Chapter 1: kidn*pped

3230 Words
Kieyrstine Lee's POV Wala sa sarili akong naglakad palabas ng building namin. Tinignan kong muli ang hawak kong papel kung saan nakalagay ang aking mga marka sa unang semestro. Paano ko ito ipapakita kina Mom at Dad? Napanguso nalang ako habang mangiyakngiyak pang nakatingin sa papel. Paniguradong sermon at pagpapahiya na naman ang aabutin ko nito kay Dad. Ipinangako ko pa naman na gagalingan ko na.. Pero ito ang bababa parin ng mga marka ko. Pinahiran ko ang mga luhang nagbabadya pa lang na tumulo sa mga mata ko. "Kieyrstine!" Muntik ko nang maipasok ang darili ko sa mata sa gulat nang sumulpot si Sheena sa harap ko. "O-oh? Sheena.." Usal ko at pilit na ngumiti sa kaniya. Agad kong itinago sa likod ko ang papel na hawak. "Oh? Hahaha! Anyare riyan sa mukha mo?" Tanong niya at humagalpak pa ng tawa kaya sinamangutan ko siya. "Nakuha mo na ba grades mo?" Nanlaki ang mata ko at napalunok. "H-ha? Ahh.. Oo." Kinakabahang sagot ko sa kaniya at nagpauna nang maglakad. "So ano na? Yieee magiging detective na siya oh!" Hinabol niya ako sa paglalakad para lang tusukin ang tagiliran ko. Inis ko namang tinabig ang kamay niya. Lintek ang babaeng 'to oh! "Aish!" Inis kong sabi at muling itinuloy ang paglalakad. Nagulat nalang ako nang bigla niyang hilahin ang buhok ko paibaba. "Ano ba!" Inis kong singhal at sinamaan siya ng tingin. "Bagsak na naman ba?" Nag-aalalang tanong niya. Hindi ako sumagot at napayuko na lang. Nagulat ako nang bigla niyang hablutin sa kamay ko yung papel kung saan nakalagay ang mga grades ko. "Sheena!" Sigaw ko at pilit na inagaw sa kaniya ang papel. Peste talaga! "Malalaki naman ng mga grades mo ah?" Sabi niya habang inangat pa yung papel sa ere. Mabilis ko naman iyong kinuha sa kaniya. Feeling matangkad din ang babaeng ito eh! Itinaas pa, kala niya 'di ko maaabot. Tss. "'Yan ba ang malaki sa iyo ah? Puro tres?!" inis kong sabi at agad na isinilid sa bag yung papel. "Hahahaha! Ano ka ba! Malaki na 'yan kung ikukumpara mo sa dati mong grades." tatawa-tawa niyang sabi sa akin kaya pinanlakihan ko siya ng mata. "Tss, kahit na! Paano ko 'to sasabihin kina Mom at Dad!" mangiyak-ngiyak ko muling dagdag. "Bakit ba kasi ang bobo ko! Ginawa ko na naman lahat ah? Wala na nga akong kain! Wala pa akong tulog! Lahat ginawa ko para mag-aral ng maayos pero bakit ganito parin?! Sheena, sabihin mo nga, bobo ba ako?!" Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat at niyogyog. "Kieyrstine... alam mo maganda ka naman eh--- aw!" daing niya nang makatanggap siya ng batok mula sa akin. "Walangya ka talaga 'no?" inis na sabi ko at muling naglakad paalis. Mabilis naman akong hinabol nung gaga na tatawa tawa pa rin. Ghad! Kaibigan ko ba talaga 'to? "Woi, Kieyrstine! Ano bang masama sa sinabi ko? Maganda ka naman talaga---" "Oo alam ko, pero hindi iyon ang tinatanong ko. Ang tinatanong ko kung bobo ba ako! Oo at hindi lang ang sagot, Sheena." putol ko sa sinasabi niya at huminto pa para lang harapin siya at bungangaan. "Taray ng 'oo alam ko' ah? Joke lang naman 'yong