KABANATA 6

2213 Words
Andrew Carter FLASHBACK 10 years later… “Pasensya na po, Sir.” Nakinig ako sa mga salitang sinabi ng doctor bago ko binuksan ang mga mata ko at tiningnan ang bangkay ng asawa ko. Nasa tabi ako ng kama habang hawak ang malamig niyang kama. Kita ko ang namumutla niyang labi na noon ay may kulay, ngayon ay kulay asul na. Namatay si Sophia at walang nakakaalam kung ano ang dahilan. "Sir, kailangan na naming kunin ang katawan," narinig kong sabi ng clerk ko. Pero nakatingin lang ako sa eksena at tumango saglit, lahat ay naintindihan ang ibig kong sabihin na lumabas sila ng kwarto. Naiwan akong mag-isa kasama ang walang buhay kong asawa. Kinuha ko ang kanyang mga kamay, at dinala sa aking bibig at binigyan ito ng marahang halik. Pagkatapos ay ilang minuto akong nakatitig habang hinihingal, hindi makapaniwalang nangyayari ito. "Bakit mo ako iniwan?" tanong ko na parang tanga. Alam ko na hindi niya ako sasagutin o pakinggan. “Sophia, iniwan mo ako kasama ang anak natin.” Ang isa kong kamay ay inilalagay ko sa kanyang sinapupunan. Dalawang linggo na ang nakararaan, nalaman naming magiging magulang na kami. At napakasaya namin, kahit alam ko na hindi maganda ang kalusugan ng asawa ko. Hindi alam ng mga doktor kung ano ang sakit niya. Pero nagdasal kami na sana’y maging maayos ang lahat. Napangiti ako. “Pagdadasal! Isang salitang pinaniwalaan ni Sophia. Inakala naming napaka-makapangyarihan niya. Pero hindi ito nagkatotoo dahil sa sitwasyon ngayon ni Sophia, mukhang mali ang manampalataya. Nawalan ng karapatan si Sophia na ipagpatuloy ang buhay at walang doktor ang nakakaalam ng nangyari sa kanya. At dahil hindi nila alam ang tungkol sa sakit nito, inisip nila na pwedeng simpleng atake sa puso lamang o isang simpleng anxiety crisis na pwedeng namana niya. Hindi nila alam. Iyon ang totoo, walang nakakaalam. "Mahal kita," sabi ko habang nakatayo at nakahawak ang kamay ko sa sinapupunan niya. "Ikaw lang ang nag-iisang babae sa buhay ko.” Sinasabi ko iyon nang may malungkot na ngiti, "Mahal kita Sophia at walang sinuman ang papalit sa iyo dito sa puso ko.” Sabi ko habang inilalagay ang kanyang kamay sa dibdib ko. "Natuto akong mahalin ka. Pero siguro ang pag-ibig ay hindi talaga para sa akin. Ang patunay ay iniwan mo ako kasama ang anak natin.” Sa unang pagkakataon sa maraming taon, isang luha ay pumatak sa aking pisngi. Hindi dapat ako umiiyak, pero para akong batang umiiyak ngayon. Naalala ko ang sinabi ng tatay ko. "Ang mundo ay hindi mabuti sa atin. At kapag nakakamit na natin ang kasiyahan, palaging panandalian lang.” Kaya natututo si Andres na mabuhay na parang anino." Mahirap siya at malamig katulad ng kung paano talaga ako dapat mabuhay. Napakahina ng sarili ko sa pagkakataong ito at para akong batang walang magawa, hindi ko gusto ang sensasyon na nararamdaman ko. Ang pakiramdam ng kawalan ng pag-asa. Hindi ako mahina. Ang sabi ng tatay ko, ang pag ibig ang magiging kahinaan namin at ngayon ay nararamdaman ko na ang kahinaang ito. Susubukan kong maghanap ng dahilan upang magpatuloy sa buhay. Nawala ang kapatid ko ilang buwan na ang nakalilipas at ang dahilan ng kanyang kamatayan ay atake sa puso. Nakaramdam ako ang sakit at nagdalamhati rin, ngunit habang nasa mga bisig ko si Sophia, ang minamahal kong asawa na nagbigay ng higit na pagmamahal na naranasan ko sa buong buhay ko ay naging mas masakit ito. Sa katunayan, hindi ko man lang matandaan na may minahal ako dati. At ang mga marka sa aking likod at ang experience ko sa buhay ang patunay nito. Pero si Sophia ipinakita niya sa akin ang isang bagong bagay, isang tunay na pag ibig, kung saan pwede akong magplano. Ngunit ang lahat ng iyon ay tuluyang nawala, kasama siya. Tama ang tatay ko, hindi para sa amin ang kaligayahan, at kailangan kong matutong bumalik sa anino. At iyon ang gagawin ko, bumalik sa anino, ngunit mas masahol pa kaysa dati. Ang tatay ko ay demonyo at babagsak din ako sa pagiging demonyo. "Mahal kita at walang sinuman ang sasakop sa puwang na iniwan mo.” Sabi ko at bahagyang iniyuko ang aking ulo para bigyan ng matamis na halik ang malambot ngunit malamig niyang labi, hindi na kagaya ng dati. Bumangon ako pagkatapos ng ilang minuto at tinawag ang doktor at ang aking butler. “Pwede mo na siyang dalhin ito,” sabi ko at lumabas ng kuwarto. PRESENT DAY Ang araw na iyon ay nanatili sa aking alaala. Paglabas ko ng kwarto at pagkatapos ng libing ni Sophia at ng aming anak, kinausap ko ang management ng ospital kung saan naospital si Sophia ilang araw bago siya mamatay. Iniutos ko na ang lahat ng empleyado na nag-alaga sa kanya ay tanggalin sa trabaho o ako mismo ang sisira sa ospital na iyon. S’yempre napagbigyan ang kahilingan ko at ang mga walang kwentang team na iyon ay inalis na sa ospital. Nakatayo ako sa sala at nakatingin sa kalye ng Quezon City. Ang sala ng bahay ko ay presidency, mayroon akong isang 28 storey na building, maunlad at kalat sa buong lungsod, bansa at mundo. Ang Carter's Architecture ay isang kilalang kumpanya sa buong mundo. I am a world power, which no one dares to overthrow. Kilala ako sa negosyo at bilang isang demon in a suit. Wala akong awa at lalong hindi naaawa sa sinuman, at sa katunayan nila. Pinalaki akong ganito, walang damdamin. Minsan ko lang naranasan ang makaramdam sa buhay ko, ngunit nawala ito kasama si Sophia, ang aking asawa na namatay sampung taon na ang nakalilipas. Nawala siya sa akin at simula noon, hindi ko hinayaan na may ibang mag-alaga sa puso ko. Ang buhay ko ay umiikot lamang sa mga call girls at trabaho. Hindi ako nakikipag-date sa kahit sinong babae. Ayoko ng magulo, para sa lahat balo ako at iyon lang 'yon. Ayoko pinapakialaman ng iba. Si Sophia lang ang minahal ko at habambuhay na iyon. Gayunpaman, may kakaibang nangyari isang buwan na ang nakalilipas. May isang call girl, ang pangalan niya ay Anne, Anne Moore gaya ng sinabi sa akin ni Bruce. Nang pumasok ako sa club nang gabing iyon na lagi ko namang ginagawa, nakita ko siyang sumasayaw at kumakanta sa stage na iyon. May kung anong nangyari sa akin, hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya. Kakaiba siya kaysa sa ibang babaeng call girl na nakilala ko. Nakita ko ang ilang baliw na lalaki na gustong makasama siya at tama nga, maganda ang babae. Siguro ang edad niya ay nasa 20 taong gulang lamang. Ibig sabihin, halos doble ang edad ko sa kanya dahil 38 years old na ako. Kinuha