Chapter 70 LANCE Gustong bumuka ng labi ko pero hindi ako makapagsalita. Habang ang dalawang kambal ay nakayakap sa mga binti niya. ''He.he.he Nanay! Nanay!'' tuwang wika pa ni Princess na nakakapit sa binti ni Clara at gusto nitong magpabuhat. Habang ang mga titig namin ay hindi pa rin napuputol. ''Clara, siya si Lance ang unico Iho namin. Lance, si Clara, ang ina ng mga kambal'' dinig kung wika ni Mommy. Para akong estatwa sa kinatatayuan ko. ''Tita, nagkakilala na sila noon. Noong kasal namin ni Liam, pero mukha yatang nakalimutan na nila. Matagal na kasi iyon at buhay pa si Christine noon,'' sabi ni Shiena. ''A.. Ako ba ang ama ng mga kambal?'' bigla kong tanong kay Clara. Nakita ko na nagbabadyang tumulo ang mga luha niya sa mata. ''Ma, iuwi ko na ang mga kambal,'' garalgal