maganda ka gaga hahaha--- aray! Ano na naman ba!" singhal niya sa akin nang makatanggap na naman siya ng batok. "Sige isa pang tawa, Sheena, isa pa.." Nauubasan ng pasensyang aniya ko. Nakakainis lang kasi. Wala ka na nga sa mood, pagtatawanan at pagti-tripan ka pa. "Ito na nga magseseryoso na… " Nakapout niyang sabi. "Tch, Magseryoso ka riyan mag-isa!" sabi ko at padabog na umalis sa harap niya. "Kieyrstine naman eh, hahaha oo nga, aayos na ako. Gaga ka kasi pinapatawa lang kita. Stress na stress ka sa grades mo, eh." Sabi niya at sinabayan ako sa paglalakad. "Tsk! eh, kasi wala sa lugar ang pagpapatawa mo. Imbes matawa ako baka mapatay pa kita nang wala sa oras." sinamaan ko siya ng tingin at napakamot naman sa ulo ang gaga. "Hahaha, yung tanong mo kasi eh amp!" Huminto ako ulit sa paglalakad at hinarap siya. "Oh, anong meron sa tanong ko?" Parang naghahamon kong tanong sa kaniya. Parang may gustong sabihin eh, bwiset! "Alam mo Kieyrstine, masyado kasing mababa tingin mo sa sarili mo kaya ganiyan, hindi ka nag-iimprove. Kung alam mong ginagawa mo ang best mo, dapat matuwa ka sa mga nakukuha mo. 'Wag mong isiping kulang parin, makontento ka. Kung hanggang saan ang kaya mo, wag mo na pilitin sarili mo. Sige ka mababaliw ka niyan..." Sabi niya at napasimangot nalang ako. "Hindi ka bobo, Kieyrstine.." sabi niya at inangat ko agad ang tingin ko sa kaniya. Maluha-luha ang mga mata ko dahil sa napakagandang payo na narinig ko. "Talaga?" tanong ko at tumango naman siya kaya napangiti ako. Matino naman pala kausap eh.. Kailangan lng palang batukan. "Tanga ka lang talaga. Bwahahahaha!" biglang dagdag niya at humagalpak na naman ng tawa. "Isipin mo, encircle the letter of the correct answer pero pinusuan mo yung mga sagot. Hahahaha wag kasing nagpapantasya pag oras ng exam." sabi niya at tinapik pa ang braso ko. "Sheena! Isa nalang talaga at mapapatay na kita! Nanggigigil na ako sa'yong bruha ka!" inis kong sigaw sabay hubad nung sapatos ko at akmang ibabato sa kaniya pero tumakbo na palayo ang walanghiya. "See you mamaya, Kieyrstine. Kain muna ako sa canteen! Labyu muwah!" Sigaw niya at nag flying kiss pa. "Madapa ka sana bwisit!" Sigaw ko at nanlaki nalang ang mata ko nang madapa nga ang gaga. Lah? Nagdilang anghel ako amp! Ako naman ngayon ang halos gumulong sa kakatawa dahil sa nangyari sa kaniya. Buti nga sa kaniya! Muli kong itinuloy ang paglalakad palabas ng campus at nagtaka nang makitang walang tao sa guard house. Nakasanayan ko na na kasing magpaalam kay Kuyang Guard sa tuwing lalabas ako ng gate pero nakakapagtakang ngayon ay wala siya. Saan na naman kaya nagsususuot ang gwardiya na 'yon. Dahil sa todo kakasilip ko sa loob ng guard house kahit nakalabas na ako ng campus ay aksidente kong nakabangga ang isang manong na naka-cap. "Naku! Sorry po! Sorry po hindi ko sinasadya." taranta kong sabi nang mahulog yung maliit na box na dala-dala niya. Nagkalat sa sahig ang iilang mga libro at gamit na agad ko namang tinulungan siya na ibalalik. Tsk, Ano ba naman Kieyrstine. Bobo ka na nga tatanga-tanga ka