Chapter 7: Murder

2855 Words
Someone's POV "300 po lahat." sabi nung cashier sa akin matapos kong bilhin ang gamot ng aking ina. Agad akong kumuha ng pera sa maliit kong pitaka at tamang-tama lang perang dala ko para sa gamot. Agad ko iyong ibinayad at umalis ng drugstore. Naisip kong maglakad nalang pauwi tutal wala na rin akong pera na maipapamasahe. Habang naglalakad sa isang madilim at tahimik na eskinita ay kakaibang takot at kaba ang naramdaman ko nang may mapansin akong sumusunod sa akin. Tumigil ako sandali sa isang tindahan at nagpalipas ng ilang minuto bago itinuloy muli ang pagkalakad pauwi ng bahay. Pabilis ng pabilis ang aking paglalakad hanggang sa tumakbo na nga ako dahil pakiramdam na nasa likod ko lang ito. Dinig na dinig ng magkabilang tainga ko ang mga mabibilis na yapak na sumusunod sa akin. Hingal na hingal na ako at gusto ko nang itigil ang aking pagtakbo. Lumingon ako sa aking likod at napasigaw nalang nalang nang may tumamang matalim na bagay sa aking tiyan. Tumulo ang luha ko habang nakatingin sa lalaking nasa harap ko. Dahan-dahan akong umatras ngunit marahas niyang dinakma ang aking leeg dahilan upang mahirapan ako na sumigaw. Ramdam na ramdam ko ang hapdi ng pagkakasaksak sa aking tiyan ngunit isa na namang muling saksak sa naramdaman ko bago ako nawalan ng malay at bumagsak sa lupa. Kieyrstine Lee's POV "Manang, I'm Home." sabi ko pagkabukas ng pinto ng bahay. Hindi ko inaasahan na maaabutan ko sa bahay sina Mom at Dad na halatang nagmamadali. May kausap sa telepono si Dad habang inaayos ang mga gamit sa kaniyang maliit na suit case. Nilapitan ko si Mom na nagsusuot ng kaniyang uniporme. "Mom? Anong nangyayari?" taka kong tanong sa kaniya at tinulungan siyang magsuot niyon. "May krimen na nangyari sa kabilang village at kailangan naming puntahan agad iyon." sabi niya sa akin. "Let's go." sabi ni Dad na hindi man lang ako tinatapunan ng tingin. "I-ingat po kayo Mom.. Dad." sabi ko at hinalikan naman agad ni Mom ang noo ko. "We will, baby." sabi nito at niyakap ako. "We have to go." sabi niya at lumabas na sila ng bahay ni Dad. Napabuntong hininga nalang ako at dumerecho sa sala upang maupo. Agad namang lumapit sa akin si Manang at kinuha ang mga gamit ko para ilagay sa kwarto. "Kumain ka muna, Hija. Nakahanda na sa lapag ang mga pagkain." sabi niya sa akin. "Sige po Manang. Magpapahinga lang ako sandali." sabi ko at sumandal sa sofa saka ipinikit ang mga mata. Sayang umalis sila. Ibabalita ko sana kina Mom na tinanggap ko ang alok ni Inspector Will at magiging trainee ako sa departamento nila ng dalawampung linggo. Hindi ko alam kung matutuwa ba si Dad kasi dati pa naman ay tutol na siya sa kagustuhan ko. Habang tinitignan si Mom kanina na isinusuot ang uniporme nila ay di ko maiwasang i-imagine iyon sa sarili ko. Di ako makapaghintay na makahawak ng ganoong klase ng kaso. Hindi ko alam kung magiging madali ba sa akin ang training. Bukod kasi sa bobo ako ay si Pakialamero pa ang magiging mentor namin. Hindi ko naman magawang magreklamo kay Inspector baka isipin niyang ginagamit ko apelyido ko para magreklamo pero kung tutuusin pwede talaga akong magreklamo at papalitan si Pakialamero. Pwede ko iyong i-request kay Mom pero ayoko, baka pag isipan nila ako ng hindi maganda. "Tine hija, kumain ka muna." napamulat ako sa pagtapik ni Manang sa akin. "Ang tagal mong nakauwi. Saan ka