Kieyrstine Lee's POV Unti-unti ko nang napapansin ang malaking pagbabago sa sarili ko. Pakiramdam ko ay nakakulong ako sa isang katawan na hindi ko pag-aari. Hindi na ako makangiti, makatawa at makapag-isip ng gaya ng dati. Naisip ko na, kung hindi ko kaya tinanggap yung alok ni Inspector Will? Normal lang kaya akong estudyante ngayon? Yung paaralan lang at bahay ang destinasyon ko araw-araw. Kain, tulog at pag-aaral lang ang inaatupag ko. Mas gugustuhin ko nalang na bulag ako sa mga nangyayari ngayon. Walang alam at nagpapakatanga. Kasi sa mga sunod-sunod na nagaganap ngayon, pakiramdam ko wala naman akong magagawa. Isa lang naman akong hamak na trainee, isang ampon, isang tanga at bobo. Ang tanging nagagawa ko lang ay tanggapin lahat ng nalalaman kong katotohanan at itago. Kahit magpr