ko si Anne nang gabing iyon ng ilang beses. Nang matapos ako napansin ko na may iniwan sa akin ang babaeng iyon. Alam ko kung paano basahin ang mga tao. Ganoon ako hinubog. Napansin kong nag-iwan siya ng emotional attachment sa akin, siguro dahil dalawang beses lang akong may naka-s*x sa buong buhay ko. Nagulat din ako sa nangyari, pero maagap kong naibalik ang sarili ko. Hindi ako nakikipag-oral s*x sa prostitute, pero sa kanya, ginawa ko at hindi ako nakapagsuot ng condom. Dahil iyon sa bugso ng damdaming naramdaman ko. Pero sa tingin ko’y wala namang mabubuo dahil paniguradong gumamit siya ng proteksyon. Sigurado iyon dahil ganito ang trabaho niya. That girl messed with me, nagbayad ako ng isang buwan para lang sa akin siya, pero hindi ako bumalik. Sinabi ko kay Bruce na iyon na ang pinakapangit na gabi ng buhay ko. At ang cheap slut na iyon ay hindi deserve ang atensyon ko. And she need to try very hard to satisfy a man. Gusto kong lumayo sa kanya at kalimutan ang lahat. Mukha siyang inosente at ayaw kong madamay siya sa sira kong buhay, dahil alam kong sita na rin ang sa kanya. Mukhang hindi siya bagay sa lugar na iyon, pero hindi ko na iyon problema. Minonitor ko lang siya buong buwan para masigurong wapa siyang ibang sinasamahan dahil binayaran ko siya ng libo-libong pera para sa 30 days. And Bruce kept his word. At ngayong araw sa tingin ko hahanap na siya ng ibang lalaki. Sa tingin ko mas makakabuti ito. Iba ang babaeng iyon, at ayaw kong mapalapit siya sa akin. Narinig kong nag-ring ang phone ko at kaagad ko iyong sinagot. “Yes?” sagot ko sa malamig, at mababang tono. “Meeting in 3 minutes Mr. Carter,” narinig ko ang secretary ko na nagsalita. “Parating na ako,” sagot ko saka pinatay ang tawag. Hindi ako nag-e-excuse o nag-te-thank you, hindi itinuro sa akin ang mga salitang iyon. Ang alam ko lang ay ang salitang kapangyarihan, dahil ang salitang iyon ay may kakaibang impluwensya sa buhay ng tao. Uminom ako ng isang baso ng whiskey para ma-relieve ang tensyon sa katawan ko. Ang babaeng iyon, she turned me on sa hindi ko maintindihang paraan. Kahit sa asawa ko, hindi ako tinigasan nang ganito sa tuwing naaalala ko siya. Naramdaman ko ang mainit na alak na gumapang sa aking lalamunan saka ko naramdamang tumino ang katawan ko. Lumabas ako ng kwarto ko at naglakas papunta sa meeting room. Nang makapasok ako’y nakita kong tumayo ang lahat, halatang takot sa akin. Sigurado akong alam nilang hindi nila ginawa nang maayos ang kanilang trabaho. Walang salitang naglakad ako palapit sa kanila at naupo sa upuan sa dulo ng lamesa. Ang upuang simbolo ng power at authority. Tiningnan ko silang lahat at saka sila binigyan ng ngiting hilaw. Nakita ko ang takot sa kanilang mga mata na gustong gusto ko. Ang amoy ng takot ay nakakaakit para sa akin. Sa isiping takot ang lahat sa akin ay nagpapatindi ng taas ng ego ko. “Everyobe is fired, pumunta kayong lahat sa HR ngayon din!” Sabi ko pagkatapos ay tumayo. Hindi umabot ng isang minuto ang meeting, sumunod sa akin ang secretary ko nang lumabas ako. At ramdam ko ang pagkabigla sa kanyang boses nang tawagin niya ako. “Mr. Carter—” Pinigilan ko siya sa pagsasalita. “Gusto ko ng bagong team to work with sa lalong madaling panahon,” sabi ko bago tuluyang bumalik sa opisina ko. Hindi ako iyong tipo ng lalaking maraming sinasabi, sa totoo, halos hindi ako nagsasalita. Nakaupo lang ako roon habang tinitingnan ang ilang dokumento nang makatanggap ako ng mensahe mula sa aking secretary. Sinabi niyang nasa pinto ang mga kaibigan ko. Dalawa lang ang kaibigan ko, si Steven at Logan. Kilala nila ako mula pagkabata at alam nila ang lahat ng pinagdaanan ko. Sila lang ang nakakaalam ng sakit na nararamdaman ko at pati na rin ang frustrations. Kahit na saglit lang ang mga iyon. Pareho silang pumasok sa loob ng opisina ko suot ang suits at maayos na pagkakasuklaybna buhok. Pare-pareho kami ng edad at pareho din ang tastes namin dahil nagpapalipas din sila ng gabi kasama ang prostitutes. “Magandang hapon Andrew,” sabi ni Steven saka ngumiti. "Good afternoon Andrew," bati rin ni Logan. “Good afternoon! Anong utang ko at napabisita kayo?” tanong ko. “Grabe, hindi ba pwedeng bumisita sa kaibigan namin?” tanong ni Steven na tila offended. “Hindi iyong pabigla-bigla, ano bang kailangan n’yo?” inis na tanong ko. Pero alam ko namang sanay na sila sa akin. Palaging diretso ako kung magsalita, walang pakialam kung kapamilya ko man o kaibigan. Ganoon ako at walang ibang makakabago sa akin. Kay Sophia lang ako mabait, at wala ng iba pa. Gusto kong malaman kung bakit hindi ka na pumupunta sa club?" tanong ni Logan. "Dahil ayaw ko," sagot ko. Nagkatinginan silang dalawa at naghihintay na muli akong magsalita. "Kailangan kong magtrabaho," sabi ko na medyo galit. "Hindi ka pa pumupunta sa club mula noong nakipag-s*x ka sa babaeng dinala ka sa langit," sabi ni Steven. "Imposible na isang call girl ang gumugulo nang ganyan sa dakila at makapangyarihang si Carter," sabi ni Logan. Sinindihan ko ang sigarilyo. Aaminin kong naapektuhan ako sa komento nila. "Hinding-hindi ako magpapadala sa isang cheap na babaeng iyon," sabi ko, sinusubukang kumbinsihin sila nang husto. “E bakit nga hindi ka na pumupunta, Andrew?” pangungulit ni Steven. "Dahil marami akong dapat asikasuhin sa kumpanya, abala ako sa mga meeting," mariing sinabi ko. Tinitigan nila ako at nagkunwaring naniniwala. "Tara na sa club ngayong weekend, para mag-enjoy dahil mas masungit ka yata ngayon kaysa dati. Pati tingin ng sekretarya mo sa labas, takot na takot,” sabi ni Logan. "Talaga ba Andrew, parang mas malala ka ngayon pagdating sa negosyo kaysa dati,” sabi ni Steve. "Okay, sa weekend tayo pumunta," sabi ko habang nakahilig ang likod sa upuan at sinisindihan ang sigarilyo. Habang nakabaling atensyon sa mga kaibigan ko. Tinitigan nila ako at ngumiti. Ang mga kaibigan ko ay katulad ko, pare-parehong hirap makisalamuha sa iba. Nakikipag-usap pa ako sa kanila bago sila umalis. Iniisip ko kung ano ang mararamdaman ko kapag nagtagpo kaming muli ng babaeng iyon matapos ang isang buwan. At ilang lalaki kaya ang naka-s*x niya nitong linggo, kasama na ang ngayon? Isa siyang call girl at tiyak na mauubos din ang amoy ng pagiging virgin niya at magiging tulad na lamang siya ng iba sa kanyang trabaho. Pero aaminin ko, excited ako sa pagkakataong makita siya ulit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD