Abstract Conflict
--
"Namatanda ka riyan."
Tiningnan ko ng masama si Hilaga na umupo sa tabi ko rito sa sofa. "Nakatulala lang namatanda na agad?"
"Biro lang." Tumawa siya at sumiksik sa'kin. Ako naman ay automatic na umakbay sa kanya. Wala lang, ganito kami minsan, eh. We're best friends. No more, no less. "Bakit namatanda ka?"
"Baliw." Tumawa ako bago siya sagutin ng matino. "Wala lang akong magawa."
Actually, naglalakbay ang isip ko kay South na siguro ay nakatengga na sa pamamahay ng kaibigan niya. Ano na kayang ginagawa no'n? Para kasing imposible sa kanya na mag-enjoy sa ibang lugar.
Kung sabagay, hindi ko pa naman siya kilala talaga.
"Ngayon lang ulit lumabas 'yon si South." Narinig kong sabi niya sa'kin. "No'ng huli kasing inaya siya ng mga kaibigan niya, birthday no'n ng isa sa pinaka-close niyang kaibigan."
"Anong nangyari? Hindi siya pumunta?"
Umiling siya. "She attended. Ilang araw rin siyang kinumbinsi at pinuntahan nina Elli para um-attend kasi masyadong matigas ang ulo ng kapatid ko. Wala siyang nakwento tungkol doon. Biruin mo, nagkulong lang siya sa kwarto. Paglabas niya no'n, ayan na," Tinuro niya ang ilan sa mga painting artworks na naka-display rito. "May mga nagawa na siyang painting. Nagulat nga kami, eh."
Tumayo ako at tiningnan ulit ang mga ipininta ni South. Ngayon ko lang ulit ito tiningnan ng malapitan. Hindi naman kasi talaga ako mahilig sa mga paintings kaya bihira ko lang din mapansin. Basta ang alam ko, maganda lahat ng gawa ni Bata.
"Feeling ko may problema 'yon si South." Nakalapit na siya sa'kin at kumapit sa braso ko. Pagtingin ko sa kanya ay ngumiti siya, pero halata mong nag-aalala, eh. "Kaso hindi naman siya nagkukwento. May naiisip akong reason kung bakit pero hindi ako sure."
"Pa'no mo nasabi?" tanong ko. Hindi naman kasi niya iisipin din 'yon kung walang reason, 'di ba? Kung may problema si South, bakit niya sasarilinin? Pansin ko naman na open silang magkakapatid sa isa't isa.
She sighed. "Hindi ako expert pero, alam mo yung interpretation sa mga shapes and images?" Tumango ako kaya nagpatuloy siya. "Alam mong psychology major ako. Masyadong disturbing yung mga paintings niya. Every artworks screams depression, guilt, pressure, and sadness."
Tiningnan ko ulit yung painting kaso hindi ko naman makita yung sinasabi niya. Oo na, zero ako sa ganyan. "Tingin mo, anong reason, North?"
Huminga siya ng malalim, "Remember our Mom's death?"
Tumango ako. That was...what, two years ago? Hindi ako nakapunta sa libing no'n dahil nasa ibang lugar ako. Inaayos ko kasi yung trouble na nangyari sa business ng Tatay ko. Ang alam ko lang, namatay ang Mama niya dahil sa malubhang sakit.
"It's a suicide." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. What? Pero- "Sorry for not telling the truth. Noong mga panahon na kasi 'yon, hindi ko talaga matanggap na iniwan na niya kami. Kaya gumawa na lang ako ng ibang reason. Ayokong paniwalain ang sarili ko na sinadya niya kaming iwan."
Napahawak ako sa batok ko bago siya tapikin sa balikat. Medyo naiiyak na siya, eh. Hindi ko naman alam kung anong sasabihin, though naiintindihan ko siya. Iba kasi yung kapag magulang mo ang nawala. Buong buhay natin, sila na kasama natin, eh. Bigla ko tuloy na-miss si Mama. "Okay lang kung huwag mo na ituloy ang kwento."
"Hindi, okay lang." Pinunasan niya ang luha na nakawala sa mata niya bago ngumiti, a lip tight smile. "Tingin ko nga si South ang mas apektado no'n. Wala siyang sinasabi na kahit ano sa'min, hindi rin siya sumama sa libing noon, hindi ko siya nakitang umiyak. Pero I know, nasasaktan siya." Humawak siya sa kamay ko. "Mom was diagnosed before. She had depression. Si Dad, marami siyang babae no'n, ewan." Nagkibit siya ng balikat. "Hindi naman siya gano'n dati, eh. Ganoon siguro ang nagagawa ng yaman sa ilan. Nabubulag sila. Ayon, h-hanggang sa hiniwalayan ni Dad si Mom-"
Niyakap ko na siya nang mahigpit. Sinabi na kasing huwag nang magkuwento, eh, ayan tuloy iyak na ng iyak. "Tahan na, kadiri na 'yang uhog mo."
Natawa siya habang nasinghot. "Bwisit ka talaga. Pakain ko sa'yo 'to, eh."
"Eww!" Kinurot ko siya nang mahina sa tagiliran kaya halos mapatalon siya.
Pagkatapos ng ilang minuto ay naghiwalay rin kami. Ngumiti siya sa'kin, edi siyempre ngumiti rin ako. "Punta tayo sa coffeeshop namin?"
"Ay, meron kayo?" Gulat na tanong ko bago siya batukan kaya tiningnan niya ako ng masama. "Ikaw! Ang dami mong 'di sinasabi sa'kin, ah!"
"Hindi ka naman nagtatanong."
Inirapan ko lang siya. Kailangan pa tatanungin. Ang arte ng babaeng 'to.
Pagkatapos niyang mag-drama ay nag-ayos na kami para makapunta na sa coffeeshop na sinasabi niya. Siya na ang nag-drive dahil car naman niya ang gagamitin. Ako wala naman, eh. Isa lang akong hamak na pulubing nag-uumapaw sa kagandahan.
Pagkarating namin ay napanganga na lang ako sa itsura ng coffeeshop. Jusme, ang ganda, ah!
The Hansen ang pangalan ng shop. Obviously, sinunod siya sa surname ng magkakapatid. "Ayos, ah. Matagal na 'tong nakatayo?"
"Nope." Pumasok na kami sa loob. Maraming tao pero hindi masikip tingnan. Halatang well-accomodated ang lahat ng customer. "Kailan lang din 'to. Ang galing nga, eh, pumatok agad sa mga tao."
Customers vary from teenagers, mga family, hanggang sa mga senior citizen. Kapag inamoy mo ang paligid ay malalanghap mo ang aroma ng kape sa paligid. "Ang bango."
"Ah, yeah." Saglit siyang tumawa. "Coffee's aromatic scent neutralized every smells here. Para hindi masakit sa ulo."
Habang naglalakad kami ay napahinto kami sa isang table near the glass window. Katapat ito ng bar stool kung saan sine-serve ang orders. Napansin ko ang isang familiar ng babaeng nakaupo roon. Napangiti pa nga siya ng makita kami, "Hello, Ma'am Hansen." Tumingin siya sa'kin. "Ma'am Leighton."
"Ah, Jade, student ko nga pala sa Gen. Psych." Lumapit siya sa estudyante niya at hinawakan ito sa balikat. "Shannelle McBride."
Ah, tanda ko na. Siya yung nakukuwento sa'kin ni North na kinaaaliwan niya. Siya pala ang infamous Shannelle McBride. "Jade na lang ang itawag mo sa'kin kapag nasa labas tayo ng school."
"Sige po, Ma-" She cleared her throat before smiling. "Jade."
"Good, good." Nangingiti tuloy ako sa sarili ko, ang ganda niya kasi. As in, para siyang prinsesa sa ganda kahit simple lang ang ayos niya. How I wish na maging estudyante ko rin siya. "Malapit ka lang dito?"
Bigla naman akong siniko ni North at bumulong. "Huwag mong pormahan 'yang estudyante ko. At isa pa..." Tumawa siya ng mahina pero nakakaloko. "May girlfriend na 'yan."
Sayang! Pero asa namang papatol ako sa estudyante. Baliw 'to.
"Opo, malapit lang po. Ilang minutes din ang driving papunta rito. Dito ako napunta kapag may gagawin ako or gusto kong mag-unwind. Nakakalungkot din kasing mag-isa sa bahay."
Nginitian ko siya at tinanguhan. Hindi mo aakalain na hindi siya straight sa feminine niya kumilos at manamit. Kung sabagay, gano'n din naman ako. Wala ngang may alam, eh, except na lang kung sasabihin ko. Ang suwerte naman ng girlfriend nito. Kung sino man siya, edi good luck.
"Oh, mauna na kami." Paalam ni North kay Shannelle bago ako hawakan sa kamay mismo. Kung minsan parang bata 'tong babaeng 'to. "May ipapakita lang ako rito kay Jade."
"Sige po. Have a nice day."
With one last smile ay naglakad na kami palayo ni Hilaga Babe na hindi na bumitaw sa kamay ko. Aasarin ko sana siya kaso baka masaksak niya ako dito mismo kaya next time na lang.
Nakarating kami sa isang gallery type ng room na hindi ko alam or rather, hindi ko ine-expect na meron dito.
Ang unang ginawa ko ay nilibot ang lugar gamit ang paningin ko. Puno ang malaki at mahabang kwarto ng iba't ibang paintings na nagva-vary sa size. May mangilan-ngilan ding nakatambay rito kagaya namin, ang iba nga'y binati pa si North na nag-greet din pabalik.
"Wow..." Grabe, para akong bumisita sa isang art exhibit. Feeling ko tuloy nalulunod ako.
"Yeah. Isa ito sa palaging pinupuntahan ng mga customers. You can visit here for free naman, nakakatuwa lang na mukhang hindi sila nagsasawa na magpabalik-balik dito sa lugar na 'to." Sabi niya sa'kin habang naglalakad kami.
Karamihan sa mga naka-display ay puro nature, space, and other heavenly bodies ang painting, may mga portraits-may portrait pa nga ng magkakapatid na Hansen-at meron ding mga abstract paintings. Nahihilo ako sa mga abstract-abstract na 'yan.
Tiningnan ko ang signature ng mga artworks na nakikita ko dito at nanlaki ang mata. Familiar kasi, eh. "The...no way! Kay South lahat 'yan?"
"Para kang sira." Natatawang sabi niya sa'kin kaya tiningnan ko siya ng masama. Bwisit 'to. "Kay South nga 'yan lahat."
Wow pa rin. Hindi ordinaryong hobby 'tong trip niya, ha. Biruin mong nakapagpagpatayo pa ng art exhibit 'yong batang 'yon. Ang mahal siguro ng mga 'to kapag naibenta. "May mga nagkakainteres ba sa gawa niya?"
Tumango siya at hinawakan ang frame ng isa sa painting na nandito, ang painting ay larawan ng parang isang pamilya. Ang creepy lang kasi mga wala itong mukha. Blangko. Ang larawan ay binubuo ng limang babae at isang lalaki. Lahat ay naka-formal attire. Sa likuran naman nito ay mga imahe ng mga tao na puro babae, mas blurred naman ang dating no'n. Hoo, the horror!
"Marami na rin ang nagtangkang bumili ng gawa niya, may iba rin na nagco-convince na isali ito sa auction o kaya ay i-exhibit sa ibang lugar. May iba naman na gustong magpagawa, pero ayaw ni South." Napangiti siya at napailing. "Hindi nga rin alam ng mga 'yon kung sino talaga si South, eh, kaya sa'kin sila nalapit. Napunta rito si South minsan pero hindi alam ng mga tao na siya ang artist ng mga paintings na nandito. She keeps her profile low."
Ako naman ay napakunot ng noo. Bakit ayaw niya? Abnormal ba 'yon? Aba, kung may talent akong ganyan, nako, pagkakakitaan ko na 'yon. "Why?"
At saka hanep siya, 'oy. Pa-mysterious effect hanggang sa gawa niya. Nakakaloka.
She winked at me. "Edi tanungin mo siya."
"Arte mo naman!" Iritang sagot ko. "Ang pangit kausap no'n!"
"Bahala ka." Tinawanan niya ako ng tinawanan kaya napapatingin na sa'min 'yong ibang tao. Hinila na niya ako palabas. "Libre na lang kita. Order mo?"
"Siyempre 'yong the best niyo rito," Inirapan ko siya. "Duh."
Binigyan ko ng huling tingin ang malaking kwarto bago kami lumayo. Napahawak ako sa dibdib ko. Grabe, medyo pigil pala ang paghinga ko kanina. Iba kasi yung feeling doon sa loob. Para kasing nakikita ko na yung mismong South Hansen, kung sino talaga siya, pero para ding hindi. Kumbaga contrasting ang lahat ng nasa loob. Grabe, paradoxial effect!
Nakakapanindig balahibo...in a good way.
Feeling ko napasok ako sa loob ng isip ni South pero imbes na maintindihan ko siya ay mas lalo akong naguluhan. Nakaka-trap na ewan. Ang weird!
"'Uy, may Bing Su!" Parang nag-star ang mata ko nang makita ang nasa menu. Natawa naman sa'kin si Hilaga kaya 'yon na ang in-order para sa'kin since alam naman niya ang flavor na gusto ko.
For now, stop muna ang thought about South. Kakain muna ako!
_____