Anne Moore
Dumating ako sa Quezon City pagkatapos ng ilang oras na byahe. Pagod na pagod ako, pero hindi ako makapagpahinga. Ang lokasyon ng interview ay malapit sa Central Park at gusto kong makarating doon ng mas maaga. Maaga akong pupunta.
Hindi ko pwedeng palampasin ang job opportunity na ito. Naniniwala ako na dito, malayo sa mga magulang ko, makakabangon ako ulit. Lalo na't nakatapos ako ng high school, at nagsimula na ako ng higher education. Naniniwala ako na mabilis akong makahanap ng trabaho, well I believe so.
Lumabas ako ng airport at agad na nakaramdam ng lamig. Tag-ulan na, at ang mga damit kong dala ay hindi bagay sa panahon ngayon. Ngunit kailangan kong makuntento, hanggang sa makakuha ako ng trabaho at makabili ng mga bagong damit.
Hindi ako makapaniwala na nasa ganitong sitwasyon ako. Nasa akin na ang halos lahat at ngayon walang wala na ako. Lahat dahil lang sa paglabag ko sa isang patakaran ng pamilya, damn it!
Kapag naaalala ko ang gabing iyon ay nakakaramdam ako ng matinding galit, labis akong nasaktan at naiinis sa lahat ng nangyari. Hindi ko inaasahan na ganoon ang magiging trato sa akin ni Joseph at ipinahiya niya rin ako sa school.
Parang gusto kong umiyak kapag naaalala ko ang pagtrato sa akin ng mga magulang ko. Pero wala akong oras para maghinagpis. Kailangan ko itong hayaan at matutong magmanage ng mag-isa. Iyon nga lang wala akong alam gawin, lahat ay ginagawa na ng mga empleyado ng mga magulang ko. Ang pinag-aalala ko lang ay ang pag-aaral, ngayon kailangan ko nang magtrabaho, sana may magbigay sa akin ng pagkakataon kahit wala akong karanasan.
Ichineck ko ang address ng restaurant sa cellphone ko at tiningnan kung gaano kalayo. Sumakay ako ng bus na inirekomenda ng Google at ‘di nagtagal ay nakarating din ako.
Napansin ko na sarado pa ito, kaya tumayo ako sa pintuan. Tiningnan ko ang Quezon City at talagang maganda. Sa panahong ito ng taon, marami ng naka-display na pamaskong Christmas tree at parol.
Dito sa Pilipinas, ang Pasko ay mula September hanggang December at ilang araw na lang ay Pasko na. Naniniwala ako na magkakaroon ng isang malaking party, tulad ng nangyayari sa maraming city. Ang mga pamilyang Pilipino ay nagkakaisa, mine was the same as long as everyone followed the rules passed down from generation to generation.
Kasama ko ang aking mga magulang, maraming taon na ang nakalilipas dito sa Quezon City, at naaalala ko na marami akong naging masayang karanasan noong bata pa ako, isang alaala na hindi na maibabalik.
Naramdaman kong nagrereklamo na ang tiyan ko sa gutom, pero kaunti na lang ang pera ko, paano ako bibili ng pagkain? Masyadong mahal ang mga hotel dito. Paano kung maubos ko ito? Sa tingin ko ako ay lumalala na ako, at ang kawalan ng pag-asa ay nais na tumatama sa akin sa bawat oras na lumilipas, ngunit kumakapit ako.
Magpakatatag ka, Anne Moore, kaya mo 'yan!
Noon pa man ay positive na ako at naniniwala ako na ang mabuti at masamang bagay ay nangyayari sa lahat. Kailangan lang nating malaman kung paano haharapin ang mga ito.
Naghintay ako sa labas at pasado 8:00 am na, sa tingin ko dapat bukas na sila, pero nandito pa rin ako hawak ang bag ko na laman ng lahat ng damit ko. Sa katunayan, apat na piraso lang ito, pero once na makakuha ako ng spot, bibili ako agad-agad pag nagkaroon ako ng first payment.
May nakita akong babae around 50 na bumaba sa imported vehicle. Parang napaka-unfriendly niya, tumigil siya sa harap ng pinto ng restaurant at binuksan ito. Napansin ko na hindi niya ako napansin sa harap, kaya nasip ko na kausapin siya, pero pumasok lang siya at isinara ulit ang pinto.
Pagkatapos ng ilang minuto dumating na ang mga tao at pumasok sa loob, at bumukas ang restaurant saka lang ako pumasok.
Sa sandaling pumasok ako sa restaurant, napatingin sa akin ang mga waiter at ang ginang na nakita ko sa labas.
Nahihiya ako, pero kailangan ko ng trabaho kaya pumunta ako sa counter.
Isang lalaki ang tumingin sa akin mula ulo hanggang paa.
“Good morning, pumunta ako para sa job interview,” sabi ko.
Tiningnan niya ang ginang na papalapit sa amin, tumigil ito isang metro ang layo. Tiningnan niya ako na para bang mukha akong may nakakahawang sakit ako.
“Sorry, pero hindi ang part ng profile mo ang hinahanap namin,” sabi niya sa mataas na boses, at iniwan ako na gulat.
“Nakatapos ako ng medical education at nakapasa pa sa Philippine University,” sabi ko.
Nakarinig ako ng tawa.
“Iyan ang hindi nila ginagawa sa trabaho,” sagot niya, nakangiti. “Umalis ka na sa restaurant ko, hindi ka bagay sa profile na gusto ko.” Sabi niya at napatingin ako. “Hindi mo ba ako naririnig, girl? Kailangan ko pa bang tumawag ng pulis para paalisin ka rito?” sabi niya sa malakas na boses.
Tumingin ako sa gilid at nakita ko lahat ng empleyado na nakatingin sa akin, nagkibit balikat ako at tiningnan ang mga mata ng babae, kahit nahihiya ako.
“Pasensya na po sa istorbo, sana makakita po kayo ng bagay sa profile na gusto n'yo,” sagot ko.
Umalis ako sa lugar na iyon na masama ang loob, wala akong pera para sa anumang bagay. Ang meron ako ay ilang dolyar lang, na hindi ko alam kung kaya ko pa bang tipirin.
Nagawa kong makahanap ng isang mababang klaseng hotel na tutulugan ko sa susunod na dalawang araw. Pero ngayon nakatulog ako, dahil lagi akong nasa kalye ng Quezon, naghahanap ng trabaho. Pero tila sarado ang lahat ng pinto para sa akin. Hindi ko na alam kung ano pa ang gagawin ko, wala akong pera para manatili sa lugar na iyon at sobrang sama na ng loob ko. Naalala ko kung ano ang buhay ko noon at nagsimula akong magsisi. Dahil lang ibinigay ko ang virginity ko, ganito na ang nangyari. Kinamumuhian ko ang aking sarili dahil sa nagawa ko. At sobrang sama ng loob ko.
Sa wakas, dumating ang araw na kailangan ko ng umalis sa hotel na tinitirhan ko. At umalis ako para tumira sa kalye, naramdaman ko ang lamig ng panahon dito sa Quezon City na tumama sa akin. Ang mga shelters ay puno na dahil hindi sila palaging may space. Kailangan kong pumila ng ilang oras para subukang makapasok, at normally inuuna nila ang mga babaeng may anak at naintindihan ko naman iyon.
Wala na akong pambili ng pagkain, kaya naghanap ako ng pagkain sa kalye, bihira lang maligo, mukha talaga akong mahirap. Tuluyan akong nawasak at nawawalan na ako ng pag-asa sa buhay.
Isang araw na lang ay pasko na, at naglalakad ako sa kalye ng Quezon bitbit ang bag ko sa kalagitnaan ng gabi. Napakalamig at may mga nakikita akong call girls sa mga bangketa, kakaiba ang tingin nila sa akin, pero patuloy akong naglakad. Kahit sa kalye ay may mga nakita akong mga bagay na ikinabigla ko, pati mga mag-asawang nag-aaway at nagdodroga sa open air. Mga bagay na hindi ko pa nakikita sa buhay ko simula ng lumaki ako. Pinilit talaga ako ng mga magulang ko na ilayo sa kasamaan ng mundo, pero hindi ito umubra. Dahil nakagawa ako ng isang napakalaking pagkakamali at ito ako ngayon, naglalakad sa kahabaan ng kalye ng Quezon City.
Ilang metro ang layo mula sa akin, nakakita ako ng isang babaeng nakasuot ng leggings at maiksing t-shirt, na pinatungan ng denim jacket. Napansin kong tila nag-aaway sila pero hindi ko maintindihan kung bakit. Tila mas may edad siya kaysa sa akin, at may kakaiba siyang accent, tila hindi taga-rito sa Maynila.
Nakita ko ang sandaling itinulak siya ng lalaking kasama niya sa bangketa at sumakay sa kotse at saka umalis. Nagulat ako at pinagmasdan ko siyang tumayo at nagmura.
Malapit na malapit ako sa kanya, at naisip ko na baka kailangan niya ng tulong, kaya nilapitan ko siya.
“Magandang gabi, kailangan mo ba ng tulong?”
Napalingon sa likod niya ang babae at tumingin sa akin. Maganda siya, itim ang mga mata at pula ang buhok, perpekto ang katawan kaya napahanga ako sa sobrang ganda niya.
“Mukha ba akong nangangailangan ng tulong?” tanong niya.
“Sorry,”
“Sorry,” sabi ko agad, at nagkibit balikat.
Tumingin siya sa akin at napabuntonghininga.
“Anong ginagawa mo sa kalye?” tanong niya.
Hindi ako sumagot, nahihiya ako at natatakot pa dahil ilang segundo pa lang na nagkakilala kami.
“Hindi ka mukhang babaeng kalye,” sabi niya at inunat ang kanyang kamay sa akin. “Ang pangalan ko ay Valentina, isa akong call girl at ang bwiset na lalaking iyon.” Itinuro niya ang direksyon kung saan dumaan ang kotse. “Customer ko siya at hindi niya ako binayaran, kaya nawalan ako ng pera ngayong araw. Pero sa tingin ko sa nightclub na papasukan ko makakabawi naman ako.
Nagulat ako sa sinabi niya at nanlaki ang mga mata ko.
“Huwag mo akong tingnan ng ganyan, okay! Matagal na akong nasa ganitong buhay sa matagal na panahon at wala akong pakialam sa judgement mo,” sabi niya.
“Sorry pero ang ganda mo kasi para sa ganitong buhay,” sagot ko.
Ngumiti siya.
“Sigurado ako na sa loob ng maruming damit na 'yan maganda ka rin, pero nasa kalye ka, pero sa tingin ko nasa parehong sitwasyon naman tayo.” Sagot niya at napilitan akong nag-agree.
Hinawakan ko ang kamay niya at saka ngumiti.
“Ako si Anne,” sabi ko.
“Nice to meet you Anne, gutom ka ba? Nakatira ako sa isang maliit na bahay malapit lang, hindi siya malaki, may single bed, pero pwede kitang bigyan ng matitirhan ngayong araw. Malamig ang kalye at sa tingin ko hindi na ako magkakaroon ng customer ngayong araw.
Napansin kong desidido siya.
“Kung okay lang naman sa 'yo,” sabi ko.
Ngumiti siya.
“Okay lang, tara na at bukas ay pasko. Mas maganda kung may kasama akong kahati sa tinapay. Para masaya rin ako sa pasko,” sabi niya.
Sa mga sandaling iyon, pakiramdam ko ay nakakita ako ng totoong kaibigan.
Itutuloy…