Kabanata 29

2048 Words

Nakabusangot na nakatingin lamang ang dalaga sa bintana ng kuwarto niya. Umuwi sila ng probinsiya ng ina nila para mag-bakasiyon. Kaharap ng bintana niya ay ang malaking puno ng mangga na ang daming hilaw na bunga. Hindi niya alam kung bakit keaga-aga ay nakapangalumbaba siya habang nakatingin sa puno. Ilang saglit pa ay pumasok ang ina niya na nagtataka sa ginagawa ng anak. Simula noong makarating sila rito ay laging naka-pangalumbaba si Thalia habang nakatingin sa puno ng mangga. "'Nak?" tawag pansin niya sa kaniyang anak subalit parang wala itong narinig. Nilapitan niya ang anak niya at napakunot ng noo. Tumutulo ang laway nito at gumagalaw ang labi habang napapalunok. "'Nak?" tawag niya ulit rito. Gulat na tiningnan siya nito at pinunasan ang laway sa bibig. "Ano ka ba naman, Ma.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD