Nakatingala lamang ang dalaga habang dinadama ang bawat patak ng ulan sa balat niya. Pakiramdam niya ay inagawan siya ng lakas. Patuloy pa ring tumutulo ang luha niya. Kasalukuyan siyang nasa isang waiting shed. Sumasabay sa nararamdaman niya ang panahon. Napataas ang tingin ng dalaga nang makita ang dalawang pares ng sapatos sa harap niya. "Bella," mahinang ani ng binata. Halata sa mukha nito ang lungkot at pagsisisi. Kaagad na sinamaan niya ito ng tingin at kinuha ang bag niya. Akmang lalakad na siya nang hawakan ng binata ang kamay niya. "Please, don't do this to me. Don't leave me. Hindi ko kakayanin," pakiusap ng binata sa kaniya. Umiiyak ito at kitang-kita ng dalaga ang luhang pumapatak sa mga mata ng binata. Lalo lamang sumisikip ang puso niya sa sakit. Napapikit ang dalaga at h

