"WALA KA ba talagang ginawa sa akin?" "UNLI ang tanong, Toryo?" balik ni Dawn na napapailing. Nagte-trek sila ni Thor paakyat sa starting point ng Sabang Zipline. Na-convince siya ng lalaki na i-experience ang Zipline. Ang yakapan scene yata nila ni Thor kanina ang dahilan kaya parang naka-hang pa ang utak niya. Walang eksenang maisulat si Dawn. Sumama na lang siya kay Thor. Sa van pa lang, ayaw nang paawat ang Toryo. Hindi siya iniiwan ng mga mata. At kapag nagtama ang mga mata nila, ngingisi lang at magtatanong ng: "Wala ka ba talagang ginawa sa akin?" na pang-apat na beses na yata. 'Pag sumimangot si Dawn, tatawa lang ang bruho. Akala ni Dawn, wala lang kay Thor ang eksena kaninang umaga. Hindi naman kasi ito umimik pagkagising. Napatitig lang sa kanya ang malamlam pang mga mata, par

