“P—PASENSYA na po, Ma’am.” Inalalayan akong makatayo ni Dorothy. Napangiwi ako dahil ramdam kong napasama ang pagbagsak ng pang-upo ko kaya’t nanakit ang aking balakang. “Sa susunod tumingin ka sa dinadaanan mo, ha?” Tumango lang ako at yumuko dahil may mga nakuha kaming atensyon. Sa taas ng taking ng sapatos niya at sa pananamit niyang halos luwa ang dibdib ay halatang hindi empleyado ang babaeng ito. “Gladys, enough. Let’s go,” untag ng babaeng kasama niya. Tiningnan pa niya ako nang masama bago siya naglakad at pumasok sa elevator. Nang makaalis sila ay napaigik ako pagkahakbang ko. “Okay ka lang? May masakit ba sa ‘yo?” alalang tanong ni Dorothy. Ngumiti ako nang tipid saka tumango. “Tara na,” untag ko. Ininda ko ang sakit pero kailangan ko yatang ipahinga ito mamaya. “G

