Anne Moore Hindi ako makapaniwala na ang ex-boyfriend ko ay ang pamangkin ni Andrew. Paano nangyari sa laki ng mundo ay makikita ko pa silang dalawa? At sabay pa! Nang makalabas ako sa opisina niya, dumiretso ako sa unang banyong nakita ko at saka nag-umpisang umiyak, umiyak dahil sa galit. Gusto ko na lang sanang isuka ang lahat. Kaya lang, naalala ko ang anak ko na anak ng demonyong iyon. Drug! Hindi ko talaga maintindihan kung bakit kailangan kong pagdaanan ang lahat ng ito. Nagpasalamat ako sa Diyos na uwian na, kaya naman paglabas ko ng banyo ay bumalik ako sa desk ko at saka kinuha ang bag ko at umalis ng kompanya. Medyo malayo ang tirahan ko sa kompanya, kaya naman nagbu-bus ako. Sa tingin ko kapag nalampasan ko ang bagong posisyon kong ito ay makakabilis na ajo ng kotse, k

