Chapter 41: Dancing In The Rain Zandra Kielce Santiago "Kilan nyo po balak mag pakasal?" tanong ni Bell "Hindi pa namin alam" sagot ni Ej tapos hinimas pa ang buhok nong bata tapos itong bata naman kinilig kaya umerap nalang ako... " Pati ba naman bata pinag seselosan mo?" Bulong ni Ej kaya ngumoso na lang ako "Alam nyo po ba ganyan din ka sweet ang mga magulang ko" sabi ni Bell tapos hinawakan ang kamay naming dalawa Kanina pa talaga weird ang batang ito "Talaga? Nasan ba ang mga magulang mo?" tanong ko "Mag isa nalang po ako dito sa mundo, Pero alam ko na andito lang sila sa tabi ko binabantayan ako" sagot nya kaya nag katinginan naman kami ni Ej "Paano ka kumakain?" takang tanong ko "May bahay naman po kami, Madami ding pag kain" sagot nya kaya binigyan ko sya ng nalilito-look

