Anne Moore Pagdating ko sa private airport ni Andrew nagulat ako sa dami ng malalaki at maliliit na eroplano niya na may nakasulat na pangalan na Carter, hindi ko alam na may koleksyon siya ng mga eroplano, hindi maipagkakailang makapangyarihan siya, hindi nakakagulat na pakiramdam nito ay pag-aari niya ang mundo. Pagsakay ko sa eroplano ay nakaupo siya sa upuan at may hawak na baso ng whisky. Malamig ang postura niya, the moment na magtama ang mga mata namin ay sinuri niya ang kabuoan ko, hindi ko mapigilang mapahiya. Samantalang napansin ko naman yung black tailored suit niya. Palagay ko ay iyon ang paborito niyang kulay, dahil hindi ko pa siya nakita na nagsuot ng ibang kulay, gayunpaman ay bagay naman sa kanya ang kulay na iyon… Matapos ko siyang batiin ay naupo na kami, sinubuka