pa. Palihim kong sinermonan ang sarili ko. Napahinto akong bigla sa pagpupulot nang makita ang isang hugis susi na keychain sa sahig. Woah ang ganda naman nito, mukhang mamahalin. Tapos may pa shining shimmering effect pa pag natatamaan ng sinag ng araw. Pero parang pamilyar sa akin yung hugis ng susi. Parang nakita ko na ito dati na hindi ko maalala. Nagulat ako nang bigla itong hablutin ni manong sa kamay ko. "S-sorry po--" napapahiya kong sabi kay manong pero agad na siyang umalis matapos niyang kunin 'yon mula sa akin. Eh? Problema 'no' n? Tinignan ko lang naman 'yo' ng keychain niya eh, nagalit pa. Napairap nalang ako sa kawalan dahil sa kaartehan ni Manong. Maglalakad na sana ako paalis at papara ng taxi nang biglang--- "Tulong! Tulungan ninyo ako!" Agad akong napalingon sa kung saan nanggagaling ang sigaw na iyon. Nakita ko ang isang babae na halos mapaos na kakasigaw di kalayuan sa kintatayuan ko. Dali-dali naman akong tumakbo papunta sa kinaroroonan niya at sigaw parin siya ng sigaw. 'Yong sigaw na parang may halong iyak. A-anong nangyari sa kaniya? Pinanood ko lang si ate habang patuloy parin siya sa pagsisisigaw. "Iha tulungan mo ko!" Nagulat ako nang bigla niyang hilahin ang braso ko mula sa pagkakahalukipkip. Shet! Bakit sa akin siya humihingi ng tulong? Mukha ba akong---Lintek! Akala niya siguro… "Ate, hindi po ako si Superman. Nakita n'yo naman diba? Hindi nakalabas ang brip ko." Sabi ko sabay turo sa katawan ko at napatingin naman ako sa bewang ko. "Wait? Hindi naman ako nag b-brief ah?!" Inis kong singhal kay ate at sinamaan siya ng tingin. Lecheng 'to! Mukha ba akong lalake? Grabe siya kung maka judge! Ang dami na talagang judgmental sa mundo! "Tulungan mo ako. Kinidnap ang alaga ko huhuhu." umiiyak niyang sabi at nanlaki naman agad ang mata ko sa narinig. "Kinidnap?!" Sigaw ko at mabilis naman siyang tumango. Mas hinigpitan niya ang paghawak sa akin and this time parang kinurot-kurot niya pa. Shet! Bakit kinidnap? Sinong kumidnap? Taranta akong napalingon sa paligid para hanapin yung tinutukoy niya. Waaa baka kidnapin rin ako! Nooo… Naalala ko bigla sina Mom at Dad kaya kinuha ko agad ang cellphone ko sa bulsa para humingi ng tulong sa estasyon ng mga pulis. "Iha.. Huhuhu tulungan mo ako." Sabi ulit ni Ateng at hinawakan muli ang braso ko na parang kinakalmot na niya. "Opo! Tinutulungan na kita, wag excited okay? 'Tsaka bitawan mo muna po ako, 'di ako makapindot nang maayos sa cellphone ko, eh." Inis kong sabi at hinablot ang braso ko mula sa pagkakahawak niya. Tumahimik naman siya pero nandoon parin ang pag-aalala sa mukha niya. "Anong nangyayari dito?" Nabitawan ko bigla ang cellphone ko sa gulat nang may magsalita sa likod ko. Shet! Cellphone ko! "Tignan mo nahulog tuloy 'yong cellphone ko!" Inis kong singhal doon sa lalaking biglang sumulpot sa likod namin. Kunot-noo niya akong tinignan at pinanglakihan ko naman siya ng mata. "Ano'ng nangyari?" Tanong niya ulit. Ano ba naman 'to. Bingi ba siya o bulag? "Nahulog nga 'yong cellphone ko---" "Wala akong pakialam sa cellphone mo. Ang tinatanong ko anong nangyayari rito?" inis niya akong nilingon at muling ibinaling ang tingin kay Ateng na umiiyak parin sa gilid ko. Letche, pinagalitan pa ako. Siya na nga nakahulog ng cellphone ko, parang ako pa 'yong may kasalanan. Waw! Bilib na talaga ako sa mga tao ngayon, grabeh! DMD! "Kuya, siya naman pala ang tinutukoy mo, ba't 'di siya ang tanungin mo diba?" Inis kong sabi sabay pulot no'ng cellphone ko sa sahig. 'Buti nalang at 'di nabasag 'yong screen. Tsk, Regalo pa naman ito ni Mom no'ng birthday ko. "Tss." Sutsot no'ng lalake at saka hinarap 'yong babae na nasa gilid ko. Oh, kita n'yo? Ang sama ng ugali! Gosh! "Miss anong nangyari?" Dinig kong tanong niya sa babae kaya napairap nalang ako sa kawalan. Lumayo ako ng kaunti sa kanila at agad na tumawag sa mga pulis. Matapos kong tumawag sa estasyon ng mga police ay nakinig na ako sa usapan no'ng dalawa. "S-sinundo ko 'yong alaga ko..." pagsisimula no'ng babae kaya umusog ako ng kaunti malapit sa kanila para mas marinig ko. "Usually mga ganitong oras ko talaga siya sinusundo pero kanina huminto kami sandali dito sa gilid ng kalsada para ilagay 'yong lunch box niya sa bag. N-Nasa tabi ko lang siya no'n nang biglang may huminto na itim na van sa harap namin. May lumabas na isang lalaki at tinakpan bigla ng panyo ang ilong ng alaga ko. No'ng una nakipag-agawan pa ako pero tinutukan niya ako ng baril---" napahinto 'yong babae sa pagsasalita at pinahiran ang mga luha. Huhu pati tuloy ako naiiyak. "Ate anong breed po ba 'yong alaga ninyo? Askal, shitzu o chihuahua?" Grabe naman pala kasi ang nangyari. Naalala ko tuloy ang aso kong si Wayne. Sabay na napatingin sa akin 'yong lalake at si Ateng na sinamaan ako ng tingin kaya yumuko nalang ako sa pagkapahiya. Bawal nga palang sumabat sa usapan. Huhuhu! Sorry naman. "Continue. .." Utos no'ng lalaki sa babae. Makautos 'tong lalaking ito. Sino ba 'to? "Hinabol ko 'yong sasakyan p-pero..." Hindi na naman niya naituloy ang sinasabi niya dahil nagsimula na naman siyang humagulhol. Sige ate humagulhol ka nalang d'yan. Laging bitin tuloy 'yong kwento. Nung mapansin kong wala nang may balak na magsalita sa kanila ay sumabat na ako. "'Wag kang mag-alala Ate, mahahanap din ng mga pulis 'yong mga dumukot. Ililigtas po nila 'yong alaga mo." Pagpapakalma ko pa sabay tap sa likod niya at nginitian naman niya ako. Gan'yan din kasi 'yong feeling ko no'ng mawala si Wayne. Ipinasok ko kasi siya sa sasakyan kasi bibili ako ng hotdog para sa aming dalawa tapos pagbalik ko wala na' yong sasakyan. Naalala ko, 'di pala sa' min 'yong sasakyan na pinaglagyan ko sa kaniya kaya ayun... Huhuhu! Maya-maya ay nagsidatingan na ang mga pulis sa lugar. Akala ko pupunta sina Mom at Dad pero napagtanto kong isang simpleng kaso lang ito kumpara sa mga kasong na nilulutas nila para puntahan pa ito at gugulan ng oras. Syempre bakit pa nila sasayangin ang oras nila sa isang asong nakidnap 'di ba? Di nga nila ako tinulungang hanapin no'n si Wayne, eh. Tinignan ko ang oras sa relo ko at patay! Late na ako sa susunod na subject ko. Uuwi pa naman ako para kunin 'yong mga libro ko sa bahay. Jusko naman! Lagot na naman ako nito kay Ms. DNA 'yong forsenic science teacher namin. Sabihin ko nalang siguro na traffic. Oo nga hehe! Galing ko talaga. "Tss. Sinungaling." Agad akong napalingon nang biglang magsalita 'yong lalaki na kumausap sa babae kanina. Nakatingin siya doon sa babae na umiiyak parin at kinakausap na ng mga pulis. "Lah? Nababasa mo iniisip ko?!" Shet! Baka isumbong pa ako nito kay DNA. Di ko alam na mind reader pala itong katabi ko huhuhu! Sana man lang nag-inform siya diba? Napagsabihan pa tuloy ako na sinungaling. "Nagsisinungaling ang babaeng iyon." Dagdag niya at napailing pa. Kumunot ang noo ko. "Ha?" Taka kong tanong sa kaniya at nilingon din 'yong babae na halos ilang metro ang layo sa amin. "Woah!" napanganga ako at kunot-noo naman siyang napalingon sa akin. "Andami mo namang super powers. Mind reader ka na nga tapos naririnig mo pa ang usapan sa malayo? Astig naman! Pa autograph ako teka--" sabi ko at agad na hinalughog ang bag para humanap ng notebook na papipirmahan sa kaniya. "Ang babaeng 'yon ang nagpakidnap sa alaga niya." Dagdag niya pa kaya napahinto ako sa paghalughog at muli siyang tinignan. Maya-maya ay bigla ko siyang binatukan. "Tangina! Ano bang problema mo!" Singhal niya sa akin at hinagod 'yong ulo niyang binatukan ko. "Hindi ka lang pala feeling boss, bintangero ka rin pala noh?!" Inis kong sabi sa kaniya at mas lalong sumama ang tingin niya sa akin. Kung makapagbintang 'to kay ate na kidnaper mas mukha pa nga siyang kidnaper tignan. "Kung ikaw 'yong yaya at dinukot ang alaga mo. Anong gagawin mo?" bigla ay tanong niya. Kunot-noo ko siyang tinignan at napaisip naman ako. Hmm… "Sisigaw at hihingi ng tulong." proud kong sabi at taas noo pang sumagot. Akala niya siguro bobo ako. Dzuh? Pasado kaya ako sa psychology. "That's it." Sabi niya at nag-snap pa sa ere na mukhang natuwa dahil nasagot ko ang tanong niya. Eh? 'Yon na 'yon? Ikinatuwa niya 'yon? Parang bata naman ang isang ito. "Hindi mo naabutan 'yong van na dumukot, tama?" Tanong niya ulit sa akin at parang tanga naman akong tumangao. "Syempre hindi na.." Sagot ko. Tinignan ko ang oras sa relos ko at shet! patay na talaga ako nito. "Katulad ng sabi mo kanina. Sisigaw ka at hihingi agad ng tulong. Pero ang babaeng iyon..." sabi niya at itinuro pa si ateng na ini-interview pa ng mga pulis. "Humingi lang siya ng tulong kung kailan nakalayo na ang van. Nakipag-agawan pa siya no'n sa mga kidnapper hindi ba?" Sabi niya at napaisip na naman ako. Oo nga no? Ba't kaya hindi agad siya sumigaw? Edi sana may nakarinig agad sa kaniya. "Pero teka, sabi naman kasi niya kanina na tinutukan siya ng baril. Baka natakot siya kaya hindi agad nakasigaw." Sabi ko at tumango tango naman 'yong lalake. Awiee tama ako hihihi. Galing mo talaga, Kieyrstine. "Isipin mo ng malalim.." dagdag niya. "Waaa! Gaano ba kalalim 'yan?" Tanong ko at inis na naman niya akong tinignan. Eh kasi naman late na talaga ako eh huhuhu. Bagsak na naman ako nito panigurado amp! "Dalawa lang ang kamay natin.." Sabi niya at inis ko naman agad siyang tinignan. Nanggigigil na ako sa taong 'to ha! Pigilan n'yo ko. "Kuya, bobo lang po ako pero 'di po ako tanga okay? Syempre alam kong dalawa lang kamay." Huhuhu… Ang sakit din palang mapagbintangang tanga no? Lalo na 'pag hindi mo naman kilala ang kausap mo. Parang ang sarap lang pumatay. "Isipin mo, dinukot 'yong alaga niya. Ibig sabihin ang isang kamay nung lalaki nakahawak sa bata para pigilan ang pagpupumiglas nito. Ang kabila nakahawak sa panyo na ipinangtatakip sa ilong nung bata. Eh, ano ang ginamit sa paghawak no'ng baril?" Hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya. Ano nga ba? "Paa?!" Pasigaw kong tanong. Shet! Paanong nagawa no'ng kidnaper na 'yon na ihawak sa paa niya 'yong baril? Parang ang hirap naman yata no'n. "Paanong paa? Pinagloloko mo yata ako eh!" inis kong sabi. "Hindi ko sinabing paa!" Inis din niyang sabi sa akin at napasabunot pa sa buhok na parang stress na stress na sa mga pinagsasabi ko. Waw, so ako pa ang mali, ganoon? Teka nga. Ba't ba siya nangingialam sa kasong ito? Tsaka kung gusto niyang tumulong at nagfe-feeling detective siya ba't ako kinakausap niya? 'Di ba dapat 'yong mga pulis? "Iyon ang ipinupunto ko. Maaaring may idinagdag siya sa sinabi niya o kaya gawa gawa niya lang 'yong mga sinbi niya." hindi parin siya tapos huhuhu jusko naman po, kuya. Ang sakit-sakit pa sa ulo ng mga pinagsasabi niya. "Isa pa. .." Nak ng! May isa pa? Gosh! Hanggang ilan ba 'to?! "Sinabi niyang sinubukan niyang habulin 'yong van. Kung totoo nga iyon, hindi na dapat siya nakatayo pa sa mismong lugar na iyon kung saan dinukot ang bata." "Paano mo naman nasabi na doon mismo sa kinatatayuan ng yaya kinidnap ang bata?" Inis kong tanong sa kaniya pabalik. Konti nalang talaga at mabubuwisit na ako. Konti nalang talaga at mukhang may mapapatay na ako. "Nasa tabi niya parin 'yong de gulong na bag no'ng bata. Alangan namang dala-dala niya iyon habang hinahabol ang van?" mayabang na sabi niya at humalukipkip pa na parang ang dali-daling resolbahin ng nangyayari ngayon. "Teka nga--" inis kong pigil sa kaniya dahil ang sakit na talaga sa ulo ng mga pinagsasabi niya. Di ko na keri. Di na kaya ng brain cells ko. "Kuya, Alam mo, kung gusto mong tumulong sa imbestigasyon, sa mga pulis ka lumapit, wag sa akin okay? Sinasayang mo kasi oras ko eh. Imbes nakauwi na ako sa amin para kunin 'yong mga libro ko heto ako ngayon nakikipag usap na parang tanga sa'yo." Sabi ko sabay irap sa kaniya. "Tss.." Sutsot na naman niya. Nagulat ako nang bigla siyang magpakawala ng nakakainsultong ngisi. "Aba't natuwa ka pa ha?!" Inis kong singhal. Grr! Sabi sa inyo don't talk to strangers eh. Padabog akong tumalikod para na sana umalis nang bigla siyang nagsalita ulit na ikinatigil ko. "Akala ko ba gusto mo maging detective?" T-teka... P-paano niya nalaman? "P-paano mo--" "Nice meeting you, Kieyrstine Lee." Sabi niya at agad na tumalikod saka naglakad paalis. K-kilala niya ako? (To be continued...)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD