Krysta Nagising ako nang makaramdam ako na para akong dinuduyan sa kung saan. Pagmulat ko ng aking mga mata ay nakita ko ang malawak na bituin sa kalangitan. Napansin ko na mukhang nasa dagat kami dahil amoy na amoy ko ang malakas na amoy ng asin at tubig. Doon ko napagtanto na lulan kami ngayon ng isang bangka dahilan para mapaupo ako agad. Napansin ko na nakatali ang aking mga kamay at paa. Tinignan ko ang buo kong paligid at hinanap si Xander. Nakita ko siyang nakahandusay sa aking tapat at may dugo sa kanyang ulo. Napabuntong-hininga ako dahil kung sino man ang nagtali sa akin ay isang tanga. Who would tie me with a loose grip? Amateurs. Mabilis ko itong kinalas at agad na linapitan si Xander. Ipinatong ko ang kanyang ulo sa aking binti at inalis din ang kanyang pagkakatali. “Xande

