Chapter 21: Hatred

4061 Words
Kieyrstine Lee's POV Naging masaya naman ang ilang araw kong pagt-training bilang detective kasama si Sergeant Orton. Marami akong natutunan na mga itinuro niya sa akin sa pag-iimbestiga ng mga kaso katulad nalang ng mga bawal at pwedeng gawin pag nasa loob ng crime scene. Nabigyan na rin ako ng police trainee ID ni Inspector Will, ilang beses na raw niya itong tinangkang ibigay sa akin pero nakakalimutan daw niya lagi dahil sa katandaan. Buti nalang at nandyan si Sergeant kaya siya na mismo ang humingi nun kay Inspector. At tada.. May palatandaan nang trainee ako. Yiee.. Medyo nasasanay ko narin din ang sarili ko na mag isip ng pasikot-sikot, kadalasan pumapalpak at kung anu-anong katangahan ang nagagawa at naiisip pero ngayon medyo nakokontrol ko na. Hindi ako nagsisisi na kasama ko si Sergeant Orton. Totoong strikto at masyado siyang seryoso pero hinahangaan ko ang pagkakaroon niya ng mahabang pasensya sa akin. Minsan na rin niya akong napagalitan pero yung paraan niya ng pagsita sa akin ay mayroon naman akong natutunan. "Sheena? Ba't pawis na pawis ka?" natatawa kong tanong nang makasalubong si Sheena papasok ng campus. Lumingon-lingon siya sa paligid bago idinako ang paningin sa akin. Nagulat ako nang bigla niya akong higitin papasok ng gate. "Ano na naman bang problema mo? Diba sabi ko sa'yo tigilan mo na kaka-drugs--" "Pakiramdam ko may sumusunod sa akin." hingal niyang sabi at humawak pa sa braso ko dahil sa sobrang pagod niya. "Sino?" taka kong tanong at nagkibit balikat naman siya. "Baka may stalker ka." sabi ko nalang. Napaayos siya bigla ng tayo. "Oo nga no?" bigla ay sabi niya kaya agad ko siyang binatukan. "Gaga. Feeling ka rin no? Sino naman ang mangs-stalk sa'yo ha?" tawa ko at sumimangot naman siya. "Baka mayroon kang hindi binayaran na utang kaya hina-hunting ka ngayon." dagdag ko pa. "Gaga. Nagbabayad ako ng utang. Kakabayad ko lang kahapon eh." inis niyang singhal sa akin. "Shet, baka gusto kang ipasalvage ng drug dealer mo. Baka natatakot silang ibulilyaso mo sila--" inis ko naman siyang tinignan nang batukan niya ako bigla. "Mas mukha ka pa ngang nag da-drugs eh." inis niyang sabi. "Pero seryoso nga, kahapon ko pa napapansing may sumusunod sa akin. Natatakot na ako huhuhu." parang bata niyang sabi. "Baka guni-guni mo lang yun gaga. Alam mo namang minsan nag ha-hallucinate talaga ang isang tao lalo na pag lulong sa droga." sabi ko sa kaniya at mas lalo naman siyang ngumuso. "Tara na nga. Dami mong ka artehan sa buhay." sabi ko saka hinila siya papunta sa building namin. ---- "Kieyrstine.." nagtaka ako nang kalabitin ako bigla ng kaklase ko habang nagdidiscuss yung prof sa harap. "Baket?" inis kong tanong. Nagbabagong buhay na ako eh. Gusto ko nang makinig sa klase huhuhu. Baka may makaligtaan na naman ako katulad nung mga theory na sinasabi ni Seargent. Malay ko naman kasi diba na kasali yun.. Psh. "Diba detective trainee ka?" tanong niya at taka ko naman siyang nilingon. "Oo, baket nga?" inis ko na namang tanong. "Pwede bang, pa decode nito? Wala kasi akong alam sa codes eh." sabi niya at tinignan ko naman yung maliit na papel na inabot niya. "Ano to?" taka kong tanong. "Code nga." inis niyang sabi sa akin kaya napairap naman ako. May gana pang mainis huh! Tsk. "I mean sino nagbigay? Saan mo nakuha?" tanong ko. Ngmuso naman siya na parang pato. "Yung