Warning: SPG "ARE YOU HAPPY?" Tanong ni Xanth habang mahigpit na nakayakap sa likuran ko. "Na-surprised ka ba, babe?" Tumango ako habang nagpupunas ng luha na naguunahanga bumagsak sa pisngi ko. "Then why are you crying?" Sinilip pa niya ang mukha ko at tinulungan akong punasan ang pisngi ko. "Tears of joy," tugon ko. "Oh, okay. This room is obviously for our baby. Inihanda ko na 'to two months ago pa. Kaya nga diba gusto na kitang isama dito para makita mo 'to personally." Inilibot ko ang paningin sa kabuuan ng kwarto na para sa magiging baby namin. Purong puti ang kulay ng pintura no'n. Maging ang mga gamit na para sa baby namin ay halos puti. Kung susuriin kong lahat ay halos kumpleto na iyon. Maging ang mga gagamitin at isusuot ko sa panganganak ko ay meron na rin doon, nakalata

