Kinabukasan ay alas otso na ako nagising, mabuti na lang at hindi ako ang nakatuka para magbantay sa pwesto ni Mang Kanor. Agad akong nag-ayos ng sarili at naghanda ng pagkain para makapasok na rin ako sa trabaho ko ngayong araw, ang pagsa-side line ko bilang construction worker, hindi gaanong malaki ang bayad pero okay na rin 'yon kaysa naman tumunganga lang ako sa kubo. Nang matapos na ako sa pagkain ay nagbihis na ako, pinili ko iyong damit na kapag nasira ay hindi ako manghihinayang dahil sigurado akong mamamantsahan ang suot ko ngayong araw. Agad akong lumabas ng kubo at pumara ng traysikel, pwede ko namang lakarin ang papunta sa construction site pero baka hindi pa ako nagsisimulang magtrabaho ay pawis na pawis na ako. "Saan tayo boss?" Tanong ni manong driver. "Sa pinapagawang ba