jowa ko hihi. Anniversary kasi namin ngayon, yan daw yung message niya sa akin. Di ko naman maintindihan." "Tsk. Mamaya ko nalang i decode." sabi ko saka itinuon sa harap ang atensyon. "Yiee thank you Kieyrs. Ililibre kita mamaya." sabi niya at napangiti naman ako ng pagkalaki-laki habang nakatitig sa harap. Libre na naman diz.. Orayts. --- "Hoi!" hindi ko pinansin si Sheena nang maupo siya sa tabi ko. Nandito ako sa canteen at sinusubukang idecode yung ibinigay na papel ng jowa ni Cindy. Ang daming ka ek-ekan sa buhay. "Wow, dinedeadma ako ah?" inis na sabi ni Sheena. "Wag ngayon Sheena. Nakasalalay rito ang lunch na kakainin ko kaya tumahimik ka muna." sabi ko at tumahimik naman siya. [ 8:12:00:1:17:4:AM:10:8:13:6:00:20:15:00:22:8: 19:7:00:24:14:20 ] Amp! Nakalimutan ko na paano magdecode. Huhuhu. Di ko kasi nadala yung Codes na librong nabili ko sa NBS. "Kieyrstine!!" agad akong napalingon kay Cindy nang tumakbo siya papalapit sa akin. Agad ko namang tinakpan ng kamay ko yung papel na sinulatan ko para sana mag decode. "Okay na ba?" tanong niya at nanlaki naman ang mata ko. "M-Malapit na hehe." sabi ko sa kaniya at mas lalo namang nagliwanagang mukha niya. "Omo. Excited na akong malaman ang sasabihin niya. Wait, I'll order foods muna. Ano bang gusto mo Kieyrstine?" tanong niya at nakita ko namang napangiwi si Sheena. "Kahit ano nalang." sabi ko at ngumiti ng peke. "Okay. Take your time decoding there. Oorder muna ako." sabi niya saka agad na nagtungo sa pila muli kong itinuon ang pansin sa papel na hawak ko at narinig ko naman ang pagtikhim ni Sheena kaya nilingon ko siya. "Anong pinakain mo dun? Bakit ililibre ka?" tanong niya sabay nguso kay Cindy na ngayon ay namimili na ng pagkain. "W-Wala. Nagpapadecode lang." sabi ko at agad namang sinilip ni Sheena yung papel. "Marunong ka niyan?" tanong niya sabay titig sa akin na para bang pinagdududahan ang sinabi ko. "Aba'y syempre naman. T-Tinuruan ako ni Black eh." sabi ko sa kaniya. "Mamaya ka na nga makipagdaldalan okay? Tatapusin ko muna ito." sabi ko sa kaniya at napapairap na ibinalik ang atensyon sa papel. Paano nga ulit ito? Natatandaan ko ito na itinuro ni Black eh kaso nagkahalo-halo na lahat ng codes sa utak ko huhuhu. Maya-maya.. "Here are the foods na." sabi bigla ni Cindy at umupo sa harap namin ni Sheena. "Hi Sheena. Binilhan na rin kita." sabi niya at nagliwanag naman agad ang mukha ng gaga. "Naku naman, nag abala ka pa. Nakakahiya naman." sabi niya at nilantakan agad yung burger na nakapatong sa tray. Nahihiya nga siya. Napakamahiyain talaga ng bestfriend ko. Sarap sabunutan. Talagang nauna pang kumain. "Ayos na ba Kieyrstine?" tanong niya at taranta naman akong tumango. "A-Ah oo tapos na." sabi ko. "Omo! Anong sabi?" excited niyang tanong sa akin at napalunok naman ako. "Sabi niya.." sabi ko at nangapa ng sasabihin sa paligid. Nakatuon naman ang atensyon ng dalawa sa akin kaya mas lalo akong nataranta. "Sinabi niyang?" tanong ni Sheena habang nakanganga sa gilid ko kaya marahan kong itinulak ang bibig niya palayo dahil sa masangsang na amoy. "Sabi n-niya.. W-Will you marry me daw?" sabi ko agad sabay pikit. Jusko. Sana tama ang hula ko. . "S-Seriously sinabi niya iyon?" gulat na usal ni Cindy at mas lalo naman akong nataranta. "Hindi ko alam na ganoon siya kabilis. I mean we're too young pa pero.." "Pero?" kinakabahan kong tanong. "Pakakasalan ko parin siya." nakangiti niyang sabi. "Kayo na ang bahala sa mga pagkain, pupuntahan ko na ang bebeloves ko para maiayos agad ang kasal. Thank you so much Kieyrstine! Hulog ka ng langit!" sabi niya at niyakap ako ng mahigpit bago nagtungo palabas ng canteen. Sinundan naman siya ng tingin ni Sheena at dahan-dahan kaming napatingin sa isa sabay hagalpak ng tawa. "Ang galing mo talaga Kieyrstine. Gawin mo kayang negosyo yan dito sa school." sabi ni Sheena sabay nilantakan ang spaghetti na nasa harap. "Oo nga no? Sige sige hahaha." parang timang kong sabi at nag apir pa kami bago kinain lahat ng dala ni Cindy kanina. ---- Pagkatapos ng klase ay agad na akong nagtungo papunta ng presinto. Excited na ako sa mga panibagong kaso na lulutasin namin ngayon ni Sergeant Orton. Napatingin ako sa labas ng bintana ng taxi dahil pansin kong parang kanina pa ito hindi umaandar. "Traffic ba ngayon?" tanong ko sa taxi driver habang pilit na sinisilip ang nangyayari sa labas. "May nanghohostage raw sa loob ng ospital kaya nahihirapang makadaan ang mga sasakyan. Wala pang dumadating na mga pulis." sabi ni Kuya Driver at agad naman akong naalerto. Bubuksan ko na sana ang pinto nang tanungin ako ni Kuya Driver. "Saan ho ang punta ninyo ma'am?" kunot-noong tanong nito sa akin kaya napataas ang kilay ko. Marahan kong kinuha ang ID sa bag ko at saka ito ipinakita sa kaniya. Kitang-kita ang gulat at pagkamangha sa mukha niya pero hindi ko na siya pinansin pa at nagtuloy na palabas. "Ma'am! Pamasahe ninyo!" Mas binilisan ko ang lakad ko hanggang sa makalayo. Grabe, sobrang daming sasakyan na pala ang naipit sa traffic. Agad kong isinukbit sa leeg ko yung ID tsaka tinakbo ang daan papuntang ospital. Nagkalat ang iilang mga doctor at nurse sa labas na halatang takot na takot sa nangyayari. May mga iilang pasyente rin na halatang pinilit lang ang paglabas dahil may mga dextrose pa ang mga ito at tubo sa ilong. "Ano po ang nangyayari?" tanong ko sa isang nurse nang makalapit ako sa kaniya. Agad naman siyang napatingin sa ID ko kaya marahan ko itong inayos para makita niya ng husto. "Hinostage yung isang doctor namin at mga pasyente sa isang kwarto sa 2nd floor..." sabi niya sa akin na halatang ang pag-aalala. "May pasasabugin raw siyang bomba. Kaya nagsilabasan na ang lahat sa pangamba. Ngunit may mga naiwan pang mga pasyente sa loob. Hindi na kami makapasok pa sa takot." "Ano raw ba ang kailangan niya?" tanong ko sabay tingin doon sa loob kung saan nakabantay sa may pinto ang iilang mga gwardya ng ospital. "H-Hindi namin alam kung ano. Wala naman siyang hinihingi." dagdag pa nung nurse at binalot naman ako ng kaba. Bakit ba ang tagal ng mga pulis? Nataranta ako bigla nang marinig ang sigawan at iyakan na nagmumula sa 2nd floor ng ospital. Tiningala ko ang palapag na iyon at nakitang may mga pasyente roon na nagsisisigaw at humihingi ng tulong mula sa bintana. Jusko.. Totoo nga kaya yung bomba? Waaa.. Hindi maaari, marami ang mamamatay kung pasasabugin iyon. Agad kong narinig ang sirena ng sasakyan ng mga pulis na paparating. Nahagip ng tingin ko si Detective Phoenix at iilang mga pulis na tumatakbo papunta sa gawi namin. "Kieyrstine." nilapitan ako ni Detective Phoenix kaya agad akong yumuko. "M-May bomba raw na inilagay yung nang ho-hostage." sabi ko sa kanila at nakakamanghang hindi man lang nila ikinataranta iyon. Paano sila nananatiling kalmado sa mga ganitong sitwasyon? Eh nung marinig ko nga kanina yung saligang bomba ay parang gusto ko nang umatras bigla sa takot. "Huwag kayong magpapapasok ng mga pulis dito kung hindi mamamatay ang doktor na ito at sasabog ang gusaling ito!" dinig naming sigaw nung nang-hohostage mula sa ikalawang palapag. Dinig na dinig parin namin ang iyakan at sigawan ng mga pasyenteng nasa loob. Nakita kong sakal-sakal niya sa leeg yung doktor na sinabi sa akin nung nurse kanina. Nakatutok sa ulo nito ang baril na hawak nung lalake at kaunti nalang ay kakalabitin na nito ang gantilyo. Juskooo. "A-Ano ang gagawin natin?" tanong ko kay Detective Phoenix at sumenyas naman siya sa mga kasamahan niyang pulis na pasukin ang ospital. "Waa! Bakit mo pinapasok? Baka pasabugin nga nung lalaki yung bomba." taranta kong sabi. "It's just a threat, Kieyrstine. Mas delikado kung tatayo lang tayo rito at walang gagawin." Agad na napasigaw ang lahat nang sunod-sunod na putok ng baril ang narinig mula sa palapag na kinaroroonan nung nangho-hostage. Waaa! Jusko.. Sino ang binaril niya?! May natamaan kaya? Taena naman oh! "Sinabi nang huwag kayong magpapapasok!" nangangalaiting sigaw niya at napatingin naman ako kay Detective Phoenix na ngayon ay nakatingala rin sa palapag. Hindi parin mababakasan ang mukha niya nang anumang takot at pangamba. "Sabi sa'yo, Detective eh." nakanguso kong sabi at napatingin naman siya sa akin. Tumigil naman ang mga pulis sa may pintuan ng ospital habang hawak parin ang kani-kaniyang mga baril. Hinihintay siguro nila ang senyas ni Detective Phoenix. "Pipindutin ko ang control na hawak ko sa loob ng labing limang minuto." dagdag pa nung lalaki sabay halakhak. Shet! Agad akong binalot ng matinding kaba sa narinig. Halatang nabahala ang lahat at mababakas sa mga mukha nito ang takot. "Gusto kong magpapasok kayo ng isang babae na hahanapin ang bomba bago lumagpas sa oras na ibinagay ko. Kapag hindi niya iyon nahanap ay magpaalam na kayo sa mahal ninyo sa buhay na nasa loob ng gusaling ito." Agad kong nilingon si Detective Phoenix at nakita ko na sa mukha niya ang pag-aalala. Pati ako ay hindi maiwasang mag-alala sa mga taong nandoon sa loob. Naririnig ko parin ang mga iyakan at sigawan nila sa loob. "Gusto kong maramdaman din ninyo yung naramdaman ko nung araw na hinayaan ninyo ang anak kong mamatay sa ospital na ito." galit na usal nito at napapikit nalang dahil anumang oras ay pipindutin na niya ang button na hawak. "Pinatay ninyo ang anak ko!" sunod-sunod na naman na putok ng barin ang narinig namin mula sa loob. Muling nagsigawan ang lahat ng nandoon. "Kailangan ng babae sa loob. Wala tayong babaeng pulis na kasama." sabi nung isang pulis kay Detective Phoenix. Agad naman akong napaatras nang tumama ang tingin nilang lahat sa akin. "K-Kung ano man ang iniisip ninyo.. P-Pass muna ako d-dyan.." kinakabahan kong sabi at pinag krus pa ang mga kamay sa harap nila. "B-Baka nakakalimutan ninyong t-trainee palang ako." sabi ko at agad na ipinakita yung ID na suot. Parang naiintindihan ko bigla ang mga titig nila. Jusko, gusto kong lumutas ng mga kaso, pero wag naman sa ganitong paraan. ---- "Waaa! Detective Phoenix sure na talaga kayo? Hindi n'yo na talaga babawiin? Pwede n'yo pa pong bawiin kung gusto ninyo. " tanong ko pa habang iginigiya nila ako papasok sa loob ng ospital. "Huwag kang mag-alala, Kieyrstine. May mga pulis na naka back up sa iyo. Mauuna ka lang sa loob at hahanapin yung bomba. Gamitin mo yang earpiece na suot mo para malaman mo kung ano ang gagawin sa bomba pag nakita mo. Naiintindihan mo?" sabi niya at umiling naman ako. "Hindi ko po naiintindihan." sabi ko agad at napailing naman siya. "Alam kong naintindihan mo. Sige na, wala na tayong oras." sabi niya sa akin at naiiyak naman akong inihakbang ang mga ko papasok. Jusko po... Huminga muna ako nang malalim bago tinignan ang oras na nasa relos ko. May labing tatlong minuto nalang ako. Jusko po. Tatlong palapag pa itong ospital paano ko iyon mahahanap sa loob ng tatlumpung minuto? [Kieyrstine, naririnig mo ba ako?] Napatalon pa ako sa gulat nang marinig ang boses ni Detective Phoenix sa earpiece na nakakabit sa tainga ko. "Jusko hindi pwedeng mag mic test muna bago magsalita? Mamamatay ako sa gulat eh." inis kong sabi. [Puntahan mo ang function room sa second floor. Nasa pinakadulo ng pasilyo.] Agad akong sumakay ng elevator paakyat sa 2nd floor at nang makalabas ay tinakbo ko ang daan papunta sa pinakadulong bahagi ng pasilyo. Hindi ko maipaliwag ang kabang nararamdaman ko ngayon. Para akong nasa isang pelikula kung saan nakasalalay ang buhay ng maraming tao. Sana pala hindi nalang ako bumaba ng taxi, excited lang naman akong ipagmalaki ang ID ko eh huhuhu. [Sampung minuto nalang, Kieyrstine.] Agad kong binuksan ang pinakadulong silid ng pasilyo at tumambad sa akin ang maraming screen kung saan kuha ng CCTV camera sa iba't-ibang sulok ng ospital. [Ngayon hanapin mo ang bomba.] "A-Ano? Ang daming screen dito, paano ko mahahanap agad ang bomba?!" inis kong sigaw. [Basta hanapin mo. Nakapasok na ang mga pulis dyan sa loob. Susubukan nilang kunin sa hostage yung control.] Leche na! Paano kung hindi nila makuha! Huhuhu. Kung alam ko lang na ito na ang last day ko edi sana kumain ako ng marami. Sabi nila masarap daw mamatay pag busog. Isa-isa kong pinakatitigan ang mga screen na nasa harap ko at hinanap yung posibleng pinaglagyan ng bomba. Hindi ko maipaliwag ang kaba at panginginig ng aking mga kamay at tuhod habang sinusuyod ang mga screen ng CCTV camera. [Pitong minuto nalang.] "Waaa ano ba Detective Phoenix, tinataranta mo ako eh." inis kong sabi bago itinuloy ang paghahanap. Jusko, nasaan na ba kasi yung bomba na iyon? [Kieyrstine, nahanap mo na ba?] tanong ni Detective Phoenix at parang naiiyak naman akong umiling. "H-Hindi ko mahanap yung bomba.." 'Huwag kayong magpapapasok ng mga pulis dito kung hindi mamamatay ang doktor na ito at sasabog ang buong gusaling ito!' Buong gusali ang target ng nangho-hostage. Nakita ko na ang iba' t ibang klase ng bomba sa laboratoryo nina mommy dati. Naaliw ako kaya pinag-aralan ko ang mga kemikal na ginamit doon at kung hanggang saan lang ang kayang range ng pagsabog nito. Yung control na hawak kanina nung lalaki ay halatang ordinaryo at typical lang na bomba ang ginamit niya. Kung ganoon, maliit lang na range ang kayang okupahin ng pagsabog. Katulad nga ng sabi ko, kung sa 3rd floor niya ilalagay ang bomba, maaaring 2nd at 3rd floor lang ang maaaring sumabog. Kaya siguradong sa 1st floor niya iyon inilagay. Pag pinasabog ang unang palapag ay guguho ang mga natitirang palapag. Agad kong tinignan sa screen ang mga kuha ng CCTV sa first floor. Sigurado akong-- "Ayun!" pasigaw kong usal at saka dali-daling tumakbo papunta sa elevator. [Apat na minuto nalang Kieyrstine, kumusta na riyan?] Halatang nag-aalala nang sabi ni Detective Phoenix. "Papunta na ako kung saan nakalagay ang bomba." sabi ko sa kaniya at dali-daling tumakbo palabas ng elevator nang bumukas ito. Agad kong itinuro ang stock room ng mga gamit sa ospital at nakahinga ng maluwag nang makita roon ang bomba. Shet! Isang minuto nalang.. "A-Ano na ang gagawin ko?" tanong ko kay Detective Phoenix. "Detective! Nasa akin na ang bomba, anong gagawin ko?!" pasigaw kong tanong ngunit wala na akong naririnig mula sa earpiece. Jusko! Wala akong alam sa ganito. A-ano nang gagawin ko? Sobrang bilis ng t***k ng puso ko at nanginginig na ang mga kamay ko sa taranta. Hindi ko namalayan na sunod-sunod nang tumulo ang mga luha sa mata ko dahil sa takot na baka sumabog ito. Sinubukan kong tanggalin ang mga tape na nakapalibot rito at tumambad sa akin ang iba't ibang kulay ng wire. Hindi ko alam kung alin rito ang puputulin ko upang ma defuse ang bomba. Jusko... Nagulat nalang ako nang biglang may humablot nung bomba sa kamay ko. Tinignan ko siya kung paano niyang pagkabit-kabitin ang mga wire ng bomba. May mga tinanggal siya at pinagpalit-palit ang kinalalagyan ng mga wire. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa niya. Hindi ko alam kung mapipigilan niya pa ang pagsabog nito.. Pero may tiwala ako sa kaniya. 10 segundo.. Ipinikit ko ang aking mga mata at tinakpan ang magkabilang tainga... Dinig na dinig ko ang malakas na pagtibok ng puso ko. Ramdam ko ang panginginig nga mga kamay at tuhod ko. 9 8 7 Narinig ko ang sunod-sunod niyang pagmura at halatang nataranta narin siya. 6 5 4 3 Narinig ko ang malakas na pagbaksak ng bomba sa sahig. Dahan-dahan kong tinanggal ang mga kamay ko sa magkabilang tainga ko at saka nagmulat ng mata. Pakiramdam ko ay nakahinga ako nang maluwag nang makitang tumigil ang timer sa bomba. Nakita ko si Pakialamero na pabagsak na naupo sa sahig. Pawis na pawis siya at halatang kinabahan sa nangyari. Taranta naman akong lumapit sa kaniya kahit patuloy parin sa panlalambot ang mga tuhod ko. "A-Ayos ka lang ba?" tanong ko agad pero hindi niya ako sinagot. Nakayuko lang siya habang diretso ang titig sa bomba na nasa harap namin. "S-Salamat.." sabi ko at nagulat naman ako sa mga masasamang titig na ipinukol niya sa akin. Sunod-sunod na lunok ang nagawa ko kaya napaatras ako ng bahagya palayo sa kaniya. "Tss." asik niya agad at halatang galit na galit ang itsura. Nagtaka naman ako sa inakto niya at hindi malaman kung lalapitan pa ba siya ulit. Nanatili akong nakatitig sa kaniya, hindi malaman ang gagawin. "Hindi ko alam kung bakit isang bobo na katulad mo ang hinayaan nilang pumasok rito at hanapin yung bomba." Hindi agad ako nakasagot sa sinabi niya. "Alam mo bang maraming pasyente ang pwedeng mamatay kung hindi mo na defuse agad yung bomba?" diretso ang titig niyang sabi sa akin. "H-Hindi naman ako ang--" "Akala mo kasi kagaya ka ng mga magulang mo. Akala mo kayang-kaya mong gawin yung mga nagagawa nila ngayon." parang natatawa niya pang sabi. Matunog siyang ngumisi sa ere saka iiling-iling na tinapunan ako ng tingin. "A-Ano bang pinagsasabi mo?" "Bakit hindi mo pa aminin Lee? Pinipilit mo lang naman ang sarili mong magmukhang magaling kahit ang totoo ay hindi naman diba?" Inis kong naiyukom ang aking mga kamao sa biglaang galit na naramdaman. Gumapang ang inis sa buong sistema ko na para bang anumang oras ay sasabog ako sa bigat ng nararamdaman. "Ano bang problema mo sa akin ha!" galit kong tanong sa kaniya at mabilis naman siyang umiling na para bang isang malaking biro ang ginawa kong pagtatanong. Hindi ko na naligilan pa ang sarili kong maiyak sa mga pinagsasabi niya. "Wala akong problema." sabi niya at saka tumayo mula sa pagkakasalampak sa sahig. Pinagpagan niya ang kaniyang suot bago muling tumingin sa akin. "Sinasabi ko lang na hindi ka bagay maging pulis." Agad siyang tumalikod at nagtungo palabas ng stock room. Naiwan naman ako roong tulala at hindi maipaliwanag lahat ng sinabi niya sa akin. 'Hindi ka bagay maging pulis.' 'Pinipilit mo lang ang sarili mong maging kagaya ng mga magulang mo.' 'Bakit isang bobo na katulad mo ang hinayaan nilang pumasok rito at hanapin yong bomba.' ---- Pagkatapos nung nangyari sa ospital ay hindi nalang ako nagtuloy pa papunta ng presinto. Sobrang sakit lang.. Sobrang sakit ng mga narinig ko kanina kay Pakialamero. Kanina ko pa inis na pinapahiran ang mga luha kong patuloy sa pagtulo habang nakaupo rito sa parke. Bakit ganoon siya magsalita sa akin? Bakit imbes na mag-alala siya dahil mag-isa kong hinanap ang bomba roon sa loob ay galit at panlalait pa ang natanggap ko sa kaniya. Hindi niya ba alam yung kaba at panginginig na idinulot sa akin kanina habang hinahanap yung bomba? Ayos lang naman sa akin na sabihan akong bobo ng paulit-ulit pero yung hindi ako bagay maging pulis? Ang sakit lang... Kasalanan ko ba na gusto kong maging pulis? Kasalanan ko bang ginagawa ko ang lahat para maging katulad ng mga magulang? Kasalanan ko bang bobo at tatanga-tanga ako?! Hindi ko inaasahang sa kaniya mismo maririnig ang mga bagay na iyon. Kung kay Dad siguro galing lahat ng iyon mas natanggap ko pa kasi alam kong dati pa siyang tutol sa gusto ko. Pero galing kay Pakialamero? Akala ko siya lang ang kaisa-isang nagtitiwala na magagawa kong maging pulis kahit puro kapalpakan ang nagagawa ko. Pero hindi pala.. "You always look ugly when crying.." agad akong napalingon sa likod ko at nakita roon si Black na nakapamulsang nakatanaw sa mga bituin sa langit. Hindi ko inaasahan ang biglaang pagsulpot niya kaya agad kong pinahiran ang mga luha ko gamit ang kamay ko. "Sa susunod, magdala ka na lagi ng panyo." dagdag niya pa at napanguso naman ako. Wala talaga sa timing ang isang ito. Sana man lang nakisabay muna siya sandali sa mood diba? Tch. "Hindi naman kasi ako na inform na papaiyakan na naman pala ulit ako. " sabi ko pa at mabilis naman siyang lumingon sa akin. Napanguso nalang ako at tiningala ang mga bituin sa langit. "Paano mo nga pala nalamang nandito ako?" taka kong tanong sa kaniya nang maramdamang wala na siyang balak magsalita pa. Bakit kaya ang tamad magsalita ng taong ito? Yun bang feeling na parang mapapahiya ka nalang kasi deadma bigla? Tsk! Makaganti nga next time. "I looked for you." Agad ko siyang nilingon dahil sa sinabi niya. Hanuraw?! "B-Baket?" taka kong tanong at nasa mga bituin parin ang paningin niya. Matagal bago siya nagsalita kaya napairap nalang ako. Jusko, isa pang deadma pa-- "I'm worried." dumako ang tingin niya sa akin at hindi ko naman maipaliwanag ang kabang idinulot ng mga titig niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD