"HEY, goddess.. here," ani Sir Kleint na tumabi sa akin at inabutan ako ng maiinom na wine. Napangiwi naman ako sa paulit-ulit niyang pagtawag sa akin. "Just drink moderately, okay? Pero, kung gusto mo namang uminom ng madami, willing naman akong umalalay sa 'yo," nagkikislapan ang mga mata niyang tumitig sa akin at sumilay ang nakakaakit niyang ngiti. Ngunit ewan ko ba at walang epekto 'yon sa akin.
"Uhm.. Thank you po, Sir Kleint," tipid ko siyang ginantihan ng ngiti bago ko ininom ang wine na ibinigay niya. Bahagya na naman akong napangiwi ng sumirit sa lalamunan ko ang mapait na lasa ng wine. Para akong masusuka! Napaangat ako ng tingin sa kanya at nagulat ako dahil mataman pa rin siyang nakatitig sa akin. Nagalala siya sa naging reaksyon ko. "Hard drinks pala 'to.." turo ko sa kopitang hawak ko.
"Yeah.. This, oh," turo niya sa isang bote ng alak na naroon. "Iyan kasi ang gusto nilang inumin, eh. Sorry." kinuha niya ang hawak kong kopita at inilapag iyon sa mesa at pagkatapos ay inabutan ako ng bottled ice tea. "Are you okay now?" tanong niya pagkatapos kong lagukin iyon ng isahan.
Tumango ako. Ngunit napapangiwi pa rin ako dahil nanunuot pa rin ang amoy ng alak sa ilong ko. Ngunit naramdaman kong nabawasan 'yong lamig na yumayakap sa akin kanina. Uminit ang buong katawan ko dahil sa alak.
"You didn't like the taste, Zekeilah?" ani Brent na naagaw namin ang atensyon. Nakaakbay ito kay Camille na tawang-tawa namang nakatingin sa akin.
Tumango ako. "Sanay ako sa mga ladies drinks lang, eh. Ang pait.." sabi ko habang umiinom ng ice tea na inabot na naman ni Sir Kleint.
"Drink more ice tea para mawala 'yong pait," aniya at inabutan akong muli ng isa pa.
"Thanks, po," agad kong nilagok ang juice. It's so yummy!
"Naku! Huwag ka ng uminom kapag ayaw ng sikmura mo.. kasi baka mamaya, isusuka mo lang din naman," ani Mariel na parang may tama na, nakasandal na ito sa nobyo nitong abala sa pagpapaikot ng alak sa baso.
"Tikim-tikim lang kasi, gurl.. 'Wag mong lalagukin ng isahan at talagang malalasahan mo ang pait," sabat naman ni Angela na nangingiti habang binubulungan sa tenga ng katabing lalaki.
"Mag- ice tea ka na nga lang, syete ka! 'Yan na lang ang inumin mo! Hahaha!" ani Camille na nakapag-piece sign agad.
"I can order a lady's drink if you want, Zekeilah. Just say it," si Sir Kleint sa paos na boses. Sa kauna-unahang pagkakataon ay tinawag niya ako sa pangalan ko.
Mukhang ngayon ko lang din nahalata na medyo nakainom na rin siya. Umusog ako ng kaunti nang maramdaman kong nagkakadikitan na ang mga braso namin at naaamoy ko na rin ang hininga niya. Hindi ako kumportable.
"Ahm.. H-Hindi na po, Sir Kleint. Okay na 'to. Uunti-untiin ko na lang paginom sabi nga ni Angela," pilit akong ngumiti sa kanya kahit ilang na ilang na ako sa katititig niya.
"Okay.. but, will you please cut the formality, Zekeilah? Just Kleint, okay?" anya at mas lalo pang lumawak ang ngiti.
"Pero, boss po kita. Nakakahiya naman po sayo."
"It's okay. From now on, just call me, Kleint, okay?"
Wala na akong nagawa kundi ang tumango.
Naiilang kasi ako sa kanya dahil syempre ngayon ko lang din siya nakasama sa mga ganitong bonding. At isa pa ay matutunaw na rin yata ako sa katititig niya. Oo, masyado rin siyang gwapo at kahit sinong babae ay kikiligin kapag kaganyan kagwapo ang nakatabi mo sa upuan. Pero, sadyang hindi pa ako nakakawala sa anino ni Xanth.
Ibinaling ko na lamang ang pansin sa mga kasama ko na masayang-masaya at naghahagalpakan pa sa usapan nila na hindi naman ako makasabay. Patango-tango na lamang ako at pangiti-ngiti sa kanila.
Nakakalimang baso na rin yata ako nang makaramdam ako ng pananakit ng puson ko. Naiihi na ako at kailangan ko ng pumunta ng banyo. Kaya naman ay agad na akong tumayo ngunit para namang umikot ang paligid ko! Napapikit pa ako at saka ako mabilis na humawak sa armchair ng kinauupuan ko.
"Hey! Be careful, goddess.." maagap akong naalalayan ni Sir Kleint. "Where are you going? I'll guide you." presinta niya pero pinigilan ko siya sa akmang paghawak sa akin.
"No need, Sir Kleint. I'll go to the comfort room.. And you are not allowed to go there with me, Sir. Bawal!" nakangisi kong saad habang inaayos ang pagkakatayo ko. Huminga rin ako ng malalim.
"I'll guide you, please.." he insist but again I refused. "You're a little bit tipsy. Are you sure you're okay?"
"Ayos lang po ako.. Kaya ko pa naman, eh," ngumiti ako sa kanya at saka ako tumayo ng tuwid para ipakitang okay ako at hindi ko kailangan ng alalay. Matino pa naman ang pagiisip ko. 'Tsaka, lalaki siya kaya mahirap na. "Dito ka na lang, Sir. Saglit lang po ako."
Hindi ko na hinintay ang sagot niya at nagmadali na akong naglakad papunta sa banyo ng resort. Medyo may kalayuan din dahil nasa dulo pa iyon ng mga nakahilerang cottage. Ewan ko at bakit nasa parehong dulo ang mga banyo at banlawan ng resort na ito.. Kung anuman ang trip nila.. Ba'la sila!
Malapit na ako sa banyo nang maramdaman kong may umaalalay sa akin sa likuran ko. Tsk! Hindi ko na lang pinansin pa dahil alam kong si Sir Kleint na makulit ito.
Pagkarating ko sa banyo ay agad kong binuksan ang isa sa mga pinto roon at hindi na ako nagabalang i-lock iyon dahil sa namimilipit na ang binti ko sa pagpipigil ng ihi. Kaagad kong hinubad ang suot kong undies at umupo sa iniduro. Napapikit pa ako nang sa wakas ay mailabas kong lahat ng tubig sa katawan ko.. Akma na sana akong tatayo nang may maulinigan akong naguusap sa labas. Ngunit hindi ko naman maintindihan ang pinaguusapan nila kung kaya't hindi ko na lang pinansin pa. Mabilis ko ng inayos ang undies ko at saka inayos ang balabal sa beywang ko.
Papalabas na ako ng banyo nang biglang may humila sa akin at niyakap ako mula sa likuran ko.
Nagpumiglas ako sa kabiglaan dahil sa nangangamoy alak ito. Kaagad naman akong nakawala at hinarap ang taong ito. Hindi nga ako nagkamali nang makita kong sino ito. Nanunuot ang titig niya sa akin at ramdam ko ang pagnanasa niya.
"B-Binigla niyo ako, S-Sir Kleint," utal kong sambit habang napapayakap sa sarili ko. "Please, don't do that again."
Napayuko naman siya sa sinabi ko. "I'm sorry.. I just cant control my feelings.. You are so beautiful, Thaileen Zekeilah. I really liked you since the first time I saw you." I saw the sincerity in his eyes.
Pero, gustuhin ko mang magpasalamat sa papuri niya sa kagandahan ko at sa sinseridad ng pagkakasabi niyang gusto niya ako ngunit sa ginawa niyang kapangahasan kanina ay parang na-disappoint ko. Hindi ko gusto ang ginawa niya!
Hindi na ako nakakilos nang agad siyang lumapit sa akin at inabot ang kamay ko saka masuyo iyong hinalikan.
"Please be my girl.. I'll do anything for you. I will make you happy and I'll give you everything I have just say yes."
Napalunok ako. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Nakaawang lang ang mga labi ko habang nakikipagtitigan sa kanya.
"Please, Zekeilah? Please, be my girl.." Pagsusumamo niya. Hawak pa rin niya ang kamay ko na hindi ko magawang bawiin dahil sa higpit ng pagkakahawak niya. "Say yes, please?"
Hindi pa rin ako makapagsalita. Parang umaatras ang dila ko. Hindi ko alam ang isasagot ko. Ngunit sa kabilang banda ng utak ko, naroong pumapayag ako. Kung sabagay, hindi rin naman masama kung umoo ako dahil wala na rin naman akong boyfriend at single din siya. Pero ang malaking parte ng pagkatao ko ay isinisigaw pa rin ang pangalan ni Xanth Eadric!
I took a deep breath. Tinitigan ko siyang mabuti.
I was about to speak up when someone grab my hand from Sir Kleint and hug me tight from the back. At kahit pa hindi ko ito lingunin ay kilalang-kilala ito ng buong sistema ko.
"She's mine! And nobody can own what's mine!" He said with full of authority.
Napangiting-aso naman si Sir Kleint sa sinabi ni Xanth Eadric.
Hindi ko na nadinig pa ang isinagot ni Sir Kleint dahil kinaladkad na ako ni Xanth papalayo hanggang sa makarating kami sa parking lot.
"Xanth! Let me go! Ano ba?!" lumingon naman siya sa akin at saka ako binitawan.
Napahawak siya sa batok sabay napailing. "I-I'm sorry.. Did I hurt you?" nagaalala niyang tanong.
"Oo!" mabilis kong tugon. Napayuko naman siya dahil sa lakas ng boses ko. I don't care kung may mga makakarinig man sa amin. "Ano ba'ng problema mo, ha?" naiinis kong tanong at saka ko siya nahampas sa dibdib.
Huminga siya ng malalim bago siya nagangat ng paningin sa akin. Dumilim ang mukha niya at matalim niya akong tinitigan. "Ayaw ko lang na may nakikitang lumalapit sa 'yo, Zekeilah! Ayoko! I hate seeing you with somebody else. You are mine and I'm f*cking jealous! Sa akin ka lang, naiintindihan mo ba ako?!" bigla akong napaurong dahil sa naging mas malakas at naging marahas ang boses niya.
Subalit, gano'n pa ma'y nilabanan ko ang talim ng titig niya. "Hah! Haha!" sarkastiko kong tawa. "Are you out of your mind, Xanth Eadric? Wala na nga tayo, diba? Diba? Anong pinagsasasabi mong sa 'yo ako? Hindi mo na ako pagaari!" muling ganting sigaw ko. Sandali siyang natigilan at gumuhit ang kirot sa mukha niya. "Pwede bang lubayan mo na ako, ha? May Vixen ka na! Kinukulang ka pa rin ba?"
Napaatras ako ng ilapit niya ang mukha niya sa akin. "Oo! Kulang na kulang ako dahil wala ka! Ikaw ang kailangan ko at hindi siya!" Tiim ang mga bagang at andilim ng mukha niya!
Napaawang ang bibig ko at hindi makapagsalita.. Naglalaban ang mga paningin namin at pareho kaming marahas na napapabuntong hininga.
"Hanggang ngayon, hindi ko alam kung ano ba talaga ang dahilan kung bakit ginusto mong maghiwalay tayo.." patuloy niya ng makabalik sa huwisyo at naging mahinahon na ang boses niya. Ngunit hindi pa rin niya inaalis ang paningin sa akin. "You still love me, I felt it! And I feel the same way, babe.. I still love you! Handa ko namang baguhin kung anuman ang ikinaayaw mo sa akin, eh. Handa kong ayusin ang lahat! At akala ko no'ng gabing 'yon, maayos na natin ang lahat pag-gising natin.." napailing siya at napangisi. "Pero no'ng nagising ako.. wala ka na sa tabi ko! Hinanap kita kung saan-saan, Zekeilah! At ngayong nakita na kita.. Hindi na kita pakakawalan pa! Do you understand me?"
Tuluyan akong hindi makapagsalita. Sa haba ng sinabi niya ay naging blangko ang utak ko. Naging selfish nga ba ako at ni hindi ko man lang inisip ang mararamdaman niya no'ng oras na maghiwalay kami at iwanan ko siya? Pero, iyon naman talaga ang plano ko, eh. Masakit din naman sa akin. At totoong masasaktan ka lalo na kapag mahal mo pa rin ang isang tao. Kaya ko namang tiisin 'yong sakit na 'yon, eh. Para lang makalaya siya sa akin. Ngunit siya? Talaga bang nasaktan siya ng sobra? Tsk... I don't know. Marahil nga oo. Pero anong magagawa ko? Nangyari na at hindi ko na maibabalik pa ang dati.
"Answer me, babe.."
Ngunit nanatili lang akong nakatingin sa kanya at di ko magawang ibuka ang bibig ko. Bahagya akong napasandal sa sasakyan niya nang mas lumapit pa siya sa akin at itukod ang dalawang kamay niya magkabilang gilid ko. Napalunok ako dahil sa kabang nararamdaman ko. Ngayon ay wala na akong kawala sa kanya dahil alam kong hindi siya papayag na pakawalan ako lalo na ngayong ramdam ko ang galit niya. Tutok ang paningin niya sa mga mata ko.
"Tell me, Zekeilah.. Tell me the real reason why you left me! Baka sakaling matanggap ko pa kung anuman iyon. Hindi 'yong dahil lang sa pagaaway natin at hindi tayo magkasundo minsan ang siyang idadahilan mo para makalaya sa 'kin. I want to know the truth, babe.. Please.." nagsusumamo niyang sambit ngunit talagang hindi ko magawang magsalita. "Why can't you answer me? Tell me now coz I want to know everything.. Hindi kita kayang i-give up ng gano'n-gano'n na lang.." anya sa paos na tinig. Sobrang lapit na ng mukha niya sa akin. Amoy na amoy ko na ang magkakahalong alak at sigarilyo sa hininga niya ngunit mas nangingibabaw ang bango ng katawan niya. Nalalasing ako lalo. Gustuhin ko mang ilayo ang mukha ko ay wala na akong aatrasan pa. "You are my life and you killed me when you left me."
"But your alive and still breathing, Xanth." Naging tunog sarkastiko ang boses ko.
"I am. But, my heart dies and still buried." malungkot niyang sambit. "Babe.. Tell me everything.. please?" inilapit pa niya lalo ang bibig sa puno ng tenga ko at nagbigay iyon ng matinding kilabot sa katawan ko.
"Xanth.. Wala na akong dapat pang ipagpaliwanag sayo. Matagal na tayong tapos." mahina akong napatikhim para alisin ang bumabara sa lalamunan ko at saka ako tumingin ng deretso sa mga mata niya. "Hindi na rin kita mahal.." kailangan kong supilpilin ang kung ano pa man ang nararamdaman ko sa kanya dahil iyon ang dapat.
Nakita ko kung paano magbago ang reaksyon sa mukha niya matapos kong sabihin iyon. Mapakla siyang tumawa at umiwas ng paningin ngunit nang ibalik niya ang tingin sa akin ay matatalim na mga mata na ang sumalubong sa akin.
"I don't believe you, Zekeilah.. You still love me, I know! Nararamdaman ko 'yon!" sabi niya sa mismong mukha ko. Galit at halos naguumpugan na ang mga bagang niya. Pero hindi ako nagpatinag.
"Ngunit iyon ang totoong nararamdaman ko! Hindi na kita mahal kaya pakiusap lang.. Lubayan mo na ako, Xanth!" bahagya ko siyang itinulak ngunit dahil sa nakainom ako ay wala rin akong lakas. Parang tapik lang ang ginawa ko sa kanya.
Mabilis niya akong hinawakan sa mga kamay at inilagay niya iyon sa likuran ko at saka ipinagdikit ang mga katawan namin. Hindi ako makagalaw. Bahagya kong itinagilid ang mukha ko dahil kapag iniharap ko iyon sa kanya ay magdidikit na ang mga ilong namin.
"I still love you, Zekeilah.. Believe me. At wala kang magagawa do'n. Hindi mo ako mapipigilan kung aali-aligid ako sa 'yo saan ka mang lupalop pumunta. Gagawa ako ng paraan bumalik lang ang nararamdaman mo sa 'kin." paanas niyang sambit na ikinailing-iling ko. Mariin akong napapikit at saka ako lakas loob na tumingin sa kanya.
"You had Vixen already, Xanth! At isa pa, ikakasal na kayo, diba? Diba dapat maging kuntento ka na sa kanya? Tigilan mo na 'ko!"
Nagtagis ang mga bagang niya. "I can give her up in exchange for getting you back in my life again, Zekeilah! Therefore, I don't much in love with her nor like her.. I was just us—"
"Xanth Eadric!"
Nahinto sa pagsasalita si Xanth at pareho kaming napalingon sa pinanggalingan ng boses na iyon na pamilyar na pamilyar sa akin. Lumukob ang matinding kaba sa dibdib ko. Napabuga ako at niyakap ang sariling katawan nang bahagyang lumayo si Xanth. Pareho kaming nakatungo sa babaeng papalapit sa kinaroroonan namin.
Anong ginagawa niya dito gayong dis oras na ng gabi?
"Mom? What are you doing here?" nagtatakang tanong ni Xanth sa mommy niya nang makalapit at galit ang mukhang nagpapalipat-lipat ng tingin sa amin. Lalo na sa akin!
"I was just trying to find you and luckily someone called up and told me where exactly you are. What are you doing here anyway.. with her?" balik tanong nito kay Xanth na nakataas ang kilay.
Napalingon sa akin si Xanth, nagaalala. "Mom! We're just talking."
"You supposed to be in Vixen's house and talking about your marriage with her, not here with that golddigger!" nakaismid na nakaduro ang mapipilantik nitong daliri sa akin.
"Hindi ho ako gano'n!" maagap kong sagot! Nanginig ako sa umusbong na galit sa dibdib ko. Parang umakyat sa ulo ko ang alak na ininom ko.
"You are!" muli nitong hirit na ikinakuyom na ng palad ko.
Napayuko ako at nangilid ang luha sa mga mata ko sa pagpipigil ko ng galit.
"Mom! Stop it!" awat ni Xanth sa mommy niya. Hinawakan niya ako sa balikat at marahan niya iyong pinisil. "I'm sorry."
Napaangat ang tingin ko sa kanya at saka ako bumaling kay Mrs. Devorah Grace Segovia na may nanguuyam na tingin.
"Really, huh?" saad nito habang napapatango-tango pa.
"Mom! For pete's sake! Please, leave us alone! We're just talking here, okay?" naroon ang pagpipigil ni Xanth na huwag makagawa ng hindi kaaya-aya sa mommy niya. "Please, leave.." mahinahon na niyang pakiusap.
Ngumiti ito ng mapakla at saka muling napaismid. Ngunit tumingin muna ito sa akin ng matalim at saka muling bumaling kay Xanth. "Okay, son. But, make sure that you're already there in Vixen's house eight in the morning. Marami tayong paguusapan bukas tungkol sa kasal ninyo ni Vixen Mae." Maawtoridad nitong sabi at pinakadiinan ang salitang kasal.
Tiim ang mga bagang na nakamasid si Xanth sa mommy niya. "Whatever, Mom. Leave us alone now, please!" Napapailing niyang pakiusap.
Hindi na ito tumugon ngunit bago pa ito tumalikod sa amin ay nagawa pa ako nitong ismiran at taasan ng kilay. Napalunok ako at hindi ko magawang makapagsalita. Habol ko ang hiningang tumingin sa kawalan. Parang may kung anong bagay na nakadagan sa dibdib ko.
His mother doesn't like me since the first day she met me. Ewan ko ba kung bakit ang init-init ng dugo niya sa akin kahit wala naman akong ginagawang masama laban sa kanya.
Minahal at ginusto ko lang naman ang anak niya, eh, pero kung itrato niya ako ay para akong isang maduming basahan! Paulit-ulit niya rin akong tinatawag na gold-digger at kung ano-ano pa ay binalewala ko na lamang. Masakit sa pakiramdam dahil wala naman akong magawa.
Tahimik na buhay lang naman ang gusto ko kaya napagdesisyunan ko na lang na makipaghiwalay at lumayo kay Xanth. Masyadong magulo ang buhay ko sa piling niya. Na hindi ko naman magawang sabihin ang totoong dahilan dahil mas lalo lang gugulo ang sitwasyon pag nagkataon.
Ngunit ngayong harap-harapan at tahasan ng ipinapakita ng mommy niya ang pagkadisgusto sa akin ay unti-unti niya ng malalaman ang totoong dahilan kung bakit mas pinili kong lumayo at makipaghiwalay.
"Zekeilah.."
Dinig kong tawag ni Xanth sa pangalan ko ngunit hindi ko siya tinignan. Nanatili akong tulala sa kawalan at hindi makapagsalita.
"Zekeilah.." Muli niyang tawag sa akin ngunit hindi ko siya nagawang tingnan.
Naramdaman ko na lamang ang biglaan niyang paglapit sa akin at agad niya ako niyakap ng sobrang higpit na halos hindi na ako makahinga.
Hinayaan ko siya.
Tahimik akong pinanggiliran ng luha ngunit agad ko iyong pinunasan. Ilang sandali pa ay pinakawalan niya na ako at tinitigan niya ako sa mga mata ko.
"I'm sorry sa mga nasabi ng Mommy ko. Lalo na sa itinawag niya sa 'yo. It's just that, she gets mad on you when you left me. Nakita niya kasi kung paano akong nasaktan no'ng iniwan mo 'ko." patuloy pa niya at hinawakan na ako sa pisngi. "Babe, I'm—" I interrupt him.
"Please leave me alone, Xanth," I seriously said.
Parang sasabog sa matinding sama ng loob ang dibdib ko. Kung alam lang niya na noon pa man ay ganyan na talaga ang trato sa akin ng mommy niya. Siguro nga, nagbubunyagi pa sa saya ang mommy niya noong hiniwalayan ko siya.
"Tigilan mo na 'to. Gusto ko na ng tahimik na buhay." nangingilid ang luha sa mga mata ko habang deretsong nakatingin sa kanya. "Tama na."
"No.. Zekeilah, please.. Ayusin natin 'to." muli ay mahigpit niya akong niyakap. "Babe.."
Napailing-iling ako. "I'm sorry.." Ako na mismo ang unang bumitaw at saka ko ipinihit ang sarili ko papalayo sa kanya.