Willfredo Bartolome's POV
(Inspector Will)
Mataman akong nagbabasa ng mga kakapasa pa lamang na mga dokumento rito sa opisina ko.
Sa tinagal-tagal ko nang nagta-trabaho rito sa Asuncion ay ngayon lamang nangyari na sunod-sunod na krimen ang aming natatanggap mula sa mga residente.
Walang tigil na halos araw-araw ay may nakawan, hold-upan, r**e at p*****n na nagaganap sa lungsod.
Napailing nalang ako sa mga nabasa kong case reports at patapon itong inilagay sa patong-patong na kahon na nasa gilid ng mesa ko.
Pasimple kong inihilig ang aking ulo sa sandalan ng upuan at napapikit na lamang sa pagod na naramdaman.
Maya-maya ay pabagsak na bumukas ang pintuan ng aking opisina dahilan upang mapaayos ako sa aking pagkakaupo.
"Herrera--" Nagulat ako nang pabagsak niyang ilipag sa harap ko ang mga folder na bitbit niya. "Ano ang mga iyan?" taka kong tanong at kitang-kitang ko ang galit sa mga mata niya.
"Nasaan ang bangkay ng kapatid ko." kumunot ang noo ko sa tanong niya. Nag-angat ako ng tingin at nakitang tiim bagang na siyang nakatitig ng diretso sa akin.
Sa di malamang dahilan ay agad akong binalot ng kaba. "D-Diba sinabi ko na sa iyo dati na w-wala akong nalalaman--"
"Paanong wala kang nalalaman!" galit na giit niya at hinampas pa ang mesa na nasa harap ko na ikinagulat ko. "Kontrolado mo ang galaw at ginagawa ng lahat ng detective rito sa Asuncion." huminto siya sa pagsasalita at mataman akong tinignan sa mata na ikinabahala ko naman. "Wala ka ba talagang nalalaman o nagmamaang-maangan ka lang?"
"Ayusin mo ang pananalita mo sa harap ko Herrera." ma-awtoridad kong sabi sa kaniya. Nagulat ako nang matunog siyang ngumisi sa kawalan at iiling-iling na timitig sa akin.
"Bakit hindi mo nalang aminin, Chief Inspector Willfredo Bartolome... na bayaran kang pulis?"
"Herrera!" galit na sita ko sa kaniya. Nandoon parin ang galit sa mga mata niya na hindi ko talaga maintindihan kung ano ang dahilan.
Ano ang nalalaman niya?
"Akala ko mapagkakatiwalaan ka. Tss. Nagkamali pala ako." kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Unang-una pa lang alam mo na kung bakit ako pumasok dito bilang pulis, hindi ba? Alam mo ring gaano kong kinamumuhian ang trabahong ito dati pa. Alam mong hindi ko ginustong maging pulis pero pinagsikapan ko para maimbestigahan ang kaso ng kapatid ko." tumigil siya sa pagsasalita at pinilit na huminahon. "Hindi lang kita nirespeto bilang nakakatataas sa akin Inspector, nirespeto kita na parang Ama ko." Agad akong natigilan sa mga narinig ko.
"Inspector! Naipasa ko hahaha!" patakbong pumasok ng opisina ko si Herrera at inilapag sa harap ko ang resulta ng NIE (National Investigator's Exam) niya.
"Magiging pulis na ako." dagdag niya pa, nang may ngiti sa labi.
Kinuha ko yung papel na nasa harap ko at napatayo sa tuwa. "Tsk! Tsk! Napabilib mo na naman ako, Herrera." tuwang sabi ko at ginulo ang buhok niya. Hindi ko maitago ang tuwa ko sa tuwing nakikita ko kung gaanong nagsisikap ang batang ito sa propesyong hindi naman niya gusto.
"Dahil sa inyo lahat 'yan, Inspector. Salamat sa tulong. Ikaw lang ang iniidolo kong pulis at wala nang iba pa." nakangiting saad niya saka sumaludo pa sa harap ko.
"H-Herrera..." usal ko at agad na napatayo mula sa pagkakaupo.
"Katulad ka rin pala ng ibang pulis. Wala kang pinagkaiba sa kanila." naiyukom niya ang kaniyang kamao habang diretsong nakatitig sa akin. Ramdam ko ang tensyon na ipinupukol niya sa akin.
"Herrera pakinggan mo ako--"
"Papakinggan lang kita Inspector kung sasabihin mo sa akin ang totoo. Lahat ng dokumento na nasa harap mo ay ebidensya na patay na ang kapatid ko. Ang hinahanap ko ngayon ay ang autopsy investigation report na ginawa ninyo." Napapikit ako at sunod-sunod na napabuntong hininga. "May pag-iimbestiga nga ba talaga kayong ginawa sa bangkay ng kapatid ko?"
"H-Hindi namin hawak ang bangkay ng k-kapatid mo." diretsong sabi ko sa kaniya at inaasahan ko na ang muli niyang paghampas sa mesa ko. Nakita kong inis siyang napapikit at napasabunot sa buhok niya. Nakaawang pa ang kaniyang bibig na parang hindi makapaniwala sa narinig. Mas lalong tumalim ang titig niya sa akin dahilan upang maramdaman ko ang panunuyo ng lalamunan ko.
Pabagsak akong bumalik mula sa pagkakaupo at napasapo sa noo dahil sa mga narinig. Hindi ko sinasadya.. Hindi ko talaga sinasadya..
"Kung ganoon.. Pinaglalaruan mo lang ako, Inspector Will?"
"Hindi sa ganoon Herrera--"
"Kung ganoon, bakit hindi mo agad sinabi sa akin?! Nagmukha akong tanga sa trabahong ito, wala naman pala akong mapapala!" inis niyang sigaw sa harap ko.
Hindi ko siya masisisi sa galit niya sa akin ngayon. Inaamin kong itinago ko sa kaniya ang lahat. Napakawala kong kwentang pulis.
Hindi ko na malaman ang sasabihin ko kaya nanatili akong nakayuko at hinilot-hilot ang ulo ko upang mailabas ang bigat na nararamdaman.
Nagtaka naman ako nang bigla niyang ilapag sa mesa ko ang police ID niya.
"A-Anong g-ginagawa mo? " taka kong tanong at tinignan siya ng diretso sa mata.
"Aalis na ako." mataman niyang sabi at inayos ang suot na jacket na parang walang nangyaring sagutan sa gitna namin kani-kanina lang.
"Herrera. Pag-usapan natin ito.." pigil ko sa kaniya nang akma na siyang tatalikod palabas ng opisna.
"Ikinahihiya kong maging pulis, Inspector Will." sabi niya at pabagsak na isinara ang pintuan ng aking opisina.
Inis ko namang nasipa ang mesang nasa harap ko at napasabunot sa buhok kahit wala na akong buhok.
Patawarin mo ako Herrera...
Kieyrstine Lee's POV
"Kieyrstine!" Nagulat ako nang kakapasok ko palang ng presinto ay salubungin na ako nina Xavier at Nate.
Ano na namang problema ng dalawang ito?
"Bilisan mo. Pigilan mo si Detective Herrera." sabi ni Nate habang kinakaladkad ako papasok sa departamento.
"Pigilan? A-Ano bang nangyayari?" inis kong tanong. Hindi naman ako sinagot nung dalawa at tuloy lang sa pagkaladkad sa akin papunta sa loob. Kulang nalang ay lagyan nila ako ng tali at hilahin na parang kambing.
Nang makapasok sa departamento ay agad nila akong binitawan. Inis naman akong napatingin sa braso ko na namumula dahil sa sakit ng pagkakahila nila sa akin kanina.
Bwiset!
"Kieyrstine, pigilan mong umalis." bulong ni Detective Phoenix sa akin at ngumuso sa harap.
Taka naman akong sinuyod ng tingin yung nginuso niya at nakita ko si Herrera na nilalagay ang mga gamit sa kahon.
Umalis? Tch.
Mataman akong napailing.
"Kieyrstine, sige na pigilan mo na dali." biglang sabi ni Nate na nasa gilid ko pa pala. Pansin kong parang balisa ang lahat ng nandito sa departamento habang nakatingin kay Herrera na nagsisilid ng kaniyang gamit.
"Pigilan?" bigla ay taka kong tanong habang diretsong nakatingin kay Herrera. Agad naman na napalingon sa akin ang ibang pulis na nakarinig nung sinabi ko. "Bakit ko naman pipigilan? Hayaan ninyo siyang umalis." sagot ko at walang ganang nagtungo sa mesa namin kung saan malapit lang sa kinatatayuan ni Herrera. Inilapag ko roon ang bag ko at kinuha sa cabinet yung mga gears na gagamitin para sa firearm training.
Napansin ko pa na nilingon ako ni Herrera pero hindi ko siya tinapunan ng tingin at nagtuloy-tuloy lang sa pagkuha nung mga gamit na gagamitin.
Pansin ko mula sa gilid ng mata ko na binuhat na niya ang mga kahon na kanina lang ay inaayos niya. "Teka lang." bigla ay pigil ko nang akma na siyang tatalikod para umalis. Mabilis naman siyang humarap sa akin at kunot-noo akong tinignan.
Naglakad ako palapit sa kaniya at may dinukot sa bulsa ko. "Nakalimutan mo." sabi ko sabay abot sa kaniya nung anklet. Salubong ang kilay niyang nag-angat ng tingin sa akin. Kitang-kita ang pagtataka sa mukha niya habang kinukuha ito sa kamay ko. Pasimple akong napangisi. "Sa susunod wag kang burara sa mga gamit mo ha?" sabi ko at tinapik pa ang balikat niya na mas lalong ikinatigil niya niya.
Kinuha ko yung mga gears at bag ko na nakapatong sa mesa saka naunang lumabas ng departamento para magtungo sa SR Room.
------
Sunod-sunod kong ipinutok ang baril na hawak ko sa tatlong target system na nasa harap ko. Nang wala akong matamaan ay inulit ko na naman ito. Halos sumakit na ang kamay ko sa paulit-ulit kong ginagawa. Pero hindi ako tumigil. Gustong kahit may isa man lang na matamaan sa kanila. Hindi ako aalis rito hangga't wala akong natatamaan.
"You need a break." nagulat ako ng may masalita sa likod ko. Ibinaba ko ang baril mula sa pagkakatutok sa harap at nilingon yung nagsalita. Nanlaki ang mata ko nang makita si Black na nakatayo sa gilid ko.
Diretso siyang nakatitig sa mga target systems na hindi ko matama-tamaan kanina pa.
"You've been practicing for two hours. Aren't you tired?" tanong niya at dinampot ang baril na nasa harap niya.
"Ayokong magpahinga." sabi ko at napapikit naman ako nang bigla niyang paputukan ng isang beses ang target system na nasa harap.
Ganoon nalang ang mangha ko nang masapul niya ang pulang dot sa noo nito. Woah!
"P-Paano mo yun nagawa?" namamanghang usal ko habang nasa target system parin ang paningin. A-Ang galing niya.
"Focus." sabi niya at lumapit sa akin kaya napaatras naman ako ng konti. "There's something bothering you." dagdag niya pa at nakapamulsang tinignan ako. Napamaang ako sa sinabi niya ngunit agad ko ring iniwas ang tingin ko.
"W-Wala namang gumugulo sa isip ko."
"I've been observing you here for almost 2 hours. Sa loob ng dalawang oras na iyon, wala kang natatamaan. Isn't that strange?" sabi niya at napabuntong hininga nalang ako.
Nagulat ako nang kunin niya yung baril sa kamay ko at tanggalin yung earmuff mula sa pagkakasukbit sa ulo ko.
"Give yourself a break." utos niya at tumango nalang ako.
Sa totoo lang kasi pagod na pagod na talaga ako pero gusto ko talagang may mataam na kahit isa man lang sa mga target.
Agad akong nagtungo sa mga upuan na nasa gilid at pabagsak na inupo ang sarili. Isinandal ko ang ulo ko sa pader na nasa likod ko saka napapikit. Sunod-sunod na paghinga ang pinakawalan ko dahil ramdam ko ang bigat sa dibdib ko. Naging matunog ang paghinga ko na animo'y pagod na pagod sa nangyari.
Nakakapagod ang araw na ito. Ang daming gumugulo sa isip ko. Hindi ako nagkaroon ng sapat na pahinga kagabi pa.
"Detective Herrera." agad akong nagmulat ng mata at napaayos ng upo dahil sa narinig. Inilibot ko ang paningin ko pero hindi ko siya nakita sa paligid kaya inis kong tinapunan ng tingin si Black. "So, it's him." tatango-tangong sabi niya at umiiling pang umupo sa gilid ko.
Natigilan ako nang marealize ang ginawa niya. Tch. "Anong it's him?" inis kong sabi sabay irap sa kawalan. Buset! Marunong palang mang trip ang isang ito? Akala ko puro seryosong bagay lang ang nasa isip niya. May pagka abnormal rin pala.
"Yung gumugulo sa isipan mo." sabi niya pa at hindi ko naman maiwasang manlumo at itago ang nararamdaman. Bigla akong nakaramdam ng matinding inis pero sa tingin ko ay mas lamang ang lungkot dito. Hindi ko talaga maintindihan.
Hindi ko inaasahan ang biglaang pagtulo ng mga luha ko. Agad ko itong pinahiran gamit ang likod ng palad ko.
Jusko! Bakit ba ako umiiyak?
"Spill it." biglang sabi ni Black na ipinagtaka ko naman pero hindi ko siya nilingon. Diba dapat spell yun? "Patuloy yang gugulo sa isip mo kung hindi mo ilalabas." dagdag niya pa at gusto ko nang mainis sa ginagawa niya.
"A-Ano bang pinagsasabi mo?" Maangmaangan ko parin habang nasa malayo ang paningin. Pinipigilan ang muling pagtulo ng luha. "W-Walang gumugulo sa isip ko okay? N-Napuwing lang ako. N-Napakaalikabok kasi rito sa SR Room." palusot ko pa at nakita ko sa gilid ng mata ko na napailing siya.
Aish!
"Oo na! Aamin na ako." bigla ay suko ko saka hinayaan nang tumulo ang mga luha sa pisngi. Bwisit. "Nakakainis lang kasi siya eh." sabi ko sabay yukom ng palad ko. "Hindi ko akalain na magagawa niya iyon. Wala siyang karapatan na pagdudahan ang parents ko. Hindi niya kilala sina Mom at Dad. Hindi niya ba naiisip ang nararamdaman ko ha? Sabagay, wala naman siyang pake sa ibang tao. Sarili lang niya iniisip niya." inis kong pinunasan muli ang mga luha ko gamit ang palad ko. "Sobrang galit ang nararamdaman ko sa kaniya ngayon. Gusto ko siyang sabunutan at sapakin sa harap ko. Gusto ko siyang tadyakan, bugbugin, balatan at pakuluan ng napakamainit na tubig." inis kong sabi habang iniisip na ginagawa ko yun kay Pakialamero. "Pero hindi ko iyon magawa. Ni ang magalit nga sa kaniya ay hindi ko kayang patagalin. Hindi ko alam kung bakit. Hindi ko alam anong nangyayari sa akin." Huminto ako sa pagsasalita at nilunok muna ang lahat ng laway sa bibig. "Kanina nung malaman kong aalis siya. Gusto ko siyang sampalin. Pagkatapos nung mga nalaman ko, aalis lang siya? Huh! Ang kapal kapal talaga! Ni wala nga akong paliwanag na natanggap. Sabagay, umalis naman agad ako pagkatapos kong maibigay yung anklet niya. Pero sana man lang diba? Sinundan niya ako! Sana man lang diba nagpaliwanag siya roon sa nakita ko. Kahit sa text man lang ayos na pero leche siya! Wala akong natanggap! Bwisit!" gigil kong sigaw sabay sipa sa ere.
Hindi ko na napigilan at napahagulhol na talaga ako sa pag-iyak. Bwisit ka talaga sa buhay ko Pakialamero!
Nilingon ko si Black nang mapansing hindi na siya umiimik. Ganoon nalang ang gulat ko nang magtama ang titig namin. Seryoso siyang nakatitig sa akin na para bang binabasa ang mata ko. Hindi ko maintindihan ang ginawa niya nang sandaling iyon.
Iiwas na sana ako ng tingin nang bigla niyang pahirin ang luha sa pisngi ko gamit ang hinlalaki niya. Pakiramdam ko ay naubusan ako ng hininga nang maramdamang dumampi ang kamay niya sa pisngi ko. "You reminds me of her."
Natigilan ako sa narinig ko. Her?
"Sino?" taka kong tanong at mabilis naman niyang tinanggal ang titig sa akin na para bang natauhan bigla saka tumayo mula sa pagkakaupo.
"Nothing." sabi niya na ikinainis ko naman. Tsk! "If you need something. I'm just in my office." sabi niya at maglalakad na sana paalis nang hawakan ko ang laylayan ng uniporme niya.
"Iiwan mo ko rito?" taka kong tanong at inilibot naman niya ang paningin sa paligid.
"Yeah, why?" taka rin niyang tanong sa akin pabalik.
"W-Wala bang multo rito?" tanong ko at mabilis namang nagsalubong ang kilay niya.
Nasaan ba kasi sina Kuya Carter. Ba't di sila sumunod rito?
"Meron." biglang sabi niya na ikinalaki naman ng mata ko. Mabilis akong napatayo mula sa pagkakaupo at kinuha ang bag ko sa upuan.
Jusko huhuhu. Sabi na eh, kasi nung una akong pumasok rito parang may kakaiba eh.
Narinig ko siyang nagpigil ng tawa kaya inis ko siyang tinapunan ng tingin.
"Insane." iiling iling niyang sabi saka nakapamulsang naglakad palabas. Mabilis naman akong sumunod habang yakap-yakap parin ang bag.
----
"You want coffee?" tanong niya pagkapasok na pagkapasok namin sa opisina niya. Mabilis naman akong tumango at agad na nagderecho paupo sa sofa. Pumasok siya sa isang silid na hindi ko alam kung ano kaya naiwan akong mag-isa sa labas.
Woah. Namiss kong maglagi rito.
Kaya habang wala pa si Black ay naglibot-libot ako sa loob ng opisina niya. Matagal ko na itong gustong gawin kaso nandyan naman siya. Baka kung anong isipin niya sa akin. Psh.
Nagtungo ako papunta sa isang cabinet kung saan maraming certificates na nakaframe ang nakapatong sa ibabaw. Hindi ko maiwasang mamahangha sa mga nakuha niya. Ang galing-galing niya talagang detective hihi. Curious tuloy ako kung saan siya unang nagtrabaho bilang pulis bago napunta rito sa Asuncion.
"Oh?" napangiti ako nang makita ang isang frame na nakatago sa pinakalikod ng mga certificate. Natawa pa ako nang makita ang itsura ni Black doon habang hawak ang isang papel na mukhang award na naman na nakuha niya. Halata sa mukha niya na napilitan lang siya sa litrato na iyon. Nakabusangot ang kaniyang mukha at salubong ang kaniyang kilay. Sa gilid niya ay isang edarang babae pero sa kabila nun ay kitang-kita parin ang ganda nito. Nanay niya siguro ito.
Agad na nawala ang ngiti ko nang maalala yung katangahan ko..
"Teka nga.." biglang sabi ko nang may maalala. Nilingon ko si Pakialamero at taka naman niya akong tinignan. "Paano ka nagkaroon ng kapatid na picture frame? Pwede ba yun? I mean, bakit---"
"Wala na ang kapatid ko." sabi niya at agad naman akong napatakip sa bibig ko.
"So, naging picture frame siya? Lah? Parang ang imposible naman nun."
Aish! Marahan kong sinampal ang sarili ko at ibinalik yung picture sa kinalalagyan nito.
Niningon ko yung silid na pinuntahan ni Black at nagtaka dahil hindi parin siya lumalabas mula roon. Ang tagal namang magtimpla ng kape ng isang 'yun.
Dahil wala pa si Black ay tinungo ko ang table niya. Mwehehe sulitin ko na ito. Gusto ko rin kasing malaman kung anong pinagkakaabalahan niya sa mesang ito. Infainess, napakalinis ng opisina niya. Yung table niya hindi man lang nagkalat ang mga papel. Maayos itong nakalagay sa iisang folder.
Marahan akong umupo sa swiveled chair niya saka pinaikot-ikot iyon. Umayos ako ng upo saka tumikhim.
"Come in." sabi ko seryosong tono saka parang tanga na napangiti. Muli akong sumeryoso at tumingin ng diretso sa ere.
"May kaso ba na lulutasin ngayon? Kung meron pakilapag nalang sa mesa." sabi ko pa saka marahang sumandal sa upuan. "Kung wala ka nang kailangan. You may leave." dagdag ko pa habang nakapandekwatro at nakahawak sa baba.
Muli kong pinaikot yung swiveled chair saka natawa nang sunod-sunod. Amp! Para kang timang Kieyrstine. Sita ko sa sarili ko at mabilis na napailing.
Dumako ang tingin ko sa laptop na nasa harap. Saka ito dali-daling binuksan. Kunwari ay masakit ang ulo ko sa mga kasong iniimbestigahan kaya marahan ko itong hinihilot-hilot habang ang mga kamay ay kinakalikot ang keyboard.
Amp may password. Tch.
Inis ko nalang na sinarado iyon uli at ipinatong nalang ang mga paa sa mesa. Kinuha ko yung folder na nakapatong sa mesa at kunwari naman ay nagbasa-basa.
Tumango-tango pa ako na parang naintindihan yung binabasa. Pero jusko, ang hahaba naman ng mga paragraph na nakasulat. May mga article-article pa at kung anu-ano.
Pero infairness ang cool parin talaga maging detective. Naiimagine ko tuloy ang sarili ko sa posisyon ni Black hihihi.
"Rowella Gomez .." usal ko nang makita ang profile ng babae sa folder na kinuha ko. "Verna Landero..." teka? Ito yung mga biktima ng murder ah? Agad akong napahinto at napaalis mula sa pagkakasandal habang ang mga paa ay patuloy na nakapatong.
Iniimbestigan niya ba ulit yung nangyari? Kung ganoon hindi lang pala kami ni Pakialamero ang nag iimbestiga ulit sa kasong iyon?
May nalalaman kaya siya sa nangyaring murder, 7 years ago?