Chapter 17: Blackmailed

3318 Words
Kieyrstine Lee's POV Mag aalas sais na ng hapon nang lisanin namin ang ospital kung saan naka confine si Sergeant Madrigal. Hindi ko alam ang sasabihin matapos nung lahat ng narinig ko mula kay Pakialamero. Ang dami kong gustong itanong sa kaniya pero hindi ko alam kung paano iyon sisimulan. Maraming tanong ang nabubuo sa isip ko. May batayan kaya siya sa lahat ng sinabi niya kay Felecity? Saan galing lahat ng impormasyong iyon? B-Bakit p-parang may galit siyang tinatago sa mga magulang ko? Kanina pa ako tahimik habang papunta kami sa pinagparadahan niya ng motorsiklo. Pinili ko nalang manahimik kahit kating-kati na ang bibig kong magsalita. "Gusto mong kumain?" tanong niya sa akin at hindi ko naman siya nilingon. Isinuot ko ang helmet at ganoon din naman siya bago umangkas sa sariling motorsiklo. "Saan mo gusto kumain?" tanong niya at napabuntong hininga naman ako. Pakiramdam ko ay ang daming nangyari sa araw na ito. Hindi ko na alam pa kung saan ilalagay ang mga impormasyong narinig ko kanina. "Uwi na tayo. Gusto ko nang magpahinga." matamlay kong sagot at mabilis naman niya akong nilingon. "Ayos ka lang ba Lee?" nagtataka niyang tanong at bumaba pa mula sa pagkakaangkas para harapin ako. Mabilis ko namang iniwas ang tingin ko sa kaniya. "P-Pagod lang ako." sabi ko sa kaniya. "Uwi na tayo." dagdag ko pa. Muli siyang umangkas sa motorsiklo at sumunod din naman agad ako. Marahan niyang pinaandar ang motorsiklo paalis na ipinagtaka ko naman. Kadalasan kasi ay sobrang bilis niya kung magpatakbo pero ngayon ay mabagal lang ito. Hindi ko nalang iyon pinansin pa at pilit paring iniisip ang mga nalaman at narinig ko kanina lang. Kailangan kong malaman kung ano man ang nalalaman ni Pakialamero. Itinuon ko ang pansin ko sa mga daan at mga sasakyang nadadaanan namin. Sobrang tahimik na kahit mag-aalas otso pa lamang. Ganito pala talaga sa probinsya no? Kasi kung sa Asuncion ito, kahit yata mag aalas dyis na ng gabi ay sobrang ingay parin at madami pang sasakyan ang pakalat-kalat sa daan. Maya-maya at nagulat ako nang ihinto ni Pakialamero ang sasakyan. Kumunot ang noo ko at taka na napatingin sa paligid. "Bakit ka tumigil?" taka kong tanong sa kaniya at inalis naman agad niya yung helmet niya. Kumunot ang noo ko nang makita ang isang maliit na kubo na nasa harap namin at may nakasulat sa itaas nito na 'Pepe's Eatery' "Diba sabi ko sa iyo hindi ako kakain. Gusto ko nang umuwi." Medyo inis ko pang sabi. "Hindi ko sinabing kumain ka." sabi niya at agad na bumaba. Naiwan naman akong nakaangkas doon sa motorsiklo niya habang sinusundan siya ng tingin papasok sa loob nung kubo. "Aish!" Inis kong ring hinubad ang helmet saka iyon isinabit sa manibela niya bago sumunod papasok. Agad akong napatakip sa ilong ko nang bumungad sa akin ang mausok na paligid. A-ano ba itong pinasukan ni Pakialamero? Akala ko ba kainan ito? Kumunot ang noo ko nang makita ang isang Manong sa gilid ko na nagpapaypay ng mga inihaw na karne sa isang maduming grilled pan. Wala ba silang kusina na napaglulutuan at dito pa talaga sa entrada nag-iihaw? Ghad sana man lang pumili siya ng maayos-ayos na kakainan. Nang medyo mawala na yung usok ay agad kong hinanap si Pakialamero sa paligid. Namataan ko siyang nakaupo sa pinakadulo ng karinderya kaya agad akong nagtungo palapit sa kaniya. Nakatutok lang siya sa cellphone at hindi man lang ako tinapunan ng tingin nang makaupo ako sa harap niya. Habang hinihintay ang mga inorder ni Pakialamero ay isang malakas na sigaw ang narinig namin mula sa labas ng kubo. Nakakapagtakang hindi man lang nabahala ang mga taong kumakain roon. Parang wala lang silang narinig na anuman. Normal lang ang ikinikilos ng lahat. Agad na napatayo si Pakialamero at napahinto rin nang makitang walang reaksyon ang mga tao sa loob. . Maya maya ay may lumapit sa amin na matandang babae at inilapag doon sa mesa ang mga inorder na pagkain ni Pakialamero. "Huwag na ninyong pansinin ang sigaw na iyon." nakangiti nitong usal sa amin at nagsalubong naman ang kilay ko. Nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang balikat ko."'Yun yung babae mula dun sa kubo na kalapit. May sakit sa utak kaya bigla-bigla nalang nagsisisigaw." iiling-iling niya pang dagdag saka muling ngumiti. "Oh siya magsikain na kayo.." sabi nito bago umalis sa harap namin. Kinuha ko ang kutsara at nagulat naman ako nang tapunan ako ng masasamang titig ni Pakialamero. "Akala ko ba hindi ka kakain?" tanong niya at napanganga naman ako sa gulat nang hablutin niya ang kutsarang nasa harap ko at muling umupo. S-Seriously? "Wag mong sabihin para sa iyo lang lahat itong inorder mo?" taka kong tanong tinutukoy ang maraming pagkain sa harap. Hindi na niya ako sinagot at agad nang nagsimulang kumain. Aish! Inis akong napasandal sa kinauupuan ko at tinignan siya ng masama habang nakahalukikip. Ghad! Hindi ko alam na may ganitong ugali pala ang isang ito. Kahit kailan bwiset ka talagang hinayupak ka! Pinagmasdan ko nalang si Pakialamero at sa tuwing lulunok siya ay napapalunok rin ako. G-Gutom na ako. Huhuhu. Wala bang konsensya sa katawan ang lalaking ito? Mabilis akong nag-iwas ng tingin nang bigla siyang mag-angat ng tingin sa akin. Nagkunwari akong may hinahanap sa paligid. "Kumain ka." sabi niya at mabilis naman akong napatingin sa kaniya. "Wag na." nakangiwi kong sabi sabay irap sa kawalan. "Kumain ka na bago pa magbago ang isip ko." sabi niya at muling sumubo ng kanin. Tsk! Paano kakain eh wala nang kutsara. Amp! Kakagigil talaga! Tumayo ako at lumapit doon sa babaeng nagbigay nung inorder namin kanina. Nakita ko siyang naghuhugas ng mga kawali sa gilid ng resto. Wala ba talaga silang kusina at pati paghuhugas sa loob ng kainan nila ginagawa? Lumapit ako sa kaniya at saka siya kinalabit. "Ale, may kutsara pa kayo?" tanong ko at mabilis naman siyang napalingon sa akin. Nagulat ako nang bigla niya akong samaan ng tingin. Sunod-sunod akong napalunok at napaatras sa pagtataka. Muli niya pa akong nilingon pero umalis rin kaagad bitbit yung mga kawaling hinugasan niya. Napakibit balikat nalang ako at napailing sa inasta nung matanda. "May kailangan ka hija?" halos mapatalon ako sa gulat nang may magsalita sa likod ko. Pagkalingon ko rito ay nakita ko yung lalaking nagpapaypay ng inihaw sa may entrada kanina. "Maghihiram lang sana ako ng kutsara." sabi ko at ngumiti ng pilit. Mabilis naman siyang lumapit doon sa palanggana ng mga hugasin at naghugas ng kutsarang hinihingi ko. Matapos nun ay inabot niya ito sa akin na maarte ko namang hinawakan. "H-Hindi n'yo man lang ba ibababad sa mainit na tubig?" taka kong tanong habang nakangiwi sa kutsarang hawak ko. "Bakit naman ibababad?" taka rin niyang tanong pabalik at napasapok nalang ako sa noo ko. "Nevermind kuya. Salamat nalang dito." sabi ko at nakabusangot na bumalik sa mesa namin ni Pakialamero. -------- "Tara na." Inis kong tinignan si Pakialamero nang kakatapos ko lang ilagok yung huling kanin ay nagyaya na siyang umuwi. Mabilis siyang tumayo mula sa pagkakaupo at naglakad palabas ng karinderya. Agad naman akong sumunod kahit hindi pa nalulunok yung kanin sa bibig. Habang inaayos namin pareho ni Pakialamero ang mga helmet namin ay isang sigaw na naman ang narinig namin. Nakita ko naman na ibinalewala na iyon ni Pakialamero at umangkas lang sa motor niya na parang walang narinig. Napatingin ako sa isang kubo na kalapit lang nung marinderya at inaninag ang bintanang nakabukas. Iyon kaya yung kubo na tinutukoy nung matanda kanina na may baliw na nakatira? Nabalik ako sa ulirat nang marinig ang malakas na busina. Tinignan ko si Pakialamero at nakatingin lang ito ng diretso sa akin, hinihintay na umangkas ako. Nakita ko pang napatingin pa siya sa suot niyang relo bago ako muling tinapunan ng tingin. Halatang nagmamadali. "P-Puntahan kaya natin yung kubo. M-Masama ang pakiramdam ko roon sa sigaw eh." kinakabahan kong sabi at napatingin naman si Pakialamero roon sa direksyong tinutukoy ko. "Sigurado ka?" tanong niya at agad naman akong tumango saka muling sinulyapan muli yung kubo. Napangiti ako nang bumaba siya ng morsiklo. Iniwan namin ang mga helmet doon sa manibela saka nagtungo palapit doon sa kubo. Nakabukas ang ilaw pero sobrang tahimik na sa loob. Kakatok na sana ako dun sa pinto nang makarinig ng sunod-sunod na kalabog. Napatingin ako kay Pakialamero at seryoso lang itong nakatingin sa may pinto. Kinatok niya itong muli at nang walang magbukas ay dinaganan niya ng ilang beses ang pinto hanggang sa masira ito. Napanganga ako sa gulat nang agad siyang magtungo papasok. Sumunod naman ako sa kaniya at ganoon nalang ang gulat ko nang bumungad sa amin ang isang matandang babae na nakahandusay sa sahig, halatang wala na itong . Walang malay at may sugat sa bandang dibdib at braso. Napatakip ako sa bibig ko at agad na napaatras. Mabilis na lumapit si Pakialanero roon sa matanda at hinawakan ang may bandang leeg nito para tignan kung may buhay pa. Nakita kong nagtiim ang bagang niya at napalingon sa paligid. Agad ko rin namang inilibot ang paningin ko sa paligid ngunit wala akong nakitang kakaiba o kahina-hinala man lang. Walang ibang tao sa loob maliban sa aming tatlo nung babaeng nakahandusay. Sino ang may gawa? Tanong ko rin sa sarili ko. Muli dumapo ang tingin ko sa biktima at napansing may dumi sa bandang leeg nito. Lumapit ako at agad na ipinahid ang daliri ko sa duming iyon. Uling? Napatingin ako kay Pakialamero at mukhang alam na niya ang ibig kong sabihin. Agad siyang lumabas ng kubo habang ako naman ay naiwan sa loob at tinitignan ang kabuuan ng matandang nakahandusay. Ito ba 'yung baliw na sinasabi nila? Bakit parang maayos naman tignan ang itsura? Maya-maya ay biglang may nagsipasukang mga pulis sa loob ng kubo. Umatras ako upang makalapit sila at tignan ang biktimang walang malay. Nagtaka ako dahil hindi na bumalik pa si Pakialamero. Saan na nagpunta iyon? Lalabas na sana ako nang biglang pumasok sa loob nung kubo yung lalaking nag iihaw kanina sa entrada. Agad namang nagsalubong ang kilay ko nang makita ang maduming kamay nito. "A-Anong nanyari?" tarantang tanong niya at agad na natigilan nang makita ang matandang nakahandusay sa sahig. 'Yung uling.. Yung uling ay galing sa kamay niya. Napaatras agad ako nang makitang may mga bahid ng dugo ang damit nito. H-Hindi kaya… "N-Nasaan siya?!" bigla ay sigaw niya habang inililibot ang paningin sa silid. Pero agad rin siyang natigilan nang lumapit ang isang pulis sa kaniya at pinosasan ang kamay niya. "Kailangan ka naming makausap sa presinto." biglang saad nung pulis at mas lalo namang hindi makapaniwala ang lalaki dahil napamaang ito sa gulat. "A-Anong--" "Maaari mo bang ipaliwanag ang duming nasa leeg niya at ang duming nasa kamay mo." Bigla ay sabat ng isang pulis. Natigilan ako nang marinig ang bagay na iyon dahil pareho kami ng iniisip. Tama, napansin niya rin agad ang maduming kamay nito. "T-Taga ihaw ako sa k-karinderya kaya may uling ang kamay ko! Hindi iyon sapat na rason para pagbintangan ninyo akong may gawa nito!" angil na naman nung lalaki na halatang galit na. "Eh paano mo maipapaliwanag yang dugo na nagkalat sa apron mo?" biglang sabat ko at napatingin naman sa akin ang lahat na ikinagulat ko. Nakita kong kumunot ang noo ni Kuyang Taga-ihaw. Naalala niya siguro na ako ang nakausap niya kanina. "Dugo? Ha! Dahil dito ba?" itinuro niya ang mantsya ng dugo sa damit niya. "Taga ihaw nga ako sa karinderya. Malamang magkaka-matsya itong apron ko dahil sa mga karneng hinihiwa ko!" asik niya sa akin kaya natahimik ako. Oo nga naman. P-pero kasi… "Hindi siya ang pumatay." Nagulat ako sa biglaang pagpasok ni Pakialamero at--- k-kasama niya yung matanda sa karinderya? Y-Yung matandang naghatid nung order namin kanina? Agad na bumaba ang tingin ko sa kamay nito at ngayon ko lang napansin na may tali ng lubid sa kanang pulso nito. "Yan! Yang demonyo na 'yan ang gumawa nito kay Nanay!" sigaw nung lalaki sabay duro dun sa matandang babae. Kitang-kita ang galit sa mga mata nito habang nakatingin sa matanda. Mabilis naman ang nagsitaasan ang balahibo ko nang biglang ngumiti ng nakakaloko yung matanda. "Dapat lang 'yan sa kaniya." sabi nung matanda saka tumawa ng malakas. Pakiramdam ko ay nagsitayuan lahat ng balahibo sa katawan ko. Kanina ko pa kasi talaga napapansin ang kakaibang kinikilos niti. Nakakatakot.. "Gusto ko lang namang makalaya, p-pero kinukulong ninyo ako." bigla ay parang bata nitong saad. Makikita ang panginginig ng kamay nito at pamumuo ng luha sa mga mata "Demonyo ka talaga!" sigaw pa muli nung lalaki habang nagpupumiglas mula sa pagkakahawak nung mga pulis. Muli na namang humalakhak yung matanda na mas lalong ikinabalot ko ng kaba. "Demonyo? N-Nakalimutan nyo ba ang ginawa ninyo sa anak ko? Binaboy ninyo ang anak ko! Mga hayop kayo!" Sigaw nung matanda na halos mabingi na kaming lahat na nandito sa loob ng kubo. Makikita sa mukha ng mga pulis na naguguluhan sila sa nangyayari. Kakalagan na sana ng mga pulis yung lalaki mula sa pagkakaposas nang pigilan ito ni Pakialamero. "May mga pasa at sugat na natamo ang matanda sa katawan. Gusto kong imbestigahan ninyo muna ang lalaking iyan." Walang paligoy-ligoy na saad ni Pakialamero habang nakatitig doon sa lalaki. "Maaari ko bang malaman muna kung sino kayo at kung ano ang ginagawa ninyo rito sa crime scene?" bigla ay tanong ng isang pulis habang nakatingin sa amin. "Police detective ako ng Asuncion Police Station." sabi ni Pakialamero at ayun na naman ang pagpapakita niya sa ID niya kaya napasimangot nalang ako. Nakita kong nagkatinginan ang mga pulis ng Miraveles at sabay-sabay na yumuko kay Pakialamero. "Maraming salamat sa pagtulong sa kaso. Isa kang mahusay na Detective." sabi nung isa at saka nakangiting tinapik ang balikat ni Pakialamero bago inakay palabas yung nakaposas na lalaki. -------- "Ang galing mo." namamangha ko paring sabi kay Pakialamero nang maglakad na kami pabalik sa motorsiklo niya. "Matagal na." sabi niya at napahinto naman ako saka sinamaan siya ng tingin. "Yabang." bulong ko sabay irap sa kawalan. "Pero paano mo nga pala nalaman na yung matanda ang pumatay. Akala ko tuloy yung lalaking taga ihaw." nakanguso kong sabi at mabilis naman niyang inabot ang helmet sa akin nang makalapit kami sa nakaparada niyang motorsiklo. "Dahil dun sa lubid sa kamay niya. Napansin ko iyon nang ilagay niya sa mesa ang mga pagkain na binili ko. Kanina sa crime scene, napansin ko ring may lubid sa gilid ng kama. Naisip kong yung baliw na sinasabi nila ay yung matanda na nakawala. Tugma ang lubid sa kapal at uri ng pagkakalaslas rito. Yung dumi na nasa leeg ng biktima., hindi iyon uling. Galing iyon sa kamay ng matanda nung hinugasan niya ang mga kawali sa karinderya." napanganga ako sa sinabi ni Pakialamero. "Naisip mo yun lahat?" gulat kong usal at hindi naman niya ako sinagot sa halip ay inayos lang yung helmet sa ulo niya. Bakit kaya di ko napansin yung lubid? Amp! "Teka--" biglang pigil ko kay Pakialamero nang aangkas na sana siya sa motor niya. Tinignan niya ako at dali-dali ko namang dinukot sa bulsa ko yung anklet na pinabibigay ni Savanna kanina. Naalala ko lang. Muntik ko pang makalimutan. Psh! "Ano yan?" tanong niya nang iabot ko sa kaniya yung angklet. "Pinabibigay ni Savanna." nakangiwi kong sabi "Savanna?" taka niyang tanong at napairap naman ako. "Oo, yung pamangkin ni Inspector Will." sagot ko. "Ah, si Van." sabi niya at kinuha yung anklet sa kamay ko. "Van?" bulalas ko. "Tch! Talagang may tawag ka pa sa kaniya ha?" bulong ko at inis na napabuntong hininga. Yumuko si Pakialamero at nagulat ako nang ilagay niya yung angklet sa paa niya. Waw isinuot agad. Hanep. "Tara na." sabi niya at agad na umangkas sa motorsiklo niya. Nainis naman ako nang makita yung anklet sa paa niya. Gosh! Mas maganda pa yata yung nabibili sa palengke kesa d'yan. Nakaangkas na ako nang biglang mag ring ang cellphone ni Pakialamero. Agad niya itong kinuha sa bulsa niya at sinagot ang tawag. Mabilis ko namang inilapit ang tainga ko para marinig kung sino iyong tumawag sa kaniya. Mamaya si Savanna pala ito. Malay ko, baka textmate sila! [T-Topher, si Dad wala na.] Teka? Sino yun? Mas lalo kong inilapit ang tainga ko sa telepono. [M-May iniwan siyang sulat. Sa tingin ko para sa inyo ito.] Ramdam na ramdam ang lungkot sa boses nung babaeng nasa kabilang linya habang sinasabi ang mga salitang na iyon. Sinong namatay? Agad akong napayakap at napasubsob sa likod ni Pakialamero nang bigla niyang paharurutin paalis ang motorsiklo. Shet! Mabilis akong humawak sa magkabilang gilid ng laylayan ng t-shirt niya nang halos lumipad na kami sa sobrang bilis ng pagpapatakbo nito. Kitang-kita ko sa side mirror ang seryosong mukha ni Pakialamero habang nagmamaneho. A-Ano ba ang nangyayari? S-Saan na naman ang punta namin? Jusko naman! Mamamatay pa yata ako neto ng wala sa timing. Maya-maya ay agad akong nagtaka nang ihinto niya ang motorsiklo sa harap ng --- Ospital? A-Ano na namang ginagawa namin rito? Mabilis akong bumaba ng sasakyan at ganoon din naman siya. Hindi na siya nag abalang tanggalin ang helmet niya at nagmadaling pumasok sa loob ng ospital. Nagdalawang isip naman ako kung tatanggalin ko ba yung helmet pero napagdesisyunan kong huwag nalang at sumunod na lamang sa kaniya papasok. Sa labas pa lamang ng silid ni Sergeant Madrigal ay naabutan namin si Felicity na nakasandal sa pader at halatang umiiyak. Nang makita kami na papalapit ay agad niyang pinunasan ang pisngi niya gamit ang likod ng palad niya. "Anong nangyari?" tanong ko kay Felecity at nagulat naman ako nang bigla niya akong yakapin at humagulhol sa pag-iyak. Naiilang naman akong hinagod ang likod niya. "Nasaan yung sulat?" biglang sabi ni Pakialamero na kinainis ko. At talagang yung sulat pa ang inintindi niya kesa dito kay Felecity? Jusko! Kumalas si Felecity mula sa pagkakayakap sa akin at inabot kay Pakialamero ang papel na galing sa bulsa niya. "Kaninang ala-sais. Nagising siya at narinig daw niyang lahat ng pinag-usapan natin." naluluhang sabi ni Felecity. "Isinulat niya ito kahit hirap na hirap siyang igalaw ang mga kamay niya, hindi ko alam na yun na pala ang huling pagkakataon na makakausap ko siya." Agad akong napatingin sa papel na hawak ni Pakialamero. "Anong ginagawa ninyo rito?" agad kaming napatigil at nagulat nang makita ang Nanay ni Felecity sa likod namin. "Paano ninyong natunton ang lugar na ito!" sigaw niya at mabilis naman siyang hinawakan sa braso ni Felecity upang awatin. "Mom, mga pulis po sila ng Asun--" "Wala akong pakialam! K-Kayo ang dahilan ng pagkamatay ng asawa ko. Umalis kayo sa harapan ko! Alis!" sigaw nito at inawat muli siya ni Felecity. "Mom--" "Umalis kayo kung ayaw ninyong ako ang magkaladkad sa inyo palabas!" Dagdag pa nito habang galit na nakatingin sa amin. Nagulat naman ako nang bigla akong hilahin ni Pakialamero paalis. Muli kong nilingon si Felecity at kitang-kita ko ang paghingi ng paumanhin sa kaniyang mga mata. Tumigil si Pakialamero sa paglalakad at agad na binuklat ang sulat na ibinigay ni Felecity kanina. A-ano kaya ang meron sa sulat na iyon? Agad akong lumapit at tumingin sa papel na hawak niya. [Patawad ngunit hindi ako maaaring magsalita. Baka balikan ng mag-asawang iyon ang pamilya ko. Alam kong mabubunyag din sa huli ang lahat. Alam kong mahahanap din ninyo kung sino man ang nasa likod ng lahat ng ito. Hindi lang ako ang susi para malutas ang kasong ito. Marami pang paraan. Patawad. ] Nagulat nalang ako nang biglang humigpit ang hawak ni Pakialamero roon sa papel dahilan upang malukot ito sa kaniyang palad. M-Mag-asawa?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD