CHAPTER NINETEEN

2922 Words
MAGBI-BENTE minutos na ay hindi pa rin bumabalik si Xanth sa kwarto ko. Nagtataka na ako kung bakit! Ang sabi niya ay aalamin niya lang ang nangyayari sa labas pero hanggang ngayon ay hindi ko pa makita ang anino niya! "Ano naman kayang mayroon sa labas?" Mahina kong bulong. Pilit kong pinakakalma ang sarili. Hanggang ngayon kasi ay nilulukuban pa rin ako ng kaba. Kahit na nga nabawasan na ang hiyawan sa labas ng bahay ay nararamdaman ko pa rin ang malakas na kabog ng dibdib ko. Animo'y after shock! Tsk! "Nasaan na ba kasi 'yang si Xanth??" Pinakiramdaman ko ang sarili at nang masigurong wala akong ibang nararamdaman bukod sa kaba ay minabuti ko ng lumabas ng kwarto. "I want to know what's happening!" Saktong pagkalabas ko ng kwarto ay siya namang paglapit ni Nanay Suling sa akin. Seryoso ang mukha nito at tila balisa. Lumapit na ako dito at hinuli ko ang mailap nitong tingin. "Nay, ano ho bang nangyayari sa labas? Hindi na ako mapakali sa loob ng kwarto ko kaya kahit na pinagsabihan ako ni Xanth na huwag lalabas ay lumabas na ako. 'Tsaka, asan ho ba si Xanth?" Sunod-sunod kong tanong. Nagpalinga-linga pa ako at tinanaw ko ang salas. Umaasang makikita ko roon ang anino ni Xanth Eadric ngunit wala ito roon. Maging si Camille ay hindi ko malaman kung nasaan na. Naramdaman kong hinawakan ako ni Nanay Suling sa braso at marahan iyong hinaplos. Napatingin naman ako sa kamay nito bago ko inilapat ang tingin sa mukha nito. Napakalungkot ng awra niya. Hindi ko alam kung bakit. "Nay, may problema ho ba? Ano ho bang nangyari sa labas?" Umiling-iling siya at pilit akong nginitian. "Nak, magpahinga ka na lang sa kwarto mo. Dadalhan kita roon ng pagkain mo," anito at ipinihit ako pabalik sa kwarto ngunit nagmatigas ako at hindi ako umaalis sa kinatatayuan ko. "Nay, hindi niyo ho sinasagot ang tanong ko. Ano ho bang nangyari sa labas? Bakit biglang umingay kanina? At si Xanth? Nasaan ho siya?" Pinakatitigan niya ako sa mata at nakita ko sa mukha niya ang bakas ng matinding awa. "Nay—" naputol ang sasabihin ko nang biglang sumulpot si Mommy Cris habang nakangiting iginigiya ang kasama nitong babae sa salas. Bigla akong nakaramdam ng kakaibang kaba pagkakita ko sa babae! Sino 'yon? At bakit parang pamilyar sa akin? Nang mapadako ang tingin ko kay Mommy Cris ay bigla akong nakaramdam ng tuwa. Nawala ang pangamba ko na baka iwan ako nito. "Nay Suling, can you get some juice for my visito—" naputol din ang sasabihin ni mommy nang makita ako. "Oh! Hi, baby! Come over here!" Aya nito sa akin. "Sige na, 'nak. Lumapit ka na muna sa kanila. Kukuha lang ako ng maiinom ninyo at dadalhin ko diyan sa salas. Maiwan ko muna kayo," ani Nanay Suling at tumalikod na sa amin. Nakangiti na akong lumapit kay Mommy at agad akong yumakap sa kanya. Yumakap din siya pabalik sa akin at bahagya pang hinaplos-haplos ang likod ko. Pagkuwa'y naghiwalay na kami. "By the way, baby, meet Kimberly Jade Watson. My best friend daughter. Her mom is filipina also and her dad is a british soldier just like your dad," masayang pagpapakilala ni Mom sa babae. Saka niya ako hinawakan sa braso at ipinakilala rin sa bisita. "Kim, meet my long lost daughter, Thaileen Zekeilah." "Oh, hi! So, you're Thaileen Zekeilah," may kakaiba sa tono ng salita nito. I can't figure out what it was. I can't explain it. "Glad to finally meet yah!" Nahalata ko na pilit ang ngiting ipinakita nito sa akin habang inilalahad ang kamay. Naramdaman ko rin ang kakaibang titig nito sa 'kin. Ngunit, binalewala ko iyon. Nakangiti ko pa ring inabot ang kamay nito. "Hello," tipid kong bati at agad ko ng binawi ang kamay ko. "Come on, babies! Doon na tayo sa living room magusap," ani Mom at inakay na kami ni Kimberly. Tumaas ng bahagya ang kilay ko nang angkinin nito ang dalawang braso ni Mommy at naglakad na sila papuntang salas. Naiwan ako sa likod. Okay. Fine. Maybe I need to understand it kasi mukhang close na close sila noon pa. Sumunod na lamang ako sa kanila na walang imik. Doon ko rin napansin na mas matangkad sa akin si Kimberly. Mas skinny ito kaysa sa akin. Mas flawless ang balat nito at halatang nanirahan sa ibang bansa. Napaka-elegante din ng suot nitong damit. Naka-fitted purple dress ito at napakataas pa ng takong ng sapatos. The way she walk, para itong modelo na napapanood ko fashion show. Oo nga! Parang nakita ko na talaga ito! Parang nakita ko na ito somewhere. Pero, iniisip ko kung sa personal ko ba ito nakita o baka sa picture lang? I'm not so sure.. Tinitigan ko ang mukha nito pagkaupong-pagkaupo ko sa pangisahang sofa. Hindi ko mapigilan ang kuryusidad. Gusto kong magselos dahil imbes na ako ang katabi ng mommy ko ay ito pa ang nagsusumiksik sa tabi ni mom. Nagulat ako nang sulyapan ako nito at tila inirapan ako! Hindi ko alam kung namamalikmata lang ba ako o talagang inirapan ako nito?! Tsk! Bumuntong-hininga ako at pilit na nilalabanan ang inis na namumuo sa dibdib ko. Minabuti ko na lang na alisin dito ang paningin at inaliw ang sarili ko sa chandelier na nasa kisame. Nang may maalala ay tumingin ako kay Mommy Cris. Iniiwasan kong makita ang mga mata ng katabi nitong babae. "Mom, saan ka po ba nagpunta kanina? Hinanap ka namin, eh. 'Tsaka po si Dad? Bakit hindi pa po siya umuuwi?" "I'm sorry, baby, hindi na ako nakapagpaalam. Na-excite lang ako ng malaman kong nasa airport itong si Kim. Sinundo ko siya roon. And about your dad, mamaya pa iyon makakauwi. Katawagan ko siya kanina. Don't worry about him." Tumango-tango ako. "Okay," tipid kong tugon at muling nanahimik. "So, are you staying here for good na ba, Kim?" Dinig kong tanong ni Mommy Cris nang ibaling niya ang tingin sa katabi. Muli na naman tuloy akong napatingin dito! Nakita kong kumislap ang paningin ni Kimberly nang titigan ako bago nito inilipat ang paningin kay Mom. "Yes, tita. I accepted Xanth's proposal. So, I decided to stay here na." Muli itong tumingin sa akin at biglang ngumisi. Kilala nito si Xanth? How come?? Kung sabagay, kilala naman talaga si Xanth at ang companya nito sa buong mundo. Pero.. Ano namang proposal? Madaming uri ang pag-propose. "Xanth's proposal? What kind of proposal is that? Is that about business or what? Just asking." Naging tanong ko nang mag-sink in sa utak ko ang sinabi nito. Curiosity strikes me again! Kumibit ito ng balikat. "Hmm.. Secret! Hindi ko pa pwedeng sabihin. Hanggang hindi pa napa-finalize ang usapan namin." Gladly, marunong itong managalog. Hindi ako mahihirapang kausapin ito. "Hindi pa napa-finalized? Tinanggap mo na 'yong proposal niya, it means na-finalized niyo na. Bakit hindi mo pa sabihin kung ano o bakit siya nag-proposed sayo?" Napatingin sa akin si Mommy dahil sa naging katanungan ko at marahil sa tono ng boses ko. "Ohhh... Sounds sarcastic," anito at natawa. "Fine! Xanth Eadric proposed me as his company model. And.. Don't you recognized me?" Umiling ako na ikinataas ng kilay nito. "I am Kimmy Watson, for godsake! Ugh! I am an international model and kilala ako sa mundo ng fashion. Kilala ako all over the world! And that's why, Xanth choose me again dahil.. You know! Wala raw siyang makuhang kasing-ganda at kasing-sexy ko." Napaangat ang sulok ng bibig ko sa kayabangan nito ngunit hindi ko ipinahalata iyon. I don't think na sinabi iyon ni Xanth sa kanya. Ako lang ang maganda at sexy sa paningin ng fiancee ko! Tsk! Asa ka gurl! Hmm.. Kaya naman siguro umingay kanina dito dahil nandirito ito ngayon. Marahil, sikat ngang talaga ito. "Xanth chose you again.. Ibig bang sabihin, dati ka na niyang modelo?" Iyon ang isa sa tumatak sa isip ko sa dami ng mga sinabi nito kanina. Ngumiti ito sa akin ng ubod-tamis at saka ako tinitigan ng matagal. "Yeah. I am, Thaileen Zekeilah," anito at muling ngumisi bago ibinaling ang tingin kay Mommy. Napatango-tango na lamang ako habang napapantastikuhan sa mga tinginan nito at sa paraan ng pagsasalita nito. Naaartehan ako. "Tumira na si Kimberly dito, baby. She left the country five years ago," sabad ni Mommy. Muli akong tumango-tango. So, dati na rin pala itong tumira dito sa pilipinas at dati na ring nagtrabaho sa The Big Company Clothing Lines. Matagal na silang magkakilala ni Xanth kung gano'n.. Tipid kong nginitian si Mom at hindi na ako nagabala pang usisain ang pagkatao ng bisita niya. "Where did you want to stay, sweetie?" Tanong ni Mom sa katabi niya. "Hmm.. In my condo, tita. In BGC," tugon ni Kimberly. Sa layo ng BGC mula dito sa probinsya, paniguradong dito na ito matutulog. Imposibleng bumiyahe pa ito papuntang maynila! Tsk! Ayoko ng makinig sa usapan nila kaya nagbingi-bingihan na ako. Nasaan nga ba si Xanth?? Saan ba ito sumuot? 'Tsaka si Camille? Umuwi na ba ito sa kanila? Tatanungin ko sana si Mommy nang biglang dumating na si Nanay Suling na may dala-dalang tray. Inilapag nito sa hugis oval na center table ang tray na naglalaman ng apat na basong orange juice at isang box ng pineapple pie. Natakam ako sa pie kaya hindi na ako nagatubiling kumuha ng isang piraso. Subalit nang isusubo ko na iyon ay nanuot sa ilong ko ang amoy ng pinya. Bago pa man bumaliktad ang sikmura ko ay agad na akong tumayo. "Punta lang ako sa banyo. Excuse me." Hindi ko na tiningnan pa ang naging reaksyon nila pagalis ko dahil sa nagmadali na ako. Pagpasok ko sa banyo ay dumuwal agad ako. Tsk! Napahawak ako sa tiyan ko at hinaplos-haplos iyon matapos kong magsuka. Kaagad ko ng kinalma ang sarili ko at nagmadaling lumabas ng banyo. Pagkalabas ko ay tumungo ako sa kusina para kumuha sana ng maiinom na tubig kaso pagdating ko doon ay naroon si Xanth at abala sa pagluluto ng lasagna! Nakatalikod siya sa 'kin kaya hindi niya ako napapansin. Para kanino 'yong lasagna? Gayong hindi naman ako kumakain no'n? Minabuti ko ng lumapit. Tumikhim ako at sumandal sa may lababo. Gulat na napatingin sa akin si Xanth. I don't know why. "Zekeilah? Ba't ka lumabas ng room mo?" Zekeilah?? Hindi na 'babe'? Bigla akong nainis sa naisip ko. "Hindi naman siguro ako preso para ikulong niyo sa sarili kong kwarto, Xanth," seryoso kong tugon. Ipinagkrus ko ang mga braso ko at tiningnan ang ginagawa niya. "T-That's not what I mean," nakangisi niyang sambit habang inililipat ng lalagyan ang nilutong pagkain. "Do you like this?" Tanong niya sa akin nang mapansing titig na titig ako sa lasagna. Nakangiwi kong inilipat ang tingin sa kanya. "Alam mong hindi ako kumakain niyan, Xanth. Siguro, para 'yan sa bisita ninyo ni Mommy Cris. Tama ba ako?" Deretsahan kong tanong. "Zekeilah.." Nabitawan niya ang sandok at nilapitan ako pero sinenyasan ko siyang tapusin ang ginagawa. Tumalikod ako at kumuha ako ng malamig na tubig sa ref. Nagsalin ako sa baso at inisahan kong nilagok iyon. Saka ako malalim na bumuntong hininga. "She's so lucky. Mayroon siyang chef cook na kasing-gwapo mo." "Are you jealous? Nagseselos ka ba dahil ipinagluto ko si Kimmy?" Kimmy? At tinawag pa niya talaga sa palayaw ang empleyado niya? Nagulat ako nang maramdaman ko siya sa likuran ko. Humarap ako at tinitigan siya sa mga mata. "Bakit naman ako magseselos? May dahilan ba para magselos ako?" "Wala.. Babe.." Mas lumapit pa siya sa 'kin. "Huwag kang magseselos doon, okay?" Napabuntong-hininga ako saka tumango. Isinukbit ko sa batok niya ang mga kamay ko at hinalikan ko siya. Nang matapos kami sa paghahalikan ay itinulak ko siya ng bahagya. Iniharang ko ang dalawang kamay ko sa dibdib niya. "Hindi ako magseselos kahit sino pa man ang lumapit sayo, babe." Ipinakita ko sa kanya ang singsing ko na ibinigay niya sa 'kin at saka ako ngumisi. "Hanggang suot ko ang singsing na 'to, akin ka. Walang sinuman ang makakaagaw sayo." Ngumisi si Xanth at saka ako muling hinalikan subalit nahinto kami nang biglang may tumikhim sa likuran namin. Pareho kaming napatingin ni Xanth dito at nagulat ako dahil si Kimberly iyon! "Oppss! Sorry.. I just wanna get the food Riccy cooked for me." Riccy? At talagang may tawagan sila, ha? At sa ikanapagtataka ko ay iniwan ako ni Xanth at halos mataranta siya sa pagkuha ng maliit na bandehado. Kumuha rin siya ng isang platito at tinidor sa dish cabinet. Nang lumipat ang paningin ko kay Kimberly ay nakita kong nangingiti ito habang sinusundan ang kilos ni Xanth. Muling dumako ang paningin ko kay Xanth. Masigla itong lumapit kay Kimberly habang inaabot ang platitong may lamang lasagna. Inabot naman iyon ng babae ng nagingiti pa rin. "Taste it," ani Xanth. Nakita ko pa ang paglunok niya na para bang kabado sa magiging reaksyon ng kaharap. Matapos sumubo ng lasagna si Kimberly ay ilang segundo pa bago ito nag-react. "It's perfect, riccy! I miss this! You really know what my favorite is," anito at humalik pa kay Xanth na ikinagulat ko! Napanganga ako at hindi makapaniwala. Parang sinipa ng malakas ang dibdib ko. Bahagya pa akong napaatras sa kinatatayuan. Marahil napagtanto nilang nasa paligid lamang nila ako kaya't taranta silang lumayo sa isa't-isa. Nagpalipat-lipat ang paningin ko sa kanilang dalawa. "B-Babe.." Napapalunok na sambit ni Xanth. Hindi siya makatingin sa 'kin. "We're just friends, Zekeilah. No worries," natatawang sambit ni Kimberly at agad na kami nitong tinalikuran. "S-She's just like that. Walang malisya 'yon. Walang ibig sabihin samin. 'W-Wag kang magagalit sa akin, babe," ani Xanth at hinawakan ang kamay ko nang makalapit sa 'kin ngunit tinabig ko 'yon at ipiniksi ko ang kamay ko. "Dapat pala hindi na lang ako lumabas pa." Napayuko ako at napahawak ako sa tiyan ko. "Babalik na ako sa kwarto ko." Kaagad ko na siyang tinalikuran at nagmamadaling tinungo ang kwarto. Alam kong hindi niya ako susundan dahil naroon sa salas ang friend niya. At tama nga ang hula ko. Hindi nga siya sumunod sa 'kin. Napabuntong-hininga ako at kaagad kong ini-locked ang pinto. Saka ako parang nanghihinang nahiga sa kama. Ramdam ko ang malakas na kabog ng dibdib ko at ang kaunting kirot doon. Pero, hindi ako umiyak. Bakit ako iiyak? Akin si Xanth at fiancee niya ako! Nasasaktan lang ako dahil hinayaan niyang halikan siya ng kimberly na 'yon! At kung pwede ko lang itaboy sa bahay si Kimberly ay ginawa ko na! Kaso, ayokong magalit sa akin si Mom. Anak ito ng bestfriend niya. Lalong hindi rin magugustuhan ni Xanth oras na gawin ko iyon lalo pa't magiging katulong niya ito sa pagpapalago ng negosyo niya. Kailangan kong kumalma ulit kahit masakit sa puso. I really have to. For the sake of my baby. Napahawak akong muli sa tiyan ko nang maramdaman kong may gumagalaw doon! Napabangon ako sa kama at pinagmasdan ang tiyan ko! Is my baby starting to kick? Nang muli iyong gumalaw ay sobrang nalungkot ako pero nakaramdam din ako ng tuwa. "Oh my god! Baby ko.. Sorry.. Medyo nakaramdam si Mommy ng selos at kaunting inis kanina. I didn't mean it. Naapektuhan ka ba? I'm so sorry.." Nangilid ang luha ko sa pakikipagusap sa baby ko. Sakto namang bumukas ang pinto ng kwarto ko. Bigla akong napatingin doon. "Baby? Why did you locked the door?" Patakbo akong nilapitan ni Mommy Cris at nang mapansing umiiyak ako ay kaagad niya akong niyakap ng mahigpit. pagkalapit niya sa 'kin. "Why are you crying?" Hinahagod-hagod pa niya ang likod ko. Bago pa ako makasagot ay kumalas siya sa 'kin at saka hinawakan ang mukha ko gamit ang dalawa niyang palad. "Baby, nagseselos ka ba kay Kimberly?" Napatitig ako sa mga mata ni Mommy Cris. Umiling ako dahil ayokong aminin sa kanya na gano'n nga ang nararamdaman ko. Marahan ko ng tinanggal ang pagkakahawak niya sa mukha ko at saka ako humiga sa kama. Pumikit ako at muling hinawakan ang tiyan ko. "Umiyak po ako dahil naramdaman kong gumalaw ang baby sa tiyan ko, Mom," sabi ko habang nakapikit pa rin. "Is that so? But, why did you cry instead of rejoicing? Aren't you happy with that?" Hinawakan niya ang tiyan ko at hinaplos-haplos iyon. "But you know what baby? All I thought is, nagseselos ka kay Kim dahil hinatid siya ni Xanth sa Manila ngayon." "What?" Naimulat kong bigla ang mga mata ko at mabilis akong bumangon. Dinig ko ang malakas na kabog ng dibdib ko at para akong hindi makahinga. "U-Umalis po si Xanth ng hindi ko alam?" Ramdam ko na ang pangangatal ng bibig ko. Napaawang ang bibig niya at ilang segundong natigilan. Nang matauhan ay agad niyang hinawakan ang kamay ko. "Baby, I thought alam mong umalis sila na magkasama? Pumunta sila dito kanina sa room mo at ang sabi ay magpapaalam sayo. Hindi mo ba sila nakausap?" Umiling ako at agad akong napasubsob sa mga kamay ko. Parang tinusok ng maraming beses ang dibdib ko sa nalaman. Hindi ko akalain na gagawin 'to sa 'kin ni Xanth. Bakit siya umalis ng walang paalam? Bakit hindi man lang niya inisip ang mararamdaman ko? Gayong alam naman niya na nagseselos nga ako sa babaeng kasama niya! Hindi ko alam ang totoong relasyon nila. At hindi rin ako tanga para maniwala na walang malisya ang ginawang paghalik ni Kimberly. Napansin ko rin na ninamnam iyon ni Xanth. And the way Kimberly staring at me and the way she smiled... parang may madilim siyang binabalak sa relasyon namin ni Xanth Eadric.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD