Chapter 59 CLARA Naramdaman ko na lang na umupo siya sa likod ko. Ipinihit niya akong ipaharap sa kaniya. Hindi ako umiimik. Iniisip ko na hindi masakit ang mga latay na natamo ko. Gusto ko maging manhid at hindi makaramdam ng sakit. ''Clara, humarap ka sa akin,'' mahina niyang sabi at hinawakan ako sa braso. Agad akong bumangon at humarap sa kaniya. Nakita ko ang pagsisisi sa mga mga mata niya. ''Saktan mo na ako, Lance! Sampalin mo ako o 'di kaya suntukin mo ang mukha ko dahil ito na lang ang walang latay!'' garalgal kong wika sa kaniya. ''Clara?'' ''Patayin mo na lang ako, Lance! Pagod na pagod na ako. Hanggang kailan mo ako pagbabayaran sa kasalanan ko?'' iyak kong sabi sa kaniya. ''Clara?'' tawag niya sa pangalan ko, nais niya akong hawakan ngunit hindi niya magawa. Ma

