Eight

1040 Words

NANINGKIT ang mga mata ni Dawn. Kung may laser ang mga mata niya, bumulagta na si Thor. Walang laser kaya hayun ang Impakto, buhay na buhay at hindi man lang itinago ang pagtawa habang nakatingin sa kanya! Inirapan niya ng katakot-takot ang weset na modelo, inabot niya ang baso ng tubig at sunod sunod ang lagok. Pati ang tubig, parang nang-aasar, sumabit pa! Naubo siya nang sunod-sunod. Napatingin sa kanya ang mga kasama. Ang pag-ubo niya ang parang gumising sa kanilang lahat. Napatitig sila sa mga mga plato sa mesa—simot na simot! Pare-pareho pa ang reaksiyon nilang apat—napatingin sa isa't isa at sa mesa uli—bago sila sabay sabay na natawa. "Naubos?" si Victoria. "Ubos na ubos," sang-ayon ni Dawn. "Ang bill natin," si Dream naman, nagcocompute na sa calculator app sa phone nito. "

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD