Kasalukuyang nasa mall si Karen at naghahanap ng pan na pinapahanap ni Kelly, nang may dalawang pares na naglalakad patungo sa kaniyang direksyon. Si Ian iyon, at may kasama itong babaeng nakalingkis sa kaliwang braso nito. Parang ito rin iyong babaeng nakita niya na kasama nito sa Coffee Shop, nang unang beses silang magkape ni Arthur. Napataas ang kilay niya sa mga ito. Nagkunwari na lang siyang hindi niya nakita ang mga ito, ngunit hindi siya nakaligtas sa paningin ni Ian. Bahagya pa itong nagulat, at agad-agad na tinanggal ang pagkaka-abresyete ng babae sa braso nito. Parang nahuli ito ng girlfriend na may kasamang ibang babae sa inakto nito. Umakto na lang siyang kunwa’y nagulat na makita ito roon. “Karen, anong ginagawa mo rito?” parang natataranta pang tanong nito sa kaniya. “Uy

