Pagising gising ako at hindi ko aakalain na ganito pala kahirap maging mommy. Kailangan ko gumalaw para sa anak ko kahit pagod na pagod ako. Kaya naman sa umaga ay bumangon na ko, kahit kulang tulog ay kailangan ko kumain. Kumain ako at saka tinulungan ako ni Tita Stevia paliguan ang anak ko. Kinuha nila ang anak ko at ako naman ay natulog ako, inubos ko ang oras ko sa pag tulog. Nang magising ako ay nag ayos ako. Bawal pa ako maligo dahil sa tahi ko at panganganak ko. Kaya naman pumunta ako sa kabilang bahay pag katapos kong mag ayos. Pumasok ako sa bahay ng Nievez at walang paalam na pumasok doon. Sa pag pasok ko ay nakita ko sila Amber na kinakausap ang anak ko tapos vini- videohan ang anak ko. No, mali. "Ang gwapo ng anak mo, Kurt." Napaantras ako at nag tago bago pa ako makita

