CHAPTER THREE

3067 Words
PARA AKONG nakakita ng multo pagkakita sa taong hindi ko na kailanman inaasahang makikita ko pa. "X-Xanth??" bulalas ko sa pangalan niya. Mahina lamang iyon at halos ako lang ang nakarinig sa sarili kong boses. Namamalikmata akong nakatitig sa kanya! Kumukurap-kurap pa ang mga mata ko at para na akong kakapusin ng hininga. Hihimatayin yata ako sa lakas ng dagundong ng dibdib ko! Nabigla ako. I didn't expect to see him.. here. Anong ginagawa niya rito sa probinsya? Sinundan niya ba ako? Kinisap-kisap ko pa ang mga mata ko para kumpirmahing siya ang nasa harapan ko.. Subalit, siya nga ito! Ang sabog-sabog niyang buhok at ang gwapo at maamo niyang mukha... Damn! I miss him... Parang binabayo sa lakas ng kabog ang dibdib ko na halos lumuwa na ito sa suot kong tops. "Hi. We meet again, Thaileen Zekeilah," ani Xanth ngunit nakapagtatakang walang kasigla-sigla ang boses niya at maging ang mukha niya ay wala ni karea-reaksyon! "How's you?" Nangunot ang noo ko subalit kahit kabado ay tipid ko pa rin siyang nginitian. "I-I'm good, Xanth Eadric.. Nice to see you again." But, in my mind, it's not really nice that we met again. Hindi ko na dapat siya nakita pa. Tango na lang ang isinagot niya sa akin at muli na siyang tumingin sa harapan at mabilis na pinaandar ang kotse. Nakapagtataka na hindi man lang niya ako nginitian pabalik? That's not the usual manner of Xanth Eadric! He's friendly even with his ex! Why now? Bakit tinanguan niya lang ako? Bakit noong kami pa ay halos abot tenga ang ngiti niya sa tuwing nakikita niya ang mga ex-girlfriend niya? Bakit sa akin..? I am one of his exes but why didn't give a smile on me? Tsk! Magkaka-migraine yata ako neto! Parang gusto ko nang ipara ang sasakyan at maglakad na lang pabalik sa bahay! Saka ko napansin na kanina pa palang nakatingin sa akin sina Camille at Mam Vixen. Napapailing na lamang ako at saka ko ibinaling ang tingin sa labas ng bintana. 'Tsaka... Kaano-ano niya ba si Mam Vixen Mae Monteverde? Bakit sila magkasama sa iisang kotse? Napabuntong-hininga na lamang ako at nanahimik. Mahaba-habang katahimikan. Wala ni isa man ang nagsalita sa amin. Maging si Camille ay nagawa ring itikom ang mala-armalite nitong bibig. Nang sulyapan ko ito ay nakatuon ang sarili nito sa pagkakalikot ng cellphone. "I didn't know na magkakilala kayo?" Basag ni Mam Vixen sa katahimikan na ikinalingon namin sa kanya. Seryoso itong nakatingin sa unahan at naririnig ko ang malalim nitong buntong hininga. Pagkuwa'y nakanguso na itong bumaling kay Xanth at bigla na lamang nangunyapit sa braso. "Babe! I'm asking you! Answer me.." Babe?? Parang piniga ang puso ko. Maliwanag pa sa liwanag ng buwan na may relasyon silang dalawa! Saglit na napalingon si Xanth kay Mam Vixen na seryoso pa rin ang mukha. Nagawa niya rin akong sulyapan na ikinalunok ko. "What is it?" tanong niya sa naglalambing na si Vixen. "Hindi ko kako alam na magkakilala kayo ni Miss Mauricio?" sumandal pa ito sa balikat ni Xanth at isiniksik ang mukha sa leeg niya. Lumingon muna ito kay Vixen at kinintalan ng mababaw na halik ang mapupula nitong labi bago itinuon ang paningin sa manibela. "She's my ex... secretary.." Malinaw na malinaw na ex secretary niya lang daw ako.. at hindi ex girlfriend. "Oh? Really?? Hmm.. Okay, babe! I thought... you know! Hehe." nakabungisngis na tugon ni Vixen at mas lalo pang nagsumiksik kay Xanth. Teka... bakit parang hindi ako makahinga... Naghuhuramentado ngayon ang loob ko at hindi ko matanggap na gano'n ang pagpapakilala niya sa akin. Napahawak akong bigla sa dibdib ko na animo'y tinusok ng walong libong karayom at saka malungkot akong napatingin kay Xanth. Tahimik na nangilid ang luha sa mata ko at agad kong ibinaling ang mukha sa labas ng bintana upang huwag nilang mahalata na naluluha ako. Syete! Ang sakit naman nito! Sabagay kasi... ginusto ko naman 'to.. Kaya pagdusahan ko! Narinig kong bumuntong hininga ng malalim si Xanth kaya lihim akong napasulyap sa kanya. Nagulat ako nang sandali rin siyang sumulyap sa akin sa rearview mirror. Subalit, nalipat rin ang paningin niya kay Mam Vixen na tutok na tutok ang paningin sa kanya na agad na namang nanulis ang nguso. Maliwanag sa loob ng kotse kaya kitang kita ko ang pasimpleng pagirap ni Mam Vixen sa akin ng lumingon ito. "But.. she's also my ex-girlfriend.." "Whaatt??" nagkapanabay pa sa pagkabigla sina Camille at Vixen. Pareho itong napatingin sa akin. "For real??" si Camille na nakanganga pa at namimilog ang mga mata. Nabigla ako. Hindi ko akalain na sasabihin din pala niya ang totoo.. "We just broke up two months ago." patuloy pa rin ni Xanth. Doon naman humiwalay si Mam Vixen sa kanya at tiningnan ako ng nakaismid. Binalewala ko na lang iyon! "Hindi mo na sana sinabi pa." Nakaramdam ako bigla ng inis! Ngunit, agad kong kinalma ang sarili ko. Napapailing na lang din ako sa tingin ng dalawang babae. "She wants to know so I have to." Kalmado pa rin ang pagkakabigkas ng mga linya niya. And, he's talking about his new girlfriend curiosity. Siguro karapatan din namang malaman ni Mam Vixen ang past relationship ni Xanth kaya mas okay na rin yata na sinabi niya iyon. "Don't worry, you're my girlfriend now." anya kay Mam Vixen na nakasimangot pa rin. "Oh my Goodness!! This is awkward! Hahaha!" tawang-tawa na paniningit ni Camille. Ngunit napahawak ito sa dibdib at umarte na nananakit ito. "Ouch.. The past and the present. Riding together with the handsome man whose driving the car! Waahhh! This is so exciting!" She's starting to be noisy as hell again! And so I shook my head and rolled my own two eyes! Bahagyang napalis ang pansamantalang kirot sa dibdib ko. "Shut up, Girl! It's not funny, you know!" Mam Vixen said. She looks upset. She looks pissed while staring at Xanth. "Ano pa ba'ng inililihim mo sa 'kin, babe? Akala ko ba wala tayong lihiman? After asking marriage to me, malalaman ko ngayon na dati mo palang girlfriend si Miss Mauricio? Gosh, babe! Andami mong sekreto, ah? Psh! Tell everything to me when we get there at the resort!" mariing saad nito at sumiring kay Xanth saka nagsumiksik sa gilid ng bintana. Tawa lang ang isinagot ni Xanth sa babae. 'Tama din ba ang nadinig ko? But—it's just two months since we broke up! Really, Xanth?! Naipagpalit mo na nga ako agad-agad tapos ngayon ikakasal ka na? Hindi kaya... Matagal na kayo?! Nagpupuyos sa inis ang loob ko. Parang gustong kong sumigaw at umiyak ngunit pinigilan ko ang sarili ko. Pukol ko ng masamang tingin si Xanth kahit pa nakatalikod. Hindi ko alam kung bakit ansama-sama ng loob ko ngayon! Wala na rin naman akong karapatang sumbatan siya kaya wala akong ibang magawa kundi ang ikalma ang sarili ko. Gano'n pa man nananatili ang paningin ko sa kanya at kay Mam Vixen na nagsisimula na namang maglambitin kay Xanth. Habang si Xanth naman ay parang walang pakealam at walang imik habang nagmamaneho ng kanyang sasakyan! "Xanth Eadric Segovia! Do you hear me, babe??" anang Mam Vixen na ikinalingon naman saglit ni Xanth. "Fine! Fine! Tsk. 'Wag kang masyadong dumikit sa 'kin, Vix. I can't focus on driving!" tugon ni Xanth na mukhang iritable. Para namang napaso ang babae at mukhang napahiya pa. Napabuga ako. Kung alam ko lang na magkikita kaming muli ni Xanth ngayon at mukhang magkakaroon pa ng delubyo ay hindi na sana ako sumama pa sa outing-outing na 'to! Tsk! Napalingon akong bigla kay Camille ngunit ngingisi-ngisi na itong nakatuon sa hawak nitong cellphone. Tsk! Ang loka-loka.. Mukhang masaya pa sa nangyayari ngayon, ah! Pero siguradong patong-patong na naman ang katanungan nito paguwi namin sa bahay! I took a deep breath and take a nap. Gusto kong ipikit ang mga mata at isiping hindi ito nangyayari. Medyo may kalayuan pa yata ang pupuntahan namin kaya't maaari pa akong umidlip. Wala na rin namang nagsasalita at napuno na ng katahimikan ang biyahe namin kaya tuluyan akong nakatulog. I woke up. Hindi dahil sa may yumugyog sa balikat ko o kung anuman, iyon ay dahil sa isang bagay na dumikit sa labi ko. Kaya napamulat ako! Ganoon na lang ang pamimilog ng mga mata ko at halos hindi ko magawang ibuka ang bibig dahil sa mukha ng lalaking nakangiting nakatunghay sa akin. Sa sobrang lapit ng mukha niya ay halos maduling pa ako! "Xanth?!" lumibot ang paningin ko sa loob ng kotse at agad na kumalma ang sarili ko nang mapagtantong wala na sa loob sina Vixen at Camille. Saka ako muling bumaling kay Xanth na nananatiling nakangiti at nakaupo paharap sa akin. "Talagang nagigising ka kaagad kapag hinahalikan kita, 'no?" muli niya akong hinalikan sa labi na ikinapitlag ko kaya't mabilis ko siyang naitulak. "A-Anong ginagawa mo, Xanth?!Bakit mo 'ko hinalikan, huh?! Nandiyan ang bagong girlfriend mo na magiging asawa mo na!" humahangos akong napaayos ng upo at saka ako umatras papalayo sa kanya. Naningkit ang mga mata niya nang tumawa siya ng pagak. "So? She's busy now with her friends.. look!" ininguso niya ang bibig paturo sa kinaroroonan ni Vixen na sinundan naman ng paningin ko. Naroon nga si Mam Vixen sa malapit sa entrance habang nakikipag-usap sa ilang babae, kasama nito si Camille na mukhang tuwang-tuwa rin. "See? She's busy.." Inilipat ko na ang paningin kay Xanth na ngayo'y mas lalong lumawak ang ngiti. Kung kanina ay napakatahimik niya at iritable, ngayong kaming dalawa na lang ay abot-tenga na ang ngiti niya. Kinakabahan na naman ako. Parang gusto ko ng lumundag sa sasakyan ngunit may kung anong pumipigil sa akin! Muli siyang lumapit sa akin at muli na naman siyang dumukwang para halikan ako. Hindi na ako nakapalag dahil nakorner niya na ako! Oo, inaamin kong sobrang miss na miss ko na ang mga halik niya.. Ngunit hindi na ito tama! Kaya muli ko siyang naitulak nang may kalakasan na. "And you are busy cheating too!" Mariing bulyaw ko sa kanya. Umiiling siyang ngumiti. "I'm not." "You are! Lalabas na ako!" Kabado kong utos sa kanya ngunit nakatitig lang siya sa 'kin. "Let's talk first." Pigil niya sa akin ng akma akong tatalikod sa kanya. "Wala tayong dapat pagusapan pa, Xanth!" inirapan ko siya at walang babalang lumabas ng sasakyan at nagmartsa papalayo sa kanya. Subalit, nakakailang hakbang na ako nang maramdaman kong tila may sumusunod sa akin. For sure it was Xanth Eadric. Nilingon ko ito at tama nga ako. "Bakit mo pa ba ako sinusundan? Nando'n 'yong fiancee mo, oh!" itunuro ko ang kinaroroonan ni Vixen at napatingin naman siya doon ng nakangiti. Lalong nagngitngit ang kalooban ko! "Siya ang guluhin mo, Huwag ako!" sabi ko at saka nagpatuloy sa paglalakad. "Mabuti naman at naapreciate mo pa rin ang mga material na bagay na ibinigay ko sa 'yo noon? Like this bag." Nabigla ako sa sinabi niya. Saka ko kinapkap ang sarili ko at doon ko napagtantong hindi ko nadala ang bag ko! Kayat huminto ako sa paglalakad at inis na humarap sa kanya. Nakangiti naman niyang hawak-hawak ang bag na naiwan ko sa kotse niya. Nakasimangot kong kinuha ang bag at muli ko siyang tinalikuran. Muli akong nagpatuloy sa paglalakad. Dinig ko siyang tumawa! "Nanghihinayang naman kasi akong itapon, eh. So I kept it," saad ko na hindi man lang lumilingon sa kanya. Siya naman ay sunod lang ng sunod sa akin. "So you mean, you kept me too." "No." Doon ko siya muling hinarap at kamuntikan pang magkabunggo ang mga mukha namin. Bahagya tuloy akong napaatras at hindi ko magawang tumingin sa mga mata niya. "Balak ko naman na talagang isauli sa 'yo lahat ng ibinigay mo sa 'kin, eh. Just wait. Ipapadala ko na lang sa adress mo." Lumapit siya sa akin at saka niya ako hinawakan sa magkabilang balikat. "Just keep it. Hindi ko ugaling bawiin ang mga bagay na ibinigay ko na. And, relax.. It's just a material things.. Kung may gusto man akong makuhang muli, iyon ay ikaw mismo." anas niya na ikinalunok ko. "Spare me and be loyal with your fiancee, Xanth!" Matagal akong nakatugon. Pinakatitigan niya ako ng maigi. "What if I tell you... I'm not serious with her?" anya sa paos na boses. Tumaas ang isang kilay ko. "Hayan!" Dinuro ko siya! "Dahil ganyan ka kaya nawalan ako ng tiwala sa 'yo! Hindi ko alam kung anong pumapasok diyan sa utak mo! Pinaglalaruan mo lang ang damdamin ng mga babae! Siguro nga, ganyang-ganyan ang sinasabi mo kapag may kaharap kang ibang putahe noong tayo pa, 'no?" nanggigigil kong sabi. Manginig-nginig pa ako sa inis! Ngunit, nagulat ako nang bigla siyang tumawa ng malakas at napahawak pa sa tiyan niya! Tsk! Kaabnormalan! Anong nakakatawa do'n? Nagpalinga-linga ako at baka may ibang makakita sa amin. Nagpapasalamat na lang ako dahil mukhang pribado ang lugar na ito at halos limitado lang ang tao. Nasa madilim na parte din kami ni Xanth at natatakpan pa ng mayabong na sanga ng puno. Natatanaw ko din sina Mam Vixen na nakikipagusap pa rin sa grupo ng mga babae. Napailing-iling ako. Tsk! Hindi man lang hanapin 'tong nobyo niyang sunod ng sunod sa akin! "Hindi mo siya aalukin ng kasal kung hindi ka seryoso sa kanya, Xanth." mahinahon at seryoso kong saad at saka lakas-loob akong tumitig sa mga mata niya. Masakit sa dibdib kapag nababanggit ko ang salitang kasal.. Parang nadudurog ang puso ko. Sumeryoso na rin siya pagkuway. "But, you know na sineryoso rin kita, Zekeilah. Kaso bigla mo naman akong hiniwalayan." napalunok ako. Sa tulong ng kaunting liwanag na tumatanglaw sa amin ay nakita kong lumalam ang mga mata niya. "At saka ikaw rin ang hinahanap-hanap nito.." Kinuha niya ang isang kamay ko at ipinatong niya iyon sa dibdib niya at ipinadausdos niya iyon pababa sa puson niya! Biglang kong binawi ang kamay ko na tila nakuryente nang maramdaman ko ang maumbok na parte ng katawan niya! Salubong ang mga kilay kong nahampas siya sa dibdib. Uminit bigla ang katawan ko! Subalit, gayon na lamang ang pagwewelga ng mga kalamnan ko nang kabigin niya ako para yakapin ng mahigpit. Sobrang higpit! Ngunit nagpumiglas ako kaya nakawala ako. "Pervert! Tsk! Kahit kailan di ka pa rin nagbabago!" sobrang lakas ng kabog ng dibdib kong tinalikuran si Xanth. Lulugo-lugo akong binilisan ang paglalakad patungo sa kinaroroonan nila Camille. Halos takbuhin ko na ito! Nakahinga ako ng maluwag ng makarating ako sa kinaroroonan ng mga ito nang hindi na nakikita pa ang anino ni Xanth. "Hey! Zekeilah, gising ka na pala!" ani Camille na kumaway pa sa akin nang makita niya akong nakalapit na sa kanila. Inirapan ko siya ng pagkasama! "Ay hindi! Tulog pa siya! Nandoon pa siya sa kotse at humihilik pa!" naiinis kong bulyaw na ikinangisi niya lang. "Tsk! Bakit mo ba 'ko iniwan sa kotse? Ni hindi mo man lang ako ginising para sana sabay-sabay tayong pumasok rito!" Kinuha niya ang braso ko at saka niya ako iniharap sa mga kausap nila kanina. Pinagtitinginan naman ako ng mga ito nang may pekeng ngiti sa labi. "Huwag ng mainitin ang ulo.. syete ka! Sarap kasi ng tulog mo, eh! Hahaha! Kaya hindi kita ginising para mamaya gising na gising 'yang diwa mo! Antukin ka pa naman, eh, kaya hinayaan muna kita. Gigisingin naman talaga kita kaso naunahan mo na ako. Andito ka na. Hehehe!" Bulong niya at nag-peace sign pa! "Tsk! Hindi mo na sana ako pinilit pang sumama dito! Sirang-sira ang gabi ko, eh!" singhal ko. Naiinis ako. Ewan ko ba kung dahil ba kay Xanth o dahil sa hindi ako ginising ni Camille? Pareho yata! Sinimangutan ko siya ng todo. Hinaplos niya ang buhok ko saka ngumiti ng ubod-tamis. "Relax, besh! 'Tsaka, ikaw, ha? Andami mong hindi naiku-kwento sa akin! I-chika mo 'to sa akin bukas, ha?" "Ewan ko sa 'yo!" Siniringan ko siya. "Babe, where have you been? Bigla ka na lang nawala sa tabi ko," rinig kong tanong ni Mam Vixen habang maarteng sumalubong sa papalapit na si Xanth. "I went to the bathroom." ani Xanth na lihim na sumulyap sa 'kin. Napalunok ako at para na namang hinahabol ng kabayo ang paghinga ko. Sulyap lamang iyon ngunit bumaon iyon sa kaibuturan ng mga laman-laman ko. Syete! Kailangan na kitang alisin sa sistema ko! "Uh, really? Bakit antagal mo naman? Are you sure sa bathroom ka lang pumunta?" Dinig kong tanong nito. Tiningnan lang ito ni Xanth kaya't kumibit na lang balikat si Mam Vixen. Saka nito inihinarap si Xanth sa mga babaeng kausap na halatang kinikilig. "Uhm, guys, meet my boyfriend, Xanth Eadric Segovia. Babe, meet my friends." pagpapakilala ni Mam Vixen. Sabay-sabay naman na nagbatian ang mukhang haliparot na mga babae at naguunahan pang makipagkamay kay Xanth. "Kyaaahh!! I know him gurl! Dati siyang sikat na actor at sikat din siyang model! He's Eadric! Hello, handsome! Nice to meet yah! I'm Kimberly!" "Oh my gosh! Siya ba 'yon?? Oh my Eadric!!! I'm Katelynn!" "Oh my gosh! Ang hunk ng boyfriend mo, Vix!" tili ng isa at napapapilipit pa sa tabi. "Napakapogi mo sa personal pala, Eadric!" "Hi." tipid na saad ni Xanth at mukhang napipilitan lang ngumiti at makipagkamay. "I told yah!" nakangisi namang tugon ni Mam Vixen na agad kong ikinainis nang sulyapan ako nito at irapan ako. Kung hindi lang ito manager ng pinagtatrabahuhan ko ay tinusok ko na ang mga mata nito! "You're so lucky!" hirit pa ng isa. "I am. Ako na yata ang pinaka-maswerteng babae ngayon dahil mayroon akong Xanth Eadric na wala ang iba! Right, babe?" malanding sambit ni Vixen na muli na namang pumulupot kay Xanth! Nakita kong nakangiting napapailing na lamang si Xanth sa mga pinagsasasabi ng nobya niya at saka hinalikan niya ito sa mismong harapan namin! Ang mga haliparot ay nagsitilian naman! Samantalang ako ay nagngingitngit sa inis! Parang gusto ko tuloy isiwalat na naligaw iyang lalaking 'yan kanina at nagnakaw pa ng halik sa ex-girlfriend niya! But, I keep my mouth shut! Ayaw ko ng gulo. Ayaw kong manggulo! "Halika ka na sa cottage natin at para makapagpalit na tayo ng panligo! Nandirito tayo para mag-swimming hindi para magkwentuhan na lang! Hayyy ano ba 'yan!" ani Camille at hinila na ako papunta sa cottage na ipina-reserved nila bago pa kami pumunta rito. Ni hindi na namin hinintay ang iba at tinalikuran na namin sila. Mabuti pa nga at baka sumabog na ako sa inis sa kanilang dalawa!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD