Masayang naglalakad ang dalaga sa mall. Kailangan niyang mag-grocery sa bahay ng binata since wala na namang stock ang refrigerator at cupboard nito. Naglalakad siya papunta sa meat section nang biglang humarang sa kaniya si Angelique. Kaagad na kumunot ang noo niya. "Can we talk?" tanong nito. Huminga siya nang malalim at tumango. Nauna nang maglakad ito at sumunod siya. Huminto sila sa isang café. Doon sila pumwesto sa pinaka-gilid. Lumapit ang waiter at humingi ng order nila. "Lemon juice lang sa akin," ani ni Thalia. "Cheese cake and coffe latté," ani ni Angelique. Matapos mai-serve ang order nila ay naghihintay lamang ang dalaga na magsalita ang kaharap. "How are you?" tanong nito sa kaniya. "I am fine," sagot niya. Ngumiti ito at tinitigan siya. "I can see that," ani nito