ba galing?" tanong nito sa akin. "Dinaanan ko po yung puntod ni Kuya tsaka nagpunta rin ako sa Asuncion." "Sa estasyon ng mga police? Anong ginawa mo roon?" tanong nito na nagtataka. "Nag offer po kasi si Inspector Will sakin Manang na magtrabaho sa departamento nila Mommy." "Anong trabaho naman hija? Taga linis?" tanong nito at sumama ang tingin ko sa kaniya. "Waw Manang ah? Savage ka sa akin." sabi ko na kunyare nagtatampo. "Eh anong trabaho ba iyan?" tanong nito at napanguso nalang ako. Seryoso talaga siya? "Training po bilang detective." sagot ko at hindi man lang nagbago ang ekspresyon niya. "Kumain ka na. Nag-iilusyon ka na naman." sabi niya at inakay ako papuntang kusina. "Manang naman eh! Seryoso nga ako!" nagdadabog at nakanguso akong sumunod sa kaniya sa kusina. Nakita ko namang tumawa siya. "Pinagt-tripan n'yo ba ako Manang ha?" inis kong sabi sa kaniya at napailing lang siya. "Naku Kierystine, hindi ko na yata mabilang kung pang-ilang beses mo nang sinabi sa akin ang ganyan." sabi pa nito at niglagyan ng kanin ang plato ko. "Eh seryoso nga ako!!" naiiyak na naiinis kong paliwanag sa kaniya pero tumawa lang talaga siya. "Manang bobo lang ako, pero maganda ako." sabi ko at agad naman siyang napatingin sa akin. "Oh? Anong konek?" tanong nito sabay tawa na naman. "Eh totoo nga kasi ang sinasabi ko. May ebidensya ako!" sabi ko at agad na tumakbo papunta sa kwarto at kinuha yung sulat ni Inspector Will para ipakita sa kaniya at maniwala na siya. Nang makabalik sa kusina ay tumatawa na naman siya. "Eto. Basahin n'yo po nang maniwala kayo." sabi ko sa kaniya sabay abot nung papel. "Kumain ka na muna babasahin ko iyan maya-maya." sabi niya at pinagsalinan ako ng tubig sa baso. "Hindi ako kakain hangga't di mo yan binabasa Manang." sabi ko at pinipilit sa magseryoso. "Manang-mana ka talaga sa Ate mo. Naalala kong ganitong-ganito rin siya sa akin nung hindi ako maniwalang may nagpapadala sa kaniya ng liham sa iskol." saad nito habang binubuklat yung papel na ibinigay ko. Napahinto naman ako at natahimik sa kaniyang sinabi. "Oh! Totoo nga talaga." tuwang-tuwang sabi nito matapos mabasa ang sulat. "Akala ko ikay nag-iilusyon ka na naman haha!" sabi nito. "Manang.." sabi ko at napatingin naman siya sa akin. "Simula ba noong mawala si Ate ay hindi na talaga siya nahanap pa?" tanong at nakita ko ang seryosong ekspresyon sa mukha niya. Naupo siya sa tabi ko at hinawakan ang braso ko. "H-Hindi ko alam hija." sabi nito na halatang pinipigilan ang sarili na magsalita. "Kumain ka na." pag-iiba niya bigla sa usapan. Tinapos ko na agad ang pagkain saka umakyat na ng kwarto. Isa rin sa dahilan kung bakit gusto kong magdetective ay upang ipagpatuloy yung mission ni Kuya Alter, ang hanapin si Ate Andrea. Si Ate Andrea ay totoo kong kapatid. Sa pagkakatanda ko sa paliwanag ni Mom noon ay pinatay ang mga magulang namin ni Ate Andrea at hindi mahanap kung sino ang mga iyon. Dahil sa awa ay inampon kami ng mga Valler. Saksi ako sa kung sino ang pumatay sa kanila dahil sa harap mismo namin ni Ate ito ginawa. Pero wala akong maalala. Dahil sa trauma ay hindi ko na maalala pa ang mga nangyari dati. Tanging mga hagulhol at iyak nalang namin ang paulit-ulit na bumabalik sa isip ko nang mga panahong iyon. After nung dalawang taon naming pamamalagi sa puder ng mga Valler ay naglayas si Ate Andrea at hindi na siya nahanap pa mula noon. Si Ate rin ang naging dahilan kung bakit maagang pumasok sa pagiging police si Kuya Alter. Sa pagkakatanda ko rin ay dahil sa paghahanap kay Ate Andrea maagang nabawian ng buhay si Kuya Alter. I know how much Kuya Alter loves Ate Andrea.. Mala Jack and Rose ang lovestory nila. They both end up into a tragic ending. Topher Herrera's POV "Grabe 'yung nangyari kagabi. Sumasakit na ang ulo ko sa paggawa ng case report!" ani Sergeant Ibarra habang nagtitipa sa harap ng kaniyang computer. "Nahihirapan din kaming i-trace yung killer. Sobrang linis. Pakiramdam ko masyado na siyang bihasa sa ginagawa." dagdag pa ni Axel. Napaisip naman ako sa pinagsasabi nila. Tama si Axel, halatang bihasa sa pagpatay yung killer dahil ni isang ibidensya ay wala kaming makita. Hindi rin namin ito pwedeng tawagin pang serial killing dahil isang beses palang itong nangyari rito sa bayan ng Asuncion. Naghahanap pa kami ng reports mula sa iba't ibang lugar na malapit sa Asuncion kung mayroon din ba silang naitalang ganitong uri ng kaso. Napasandal ako mula sa aking inuupan habang tinitignan ang mga litratong kuha sa biktama kagabi. "Nakakapagtaka dahil base sa inilabas na report ng laboratoryo kanina ay hindi ginahasa ang biktima." dagdag ni Axel. "Ang nakakapagtaka pa. Halatang puso talaga ang target na kunin nung killer." ani Sergeant Ibarra. Halos hindi kami makatulog ng maayos kakaimbestiga sa nangyari kagabi. Talagang wala kaming makalap na impormasyon tungkol sa killer. "Ikaw Topher? May ideya ka ba? Ikaw ang mahilig sa mga ganitong uri ng kaso." pagbibiro sakin ni Sergeant. Nilingon ko sila saka umiling. "Wala. Pero hindi ko hahayaang palampasin ang kasong ito." seryosong sabi ko sa kanila. Alam ko rin na hindi hahayaan ng mag-asawang Valler na palampasin ang ganitong uri ng kaso. Kadalasan silang nakatuon sa mga murder cases at nakakabilib na nalulutas nga nila ito. Ngunit ang ipinagtataka ko sa mag-asawang ito ay ang hindi nila malutas na kaso ng kanilang anak na si Alter Valler. Nakakapagtaka na pinabayaan lamang nila ito na wala man lang kilos o imbestigasyon na ginawa. Alam kong malaki ang kaugnayan ng pagkamatay ng kapatid ko sa pagkamatay ng kanilang anak. Hindi iyon isang simpleng car accident lamang. Sigurado ako roon. Agad kaming napalingon sa may pintuan nang pumasok nga ang mag-asawang Valler sa loob ng departamento at dumerecho sa opisina ni Inspector Will. "May ebidensya na kaya silang nakuha?" bulong ni Axel habang pasilip-silip pa sa may pintuan ng opisina. "Hindi na ako magtataka kung meron." dagdag pa ni Sergeant Ibarra saka ipinagpatuloy ang pagtitipa. Agad kong inayos ang mga gamit ko at tumayo. "Oh saan ang punta mo?" tanong ni Sergeant Ibarra. "May titignan lang." sagot ko saka agad na lumabas ng departamento. Agad akong nagmaneho papunta sa lugar na pinangyarihan ng krimen. Alam kong wala na akong aabutan roon ngunit maaari ko pang ma trace kung saan nga ba galing ang biktima bago nangyari sa kaniya yung pagpatay. Nang makarating ay agad akong bumaba roon. Makikita parin sa itsura ng mga taong nandoon ang pagtataka at pagkatakot sa nangyari kagabi. May mga nang-uusap at nagku-kwentuhan. Halatang gumagawa nalang ng kuwento yung iba para gawing interisante ang nangyari. "Huminto pa nga yun sa tindahan ko kagabi. Nagpalipas ng ilang minuto. Hindi ko na tinanong kasi nanonood ako ng palabas sa