GAYA ni Dawn, gusto rin ng mga kasama na hindi lang sila gala na lang nang gala habang ang iba ay nananahimik lang, nananalangin o kaya ay inuubos ang oras sa reflection at meditation activities dahil sa Holy Week. Nagkasundo silang apat na pumunta sa Kuyba Almoneca, isang meditation garden na ni-recommend sa kanila ng driver ng nasakyan nilang tricycle. Gusto rin ni Dawn ng katahimikan kaya nagkukuwento pa lang ang driver, nabuhay na ang interes niya. Gusto niyang puntahan ang lugar. Kung may ibang plano ang mga kasama, naisip ni Dawn na sumaglit sa lugar kahit mag-isa lang sila. Natuwa ang dalaga nang lahat sila ay nag-come up sa iisang desisyon—pupuntahan nila ang meditation garden. Parang side trip, wala kasi sa itinerary nila ng tour ang Kuyba Almoneca. Buo na ang plano, na nagkaroo

