Chapter 64 CLARA Makalipas pa ang ilang araw ay naging mabait na si Lance sa akin naninibago ako sa kilos niya pero hindi naman ako nagtitiwala sa mga pinapakita niya dahil baka maulit na naman ang nangyari noon kaya kahit mabuti ang pinapakita niya sa akin ay sinusupladahan ko na siya. Isang araw ay taghali na ako nagising pinapabayaan niya na ako kung ano oras ako magising. Nagising na lang ako dahil sa paghalik niya sa pisngi ko. ''Gising na sleeping beauty handa na ang pagkain mo,'' wika ni Lance sa akin. ''Ano ba? Iinaantok pa ako, eh.'' reklamo ko. ''Malilipasan ka na ng gutom, ano oras ka ba natulog kagabi?'' tanong niya. Kaya bumangon na lang ako at naupo sa kama. ''Bakit ba nandito ka sa silid ko? Hindi ka dapat pumapasok sa silid ko, eh.'' reklamo ko. ''Tsss... Akala