telebisyon." sabi ng isang matandang babae sa mga kausap niya. "Ang sabi naman ng mga kalapit na bahay roon ay wala silang narinig na sigaw. Maaaring mga nanggagambalang nilalang talaga ang gumawa nun sa babae." napailing nalang ako sa walang kwentang narinig. Nagpatuloy ako papunta sa crime scene. Malinis na at wala nang anumang bakas pa ng krimen ang naiwan doon. Tanging barricade tape nalang na bumabalot sa paligid ng pinangyarihan ng insidente. Kumunot ang noo ko nang makita ang isang hindi halos katandaan na lalakeng tahimik na nakatayo roon. Nakasuot ito ng itim na cap at itim na mano. Seryoso siyang nakamasid sa paligid na animo'y may hinahanap. "Kilala mo ba yung biktima?" halos mapatalon siya sa gulat nang magsalita ako. Inayos niya ang kaniyang cap at saka tumikhim. "Hindi." sagot niya. "Mauna na ako." sabi pa nito at nagmadaling umalis sa lugar. "Sir.. Sir." agad akong napatingin sa gilid ko nang may kumalabit sa aking edarang babae. "Police ka diba?" sabi nito sa akin at humarap naman ako sa kaniya bago tumango. "N-nakita ito sa may damuhan kanina." sabi niya at ibinigay sa akin ang isang bagay na nakabalot ng plastic. "Huwag po kayong mag-alala sir, hindi po namin nahawakan iyan. Baka makatulong iyan sa imbestigasyon ng kawawang batang iyon." dagdag pa nito. Kinuha ako ang iniabot nung babae at inilagay sa bulsa. "Maraming salamat. Asahan ninyong mahahanap namin ang may gawa nito sa maikling panahon." saad ko dito at aalis na sana siya nang pigilan ko. "Maaari ko bang malaman kung sino ang nakakita nito?" tanong ko sa kaniya. "Iyong lalaking naka cap na nakatayo rito kanina sir." "Kilala n'yo ba ang lalaking iyon?" tanong ko sa kaniya at umiling naman siya. "Hindi ho. Hindi pamilyar yung mukha eh. Pero dalawa sila nung anak ko ang nakakita dyan sir kaya sigurado akong galing 'yan dun sa suspek o biktima man." Nakakapagtaka.. Imposibleng nakita ito ng mga taong naroon lang kung kaninang madaling araw ay halos wala nang tulog ang mga pulis kakahanap ng ebidensya ngunit wala silang nakapa kahit isa. Tinanguan ko nalang yung babae saka ako naglakad papalapit sa motorsiklo ko at nagmaneho pabalik sa estasyon. Nang makarating ay agad akong dumerecho sa laboratoryo para kuhanan ng finger print ang ballpen na nakuha ng mga residente doon. Kailangan ko ring mahanap ang lalakeng iyon sa madaling panahon. Kung sino ka man.. Makikita rin kita. Kieyrstine Lee's POV Patakbo akong pumasok ng police station at agad na dumerecho sa departamento. Naabutan ko sina Pakialamero at ang iba pang trainees na nag uusap-usap sa isang mahabang table. Pinukulan ako ng matatalim na tingin ni Pakialamero na para bang nagtatanong kung bakit ako nahuli. "P-Pasensya na." nakayuko kong sabi at umupo katabi nung isang lalaki. Agad ko namang inayos ang sarili ko dahil feeling ko ang haggard-haggard ko na. "Bago ko ituloy, ipapakilala ko lang sa inyo ang bago nating trainee. Ms. Kieyrstine Lee Valler." nagulat ako nang ipakilala ako bigla ni Pakialamero sa iba kaya tumayo ako at nahihiyang nakipagkamay sa kanila. Tama nga si Inspector Will, bihira ang babae dito sa Departamento nila. Lahat yata ng Detective Constable ay lalake at kung makakapasok man, ako lang ang nag-iisang babae sa kanila. Inulit ni Pakialamero ang pinag uusapan nila kanina at ngayon ko lang nalaman na nahuhuli na talaga ako. Nakapagsimula na last week sa training itong