'yun, e!" "Ano po 'yung mengmeng?" Inosente niyang tanong. "Mangmang sa english stupid, sa tagalog bobo" turo ko sakanya at tumango-tango naman siya "Japanese ka?" "Ahm... Oo, pero step mom ko filipina." Ako naman ang tumango-tango. "Ano bang nagustuhan mo sa Leo-ng 'yun? Wala naman espesyal sakanya!" Usal ko at bigla siyang napatingin sa akin "Really? I mean hindi mo talaga makita kung anong special sakanya? Nasa kanya na ang lahat ate! And super bait niya as in. Minsan niya na akong sinagip nung muntik na akong mahulog sa bangin. Hindi niya ako binitawan that time para lang hindi ako mahulog and i feel kaya niya ginawa 'yun dahil he likes me..." tuloy-tuloy niyang kwento. Pinagloloko niya ba ako? Kahit ako yung nasa posisyon ni Leo sasagipin ko siya kahit hindi ko siya gusto! Sino ba naman gugustuhin ang bumitaw sa ganung sitwasyon? Kung hindi batas, konsensya naman ang kakalabanin mo. "Ahh ganu'n ba? Sige na una na ako! Salamat sa pagkukwento! Ingat ka pauwi mauna na ako!" Pagpa-paalam ko sakanya at ganu'n rin ang ginawa niya. Sumakay siya sa Van at ako naman ay sa tricycle. Hindi ko maintindihan si Leo kung bakit mas ginusto niya pang mag-mahal ng alipin kesa sa prinsesa na gustong-gusto siya. Wala naman espesyal sa akin para gustuhin. Hays! Nang makauwi na sa amin naabutan ko si Tita nora na nasa lamesa, nakapangalum-baba habang nakatulala. "Tita Nora, Lolo! Nandito na po ako!" Sigaw ko. Lumingon sa akin si Tita Nora habang si Lolo naman ay hindi sumagot kaya naman nagkaroon ng konklusyon sa isip ko na may masamang nangyari kay Lolo kaya tulala ngayon si Tita. "Tita! Anong nangyari! Nasaan si Lolo!" Naghihisterikal kong saad na pati si Tita ay nagulat. "Ano ba 'yun Crisha! Ano bang nangyayari sa'yo!?" Nawiwindang niyang tanong. "E, kasi naman bakit ka po tulala d'yan! Akala ko naman may nangyari kay Lolo." Inirapan niya ako 'saka siya tumayo at nag-lakad papunta sa kusina "Kamusta ang eskwela? May natutunan ka ba?" Tanong niya at naalala ko nanaman yung pag-halik sa akin ni Leo. "H-Hah? W-Wala... Ah, E. Meron pala! Ano sa S-Science!" Nauutal kong sabi dahil sa kaba. "E, ba't mukhang kinakabahan ka? Siguro ko puro boyfriend ang inaatupag mo! Naku, Subukan mo lang! Mamamalimos ka talaga sa labas pag-ginawa mo 'yun! Wag kana tumulad sa mama mong maagang nag-anak! Mamaya d'yan gayahin mo tapos sa akin mo rin ipaalaga. Naku! Pag-uuntugin ko talaga kayong mag-ina!" Mahabang sermon niya. Napanguso ako at umupo na din sa lamesa. Nilapag ni Tita ang turon at orange juice na meryenda namin 'saka niya tinawag si Lolo. Lumabas si Lolo ng kwarto niya ng baliktad ang damit niya pati ang tsinelas. Ito talagang si Lolo, Joker. Gusto palaging mag-papatawa! "Pa! Ano ba 'yan suot mo! Baliktad!" Saad ni Tita kay Lolo at tumingin si Lolo sa damit at Tsinelas niya. Matagal niya itong tinitigan 'saka siya tumawa. "Ayy!" Aniya. Pumasok ulit siya sa kwarto at nag-bihis. Nang makaupo na si Lolo nag-simula na kaming kumain. Tubig lang ang binigay ni Tita kay Lolo dahil sa sobrang tamis ng juice. Bawal kasi dito ang matamis baka tumaas ang blood sugar niya. "Oo nga pala Crisha, Parang nakita ko mama mo kanina." Aniya ng hindi tumitingin sa akin. "ANO?" O.A kong sagot. Nabitawan ni Lolo ang kinakain niya sa sobrang gulat. "Ano ba naman 'yan Crisha! Kahit kailan ka talaga!" Inis na sabi ni Tita. "Paano niyo po nakita si mama?" Naluluha kong tanong habang nanggagalaiti ang mga mata. Lumambot naman ang tingin sa akin nila Tita. "Apo! Huminahon ka! Ikaw naman kasi Nora! Ang sabi ko ay h'wag mo munang sabihin at mabibigla itong si Crisha!" Sermon ni Lolo kay Tita. "E, Kailan na'tin sasabihin kapag nag-kita na sila?" Tanong naman niya kay Lolo. Hinawakan ni Lolo ang kamay ko dahil nag-sisimula ng tumulo ang mga luha ko. Meron kasi sa akin ang gusto siyang makita para itanong kung bakit niya ako iniwan. Meron din sa akin na hindi na dahil hindi ko na naman siyang tinuturing na ina. "Tahan na apo, Kung makita man namin siya sasabihin namin sa'yo." Mahinahon niyang sabi at tumango-tango naman ako. Sinimulan ko na ulit kumain kahit na patuloy pa rin akong umiiyak. **************************
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD