Chapter 20 Lance Pov Umalis sa bahay si Clara ng hindi niya dala-dala ang mga gamit niya. Iniwan niya lahat ng gamit niya at umalis ng bahay na walang ibang dala kundi ang suot niya lang. Oo galit ako sa kaniya dahil sa pagkawala ng ma-ina ko. Noong dinala ko siya sa Isla at iniwan roon ay hindi kaya ng kunsyensiya ko na makita siya na umiiyak roon at walang kinain. Nakikita ko ang mga ginagawa niya sa loob ng bahay. Kaya pinakisuyuan ko si Joshua na sunduin si Clara. Hindi ko naman alam na sumama pala si Chona. Nagtungo ako noon sa condo ko dahil pumunta roon sina Mommy at Daddy. Ilang buwan na rin kasi na hindi ako nakadalaw sa kanila ni Daddy, kaya nag-alala rin sila sa akin alam nila Mommy at Daddy kung gaano ko kamahal si Christine. At ang magiging anak namin. Mahilig talaga

