"HERE'S your vitamins, babe." Kaagad kong kinuha ang dalawang tableta na inaabot ni Xanth at saka ko iyon magkasunod na ininom. Inisahang lagok ko rin ang tubig na inabot niya. "Babe, your tummy is getting bigger na. Your bump is so cute," anya habang nakatingin sa tiyan ko. Ngunit, hindi niya ako magawang hawakan dahil ilag siya sa 'kin ngayon. "Ilang buwan pa ay lalaki at lalaki na ang baby natin sa tiyan mo." Tango lang ang tanging isinagot ko. Ni hindi ko rin siya tinitingnan. Itinutuon ko ang atensyon sa pagsusuklay ng buhok ko sa harapan ng tukador. "Babe.. Can we talk? Coz I.. I have something to tell you." Doon na ako dahan-dahang lumingon sa kanya. Nakita ko ang pagiging kabado niya base sa ekspresyon niya. "I.. I have to go back to Manila. Mayroon lang akong kakaharaping