nga kasamahan ko samantalang ako ay ngayon pa lang nakapag umpisa. Sabi naman ni Carter na huwag daw akong mag-alala dahil parang orientation pa naman daw yung kanilang mga ginawa. "Oh? Kelangan palang dumaan munang police officer bago iangat na detective?" takang tanong ko kay Xavier . "Yup, 2 taon na akong nagtatrabahong police." natatwang sabi niya. "Ako naman 6 months pa lang hahaha! Sabay kami nitong si Carter." sabat ni Nate. "Eh ikaw ba?" tanong ni Carter sa akin at nanlaki naman ang mata ko. "H-Hindi ako police hehehe. Actually, estudyante palang." sabi ko at nagpeke ng ngiti. Kita ko naman ang gulat sa kanilang mga mata. "Wow. Ang swerte mo naman at nakapagtrain ka agad bilang constable." namamanghang sabi ni Xavier sa akin. Di ko maiwasang makaramdam ng hiya. Baka sabihin nilang madaya ang naging patakaran na sa katunayan ay parang ganoon nga. "Baka nakitaan ka agad ng potensyal." sabi nman ni Carter. "Ganun din yung pinsan ko eh. Si JM? Deretso sa training din yun hahahaha!" Potensyal? Meron ba ako nun? Taray ah? Sno kayang nakita ni Inspector Will sa akin? "Yup tsaka, family of Detective kayo diba? Anak ka nung mga magagaling na detective dito sa Asuncion?" humahangang sabu ni Nate at tumango lang ako nang may pekeng ngiti sa labi. Halos dalawang oras kaming nag uusap doon at kung ano-ano nang pinagsasabi ni Pakialamero ay hindi ko maintindihan. Inaantok ako na nabo-bored habang nakatingin kay Pakialamero. Bukod kasi na sobrang seryoso niya sa kaniyang pinapaliwanag sa amin ay hindi ko bet yung topic. Pinaliwanag niya yung iba't ibang departamento at unit na na matatagpuan sa loob ng police station at kung ano ang mga ginagawa nito. Ang departamento naman namin ay tinatawag na CIU o Criminal Investigation Unit, mayroon ding Special Enforcement Unit, Crime Prevention Unit, at Special Operations katulad ng swat at crisis negotiators. Mom.. Nawala ang antok ko nang makitang nagmamadaling pumasok sa loob ng departamento sina Mom at Dad kasama ang isang Inspector. "We received another report of murder.." anunsyo ni Dad kaya napatayo yung iba sa gulat. Kitang-kita ko kung paanong magmadali sa pag-aayos ng gamit yung mga detective sa kani kanilang mga mesa. Nakita ko kung paanong naging abala bigla ang lahat. Na kung titignan kanina ay parang nagkukwentuhan at nagbibiruan lang sila. Napatingin sa akin si Mom at ngintian ako. May mga idinagdag pa si Dad sa sinabi niya kanina, kasama na doon yung lokasyon ng pinangyarihan ng krimen. Kani-kaniyang tawag sa telepono naman yung iba at parang sa isang ihip ng hangin ay naging abala sila bigla. Napatingin ako sa mga kasamahan kong trainee na halatang nagmamasid din sa mga nangyari. "Mukhang hanggang tingin lang tayo nito." natatawang sabi ni Nate. "Mukha nga." Dagdag ko pa at mas lalo silang natawa. Nakapangalumbaba nalang ako doon habang nakamasid parin sa mga abalang pulis. Sana all... Sabi ko sa sarili ko habang kinukuha yung kulangot sabay punas sa ilalim ng mesa. Wala namang nakakita kasi yung mga katabi ko nagkwentuhan na. Habang kinukuha ko yung kulangot ko gamit ang pinky finger ay may humila nito bigla dahilan para mabitin yung pag abot ko sa kulangot ko. Leche yun ah! "Hoi saan mo ko dadalhin!" angil ko nang bigla akong hilahin ni Pakialamero palabas ng estasyon. "Kailangan kita. ." Hanuraw?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD