WAKAS ang last word sa huling page na ine-edit ni Dawn. Two AM, natapos rin siyang mag self edit ng rom-com manuscript niya. Nag-save na siya ng final copy. In-open na rin niya ang pocket wifi. Hindi na niya paaabutan ng liwanag ang stress sa rom-com story na iyon. Pagna-send na, saka siya matutulog nang bongga. Naka-cc kay Sir Four ang email niya. Evaluation result na lang ang hihintayin ni Dawn at chill na lang siya. Makakabalik na siya sa dating genre. Nilingon ni Dawn ang kasama niyang tulog sa kama—si Keith. Ang laki talagang tulong ng pagdating nito. At ng unexpected news na dala para mabago ang mood niya. Hindi pa naging masaya si Dawn gaya ng saya niya ngayon. Excited siyang hintayin ang pagdalaw ng isang tao sa kanila. Kaba at excitement ang nararamdaman niya. One week na lang,

