"Tangina! Anong kalokohan 'to, Leo?" Galit kong sambit kay Leo habang magkatabi kaming nakaupo rito sa sasakyan ng police na humuli sa amin kanina sa loob ng abandonadong warehouse. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa kinahinatnan nang ginawa namin kanina. "Calm the f**k down, Thad. This is just a misunderstanding and we didn't do anything wrong, wala tayong ginawa na labag sa batas kaya alam kong maa-abswelto rin tayo rito." Inis na tugon sa akin ni Leo. "Dapat lang, dahil baka kapag tuluyan tayong ikinulong ay talagang may magawa ako sa'yong labag sa batas." Pagbabanta ko rito sa kabila nang ibayong kaba na nararamdaman ko. Tangina naman kasi, sa tanang buhay ko ay ngayon lang nangyari sa akin ito. Marami na akong ginawang raket pero sinisigurado iyon ni Amir na safe ka

