Chapter 40 CLARA Nasa isang silid ako nakahiga nagising na lang ako sa isang silid na ito. Muntik ng mawala ang mga anak ko dahil sa kamuntikan na rin akong mawalan ng katinuan. Halos gabi-gabi noon napapanaginipan ko ang nakita ko sa cctv. Ang babaeng buntis na nasagasaan. Minsan gusto ko siya tulungan, minsan iniisip ko sa panaginip ko na sa akin papunta ang sasakyyan at ako dapat ang nasagasaan. Ngunit kung may anong nilalang na humihila sa sasakyan kaya doon pa rin sa buntis na iyon napunta ang sasakyan at siya ang nasagasaan. Magigising na lang ako na umiiyak. Nakikita ko ang mukha ng isang lalaki na galit na galit sa akin dahil pinatay ko raw ang mag-ina niya. Minsan napapanaginipan ko ang lalaking iyon na ikinulong niya ako sa isang silid at pinapaso ng sigarilyo ang mga likod

