ISANG LINGGONG nanatili ng hospital si Camille upang siguruhin na maayos na ang kalagayan nito. Nagkaroon din kasi ng impeksyon ang dugo nito matapos makunan. Matinding gamutan ang ginawa sa kanya hanggang sa makarekober. At pagkalabas nga ay agad na silang bumalik ng probinsya upang muling asikasuhin ang naunsyami nilang kasal ni Brent. Minsan pang tumutol ang mga magulang ni Camille dahil sa nangyari ay wala na rin silang nagawa sa naging pasya ng kaibigan ko. Buo na ang desisyon ni Camille na magpakasal kay Brent at handang kalimutan ang lahat ng nangyari. At bilang matalik nitong kaibigan na higit na nakakaunawa ay hindi ko na rin kinuwestiyon pa ang totoong dahilan kung bakit ninais pa rin ni Camille na matuloy ang kanilang kasal. Sa kabila kasi ng nangyari sa kanila ni Brent, alam

